Mga pangangaral

Tingnan ang kabuuan


Unang pahina

Ang Sampung Dalagang Birhen at ang katapusan ng Kapanahunan



Ang pambungad na salita sa talinghaga tungkol sa sampung dalagang birhen (Mateo 25:1-13), ay pinangunahan ng tanong ng mga disipulo kay Jesus, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? Ano ang tanda ng iyong pagdating at ang mga tanda ng katapusan ng kapanahunang ito? (Mateo 24:3) Sinagot Niya sila na ang tanda ng kapanahunan ng kanyang pagdating ay singkatulad ng puno ng igos (Mateo 24:32-34) inihalintulad niya rin ang kapanahunang ito sa panahon ni Noe (Mateo 24:37-39) at sa panahon din ni Lot (Lukas 17:28-30). Kanyang binigyang-diin na ang kanyang mga alagad ay dapat maging handa sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa panahon na hindi nila inaasahan (Mateo 24:42-44). Pagkatapos Niyang magbigay sa Kanyang mga alagad ng isang matatag na pagtuturo tungkol sa kapanahunan na ito, binigay Niya naman ang talinghaga tungkol sa sampung dalagang birhen, « Ang paghahari ng mga langit ay katulad sa sampung dalagang birhen. Pagkakuha nila ng kanilang mga ilawan, sila ay lumabas upang salubungin ang lalaking ikakasal.» (Mateo 25:1).

Ang talinghaga ay tumutukoy sa lahat ng naghihintay sa mapapangasawa, ito ay maihahambing kung paano o ano ang lagay ng isang simbahan bago mangyari ang rapture.

Una, kailangang mapansin natin na ang sampung dalagang birhen, sila ay malinis, walang bahid, sapagkat sa una palang sila ay tumawag kay Jesu-Kristo na Panginoon at hayaang linisin sila sa kanilang pagkakasala. Isa pang mahalagang detalye ay walang ni isa sa kanila ang nakakaalam sa eksaktong oras ng pagdating ng mapapangasawa, ngunit alam nila na malapit na itong dumating. Patungkol sa pagdating ng Panginoon ay ganito....» sapagkat alam na ninyo na ang pagdating ng araw ng Panginoon ay tulad ng pagdating ng magnanakaw sa gabi»( 1 Tesalonica 5:2). Ito ay totoo para sa mga taong di pag-aari ni Jesus, ngunit para sa mga taong pag-aari ni Niya, sila ay naninindigan sa Kanya «Ngunit wala na kayo sa kadiliman, mga kapatid, kaya't hindi kayo mabibigla sa Araw na iyon na darating na parang magnanakaw. Kayong lahat ay kabilang sa panig ng liwanag, sa panig ng araw, hindi sa panig ng gabi o ng dilim.»( 1 Tesalonica 5:4-5).

Kahit walang sinuman ang nakakaalam sa araw o oras, ang mga mananampalataya ay hindi mangmang patungkol sa kapanahunan na tayo ay namumuhay. Sapagkat mayroong mga palatandaan sa kapanahunan na nagpapakita sa mga manampalataya na ang rapture ay nalalapit na. Una nakita natin na ang panahon ay inihahalintulad sa kapanahunan ni Noe at sa buhay ni Lot. Kung kaya`t ating tingnan ang tatlong pagkakatulad na ating mahahanap sa kapanahunan ni Noe, sa kapanahunan ni Lot at sa kapanahunan ng rapture.


1. Kaalaman tungkol sa kapanahunan

Ang unang pagkakatulad ay ang kaalaman tungkol sa kapanahunan. Alam ni Noah na may darating na buong pagkawasak. «Sinabi ng Diyos kay Noe, "Napagpasyahan ko nang lipulin ang lahat ng tao sa daigdig. Umabot na sa sukdulan ang kanilang kasamaan. Gugunawin ko sila kasama ng daigdig. Kaya gumawa ka ng isang malaking barko na yari sa kahoy na sipres.» ( Genesis 6:13-14a). dahil may kaalaman na si Noe sa kung ano ang paparating kung kaya`t ginawa niya ang kinakailangang paghahanda. Siya ay gumawa ng malaking barko, at dahil dito siya at ang kanyang buong pamilya ay naligtas ng dumating ang malaking baha.

Pagdating naman sa kay Lot, hindi niya alam kung ano ang paparating na mangyayari sa bayan kung saan siya naninirahan. Gayunpaman alam ito ng kanyang tiyuhin na si Abraham:» At sinabi ng Panginoon: ililihim ko ba kay Abraham ang aking gagawin?....at sinabi ng Panginoon, sapagka`t ang sigaw ng Sodoma at Gomorra ay malakas at sapagkat ang kasalanan nila ay napakalubha (Genesis 18:17,20). Si Abraham ay nakatanggap ng kaalaman tungkol sa kung ano ang paparating kung kaya`t siya ay nag-umpisang magdasal para sa matuwid na si Lot. Kaparis ng kay Noe at Abraham na nakatanggap ng kaalaman sa kung ano ang paparating , gayundin ang simbahan ay makakatanggap ng malaking kaalaman tungkol sa panahon bago mangyari ang rapture.

Malinaw nating makikita ito sa talinghaga ng sampung dalagang birhen. Ang sampung dalagang birhen ay piniling pumunta at sumalubong sa mapapangasawa. Sa madaling salita alam nila ang mga palatandaan ng panahon.

Ang kasalang ipinahihiwatig ni Jesus ay ayon sa kaugaliang kasalan ng mga hudyo. Ang kasalang ito ay ginagawa sa loob ng pitong araw kung ang babaeng ikakasal ay birhen at tatlong araw naman kung ang babae ay biyuda. Ang pagdiriwang ng kasalan ay gaganapin sa bahay ng kanyang ama. At sa pagtatapos ng pagdiriwang ay dadalhin ng lalaking mapapangasawa ang kanyang asawa sa kanyang bahay. Ang pagbubukod ng dalaga sa kanyang ama ay mangyayari sa huling gabi o madaling araw. Marami sa kaibigan at kamag-anak ang sumunod sa kanila, at ito ang naging resulta sa kanilang nakita at narinig. Isa pang kawan ang nagpunta sa bahay ng mapapangasawa upang makipagtagpo at nagnanais na makisama sa pagbigay bati sa pagdating. Ito ay ang mga huling dalagang birhen sa talinghaga.

Hindi nila alam ang eksaktong oras kung kailan darating ang mapapangasawa, ngunit alam nila na siya ay malapit ng dumating, samakatuwid dapat sila ay may sapat na langis para sa kanilang mga lampara. Ang lima sa kanila ay matalino at ang lima ay mangmang. (Mateo 25:2). Sa Ingles na pagsasalin ay nakaamplified, ang pagkakasulat ay hindi pangkatuwaan lang ngunit ang lima sa kanila ay `` bobo – walang-isip, hindi iniintindi ang hinahaharap.

Ang sampung dalagang birhen alam nila kung sino ang mapapangasawa; alam nila kung ang babae ay dalaga o balo. Mula sa kaalamang ito, batid na nila kung gaano katagal gagawin ang isang kasal, pitong araw o tatlong araw at kung kailan ang mga tao sa mapapangasawa ay pupunta. Kinakailangang sila ay maghintay , ngunit ang paghihintay ay hindi ganoon katagal at kalayo, sapagkat ang selebrasyon ay umaabot ng pito o tatlong araw lamang, ang panahon ay dumating na para sa pagpunta ng mapapangasawa sa bahay. Sa gayon ang sampung dalagang birhen ay may kaalaman na, gayon ding kaalaman sa panahon bago ang rapture. Hindi nais ng Panginoon na ang kanyang simbahan ay walang kaalaman o kaya nama`y hindi handa para sa nais Niyang mangyari.

a buong kasaysayan ang Diyos ay parating may tinatakdang tao na nakakaintindi sa mga panahon. ``At sa mga anak ni Issachar, na mga lalaking maalam ng mga panahon, upang matalastas kung ano ang marapat gawin ng Israel ``(1Cronica 12:32a) isa pang banal na kasulatan na nagpapatunay nito ay sa Amos 3:7 ``Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin, kundi kaniyang ihahayag ang kaniyang lihim sa kaniyang mga lingkod na mga propeta.`` bago mangyari ang rapture, ang kaalaman tungkol sa panahon ay lubhang napakalaki dahil sa mga senyales, upang malaman ng mga tao kung anong kapanahunan sila namumuhay, at magawa ang kinakailangang paghahanda.


2. Paghahanda

Ang pangalawang pagkakatulad ay ang paghahanda. Ang paghahanda ay parehong personal at pangkalahatan. Nang mabatid ni Noe ang tungkol sa paparating na pagkawasak. Siya ay personal na naghanda sa pamamagitan ng pagbigay impormasyon sa kanyang pamilya at paggawa ng malaking barko. At dahil sa alam niy ang paparating siya ay ang pangkalahatang paghahanda niy ay ipahayag at mangaral sa mga tao ng matuwid. ``At ang dating sanglibutan ay hindi pinatawad, datapuwa't iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran na kasama ng ibang pito pa, noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama``(2 Pedro 2:5).

Ang personal na paghahanda ni Abraham ay ang pananatiling banal at paglayo sa mga kasamaan na ginagawa sa Sodoma, na siyang nasa mundo ngayon. Ang kanyang pangkalahatang paghahanda ay ang pagdarasal para sa matuwid na si Lot, na siyang nakatira doon. Ang kanyang dasal ay kaakibat ng pagpapala ng Diyos ang siyang nakapagligtas kay Lot. ``At nangyari, na nang gunawin ng Dios ang mga bayan ng Kapatagan, na naalaala ng Dios si Abraham, at pinalabas si Lot, mula sa gitna ng pinaggunawan, nang gunawin ang mga bayan na kinatitirahan ni Lot.`` (Genesis 19:29).

Nang dumating na ang panahon ng katotohanan kay Lot, ito ay ipinahiwatig niya rin sa kanyang mga manugang ang tungkol sa kung ano ang mangyayari: ``At si Lot ay lumabas, at pinagsabihan niya ang kaniyang mga manugang na nagasawa sa kaniyang mga anak na babae, at sinabi, Magtindig kayo, magsialis kayo sa dakong ito; sapagka't gugunawin ng Panginoon ang bayan. Datapuwa't ang akala ng kaniyang mga manugang ay nagbibiro siya.``(Genesis 19:14). Anong trahedya! Sapagkat kilala si Lot ng kanyang mga manugang, at nakita nila kung papaano siya namuhay. At alam nila na siya ay namuhay ayon sa makamundong nais at siya ay namumuhay sa kompromiso. Dahil kanyang pamumuhay, ang kanyang mga babala ay hindi nila seneryoso. Kung kaya`t napakahalaga na tayo ay mamuhay ng banal at may takot sa Panginoon para sa iyong sariling kapakanan, bilang saksi na rin sa iyong kapwa. Lahat ng mananampalataya ay mga sulat, binabasa at kilala ng lahat.


3. Ang Pintuan ay Sinara

Ang pangatlong pagkakatulad sa panahon ni Noe at ni Lot ay ang pintuan ay sinara. Pagkatapos matipon ni Noe lahat ng nilalang sa barko, mababasa natin:'' Isinara ni Yaweh ang pinto ng barko.''(Genesis 7:16b). Ang pinto o daanan ay sinara, at ito ang naghihiwalay yaong nasa labas at yaong nasa loob. Lahat ng pagkakataon upang maligtas sa paparating na sakuna ay wala na.

Kapareho rin sa nangyari panahon ni Lot. Nang dumating ang mga anghel upang iligtas si Lot at ang kanyang pamilya, ninanais ng mga mamamayang pasukin ang bahay ni Lot upang gawin ang masasamang nais, sapagkat ito ang ginagawa nila datapwat sabi dito: Ngunit hinaltak siya ng kanyang mga panauhin, ay isinara ang pinto. Pagkatapos binulag nila ang mga tao sa labas kaya't hindi makita ng mga ito ang pinto.'' (Genesis 19:10-11) Ang panauhin sa talatang ito ay ang mga anghel. Nang ang mga kalalakihan sa Sodomas ay hindi mahanap ang pintuan ay hindi na sila magkakaroon ng pagkakataon upang maligtas mula sa kakila-kilabot na bagay na paparating.

Sabi ni Jesus; ''Ako ang pintuan'. Ang sinumang pumasok sa pamamagitan ko'y maliligtas. Papasok siya't lalabas at makakatagpo ng pastulan.(Juan 10:9) Nang di nila mahanap ang pinto ito ay isang larawan na hindi nila mahanap si Jesus, na Siyang tanging makakapagligtas sa atin. Ang habag na panahon ng Sodoma,Gomorra at iba pang mga bayan sa ibabaw ng talampas ay natapos na. Ang paghatol ng Diyos ay hindi na mababawi at wala ng posibilidad na maligtas mula sa matinding pagkawasak.

Ating nakita na ang parehong bagay ay nangyari sa talinghaga ng sampung dalaga: ''Kaya't lumakad ang limang hangal na dalaga. Habang bumilbili sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ya kasama niyang pumasok sa kasalan, at isinara ang pinto.''(Mateo 25:10). Ang saradong pintuan ay napahiwatig na lima sa sampung dalagang birhen ay hindi makakapasok sa gaganaping kasalan. Ito ay nangangahulugan na ang isang malaking bilang ng mga tao na sa paniniwala nila na sila ay makakasama kapag ang rapture ay naganap, yun pala ay hindi.


Lumakad sila kasama ang Diyos

Ang buhay ng mananampalataya ay ang mamuhay para kay Jesus, sumunod sa Kanya at gawin ang Kanyang mga gawa. Nakita natin na sina Noe, Abraham at Lot ay parehong naligtas. Nakita rin natin na si Lot ay naligtas sa mga dasal ni Abraham. Ngayon ating tingnan anong relasyon meron sina Noe at Abraham sa Panginoon.

Tungkol kay Noe ay sabi dito: ''Ito ang mga lahi ni Noe. Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya: si Noe ay lumalakad na kasama ng Diyos.'' (Genesis 6:9). Si Noe hindi namumuhay sa dalawang mundo kung saan sinunod niya ang kanyang mga nais gawin at sundin ang mga pangarap at ambisyon niya sa buhay. Siya ay lumakad ng malinis kasama ang Diyos, at ang layunin ng kanyang buhay ay mamuhay ng matuwid at gawin ang mga nais ng Diyos. Dahil ganito ang kanyang pagkatao, nagawa niyang marinig mula sa Diyos at malaman ang panahon ng siya ay namumuhay.

Si Abraham ay nagsimulang maglakad kasama ang Diyos ng siya ay pitumpo't limang taong gulang na, tinawag siya upang umalis sa kanyang tinitirhang bayan, sa kanyang pamilya at sa bahay ng kanyang ama (Genesis 12:2 & 4). Siya ay pinangakuan ng maraming supling at sa iilang mga taon siya ay lumakad ng matuwid sa Panginoon. Nang ang mga pangako ay wala pa rin ang pananampalataya ay nasubukan, at nais ni Abraham na ''tumulong'' upang ang pangako ay maisakatuparan na. Natulog siya sa kasama ang kanyang kasambahay na si Agar, at si Agar ay nabuntis at ng si Abraham ay walumpot anim na taong gulang na siya ay naging ama (Genesis 16:16). Noong una ya may ugnayan pa siya sa panginoon at dahil dito ang ugnayang iyon ay nasira na. Sa loob ng labing tatlong taon ay walang ugnayan na naganap sa kanila ng Diyos hanggang sa nagpakita sa kanya ang Diyos ng siya ay siyamnaput siyam na gulang na. ''At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka.'' (Genesis 17:1). Si Abraham ay lumihis ng landas ngunit pagkatapos ng paghahayag na ito , siya ay namuhay na ng matuwid sa kasama ng Diyos sa tanang buhay niya.

Tungkol sa paglakad ng matuwid sa harap ng Diyos ,ay may sinabi si Jesus: ''Ang hindi pumapasan ng kanyang krus at hindi sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nagsisikap na mapanatili ang kanyang buhay ang siyang mawawalan nito; ngunit ang mawawalan ng kanyang buhay alang-alang sa Akin ay magkakamit nito'' (Mateo 10:38-39). Ang buhay ng isang mananampalataya ay hindi tungkol sa pagtanto nito, kundi sa bigay lahat kay Jesus upang siya ay mamuhay ng naayon at sa pananampalataya. Ipinahiwatig ito ni Pablo: '' Oo, itinuturing kong walang kabuluhan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalagang, ang pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan makamtan ko lamang si Cristo at lubusang makasama niya. Ang aking pagiging matuwid ay hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan, kundi sa pananalig kay Cristo. Ang pagiging matuwid ko ngayo'y buhat ng Diyos, sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang tanging hangarin ko ay lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa kanyang mga paghihirap, at maging katulan niya sa kanyang kamatayan. Upang ako man ay muling buhayin sa mga patay'' (Filipos 3:8-11). Sa mga taga-Galacia sinulat niya: ''Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako ay nabubuhay pa sa katawang-lupa namumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umiibig sa akin at naghandog sa Kanyang buhay para sa akin'' (Galacia 2:20). Tulad ng nakita natin, ang sampung dalagang birhen ay isang larawan ng mga taong tumanggap kay Cristo Jesus bilang tagapagligtas, dahil kanilang tinanggap na sila ay nagkasala at hinayaang sila ay linisin sa pamamagitan ng dugo ni Jesus. Lahat silang sampu ay nag-umpisang maglakad ng matuwid, ngunit habang lumilipas ang panahon yung iba sa kanila ay napagtanto na mas mahalaga sa kanila ang kanilang mga pangarap, ambisyon at mga minimithi. Ang iba ay hinahayaan ang kasalanan, kamunduhan at karumihan ay umikot sa kanilang buhay. At yung iba naman ay ipinapairal ang hindi pagpapatawad, insulto at kapaitan at dominahan ang kanilang buhay. Ang mga nabanggit na mga halimbawa ay nakakapagbigay distanya sa atin kay Jesus at nagbibigay-daan na tayo ay hindi makalakad kasama ang Diyos. Ang sagot ng lalaking mapapangasawa sa limang mangmang ay isang seryosong babala: ....''sumagot siya at sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hindi ko kayo nakikilala'' (Mateo 25:12) . Nang marinig nila ang mga pahayag na ito, nagpapakita na sila ay hindi namuhay ng matuwid at banal. Ang salita ng Diyos ay nagsabi: ''At pagpapakabanal na kung wala ito'y sinuman ay hindi makakakita sa Panginoon'' (Hebreo 12:14b). Pagdating sa kadalisayan, ang sabi ni Jesus: ''Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios'' (Mateo 5:8) . Ito ay hindi lamang na mamuhay sila sa kanilang buhay ayon sa gusto nila at umasa na dadalhin sila ni Jesus sa langit. Ang mga makakapasok sa kasalan ay ang mga taong ibinigay ang kanilang boung buhay nila kay Jesus, namumuhay ng dalisay at matuwid, at lumakad kasama si Jesus. Ating titingnan kung bakit naaantala ang pagdating ni Jesus.


Pagkaantala ng lalaking ikakasal

'Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya't inantok at nakatulog sila sa paghihintay'' (Mateo 25:5).
May labis na pananabik sa lalaking ikakasal, Jesus, para matipon sila magpakailanman. Kapag ang rapture ay mangyari, ito ay mangyayari sa tamang panahon, kaya kahit ang mga naghihintay sa kanya ay iisipin na ito ay naantala. May dalawang rason kung bakit ito nangyayari. Ang unang rason ay ang babaing ikakasal ay hindi pa handa. ''Magalak tayo at magsaya! Luwalhatiin natin siya sapagkat nalalapit na ang kasal ng Kordero. Nakahanda na ang babaeng ikakasal'' (Pahayag 19:7). Kapag ang panahon ng rapture at ang kasal ay handa na, ang mapapangasawang babae ay hinahanda na rin ang kanyang sarili. Hindi ito isang batang ikakasal, o kaya nama'y isang pokpok na nakabihis para sa okasyon, kundi ito ay isang mature na babae na labis na naghahanda para sa nalalapit na okasyon. Habang lumipas ang mga kapanahunan ang mga pananaw at paghahayag ng salita ng Diyos sa simbahan ay mas lumawak pa. Sa mga kaalamang galing sa Panginoon, sa pamamagitan ng kanyang mga lingkod, naihubog ang mga mananampalataya sa maturidad. Yaong mga taong sa pamamagitan ng salita ng Diyos ay hinayaan ang kanilang sarili na magbago at tumubo sa maturidad, ay kasintulad ng mga matatalinong dalagang birhen na hinanda ang kanilang mga sarili. ''At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y evangelista; at ang mga iba'y pastor at mga guro; Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo: Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo: Upang tayo'y huwag nang maging mga bata pa, na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian; Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo;'' (Efeso 4:11-15).

Katulad ng isang babaeng ikakasal na naghahanda sa kanyang nalalapit na kasal, gayundin ang mga mananampalataya, hinahanda ang kanilang mga sarili para sa kasalang pangkalangitan. Pinanabikan ng babaeng ikakasal ang araw ng kasal, sapagkat mula sa araw na iyon ay mamumuhay na siya sa tanang buhay niya kasama ang taong pinakamamahal niya, ang lalaking ikakasal.

Bago sinabi ni Jesus ang talinghaga tungkol sa sampung birhen na dalaga ay sinabi niya muna sa kanila ang talinghaga tungkol sa matapat at matalinong alipin. "Sino ang tapat at matalinong alipin? Hindi ba't ang pinamamahala ng kanyang panginoon upang magpakain sa iba pang mga alipin sa takdang oras? (Mateo 24:45). Ito ay sinabi ni Jesus upang malaman ng Kanyang mga alagad na ang Diyos ay may mga alagad pa na nagbibigay sa iba pang mga alagad ng tamang pagkain sa tamang panahon. Ang ilan sa mga tapat at matatalinong alagad na siyang magbibigay ng spirituwal na pagkain ang siyang magiging saksi ng Espiritu, habang ang iba naman ay makakatukoy sa mga palatandaan at ito ay kanilang ipapangaral. Ang huling grupo ay makakatukoy sa panahon kagaya ng isang manganganak na babae malalaman na ang napipintong kapanganakan, dahil sa mas malakas at madalas na kontraksyon. Ang mas malakas at mas madalas na paglindol, mga natural na kalamidad, mga palatandaan sa araw at buwan, gyera, tungkol sa mga nangyayari sa Israel na nakapagpagbigay ng interpretasyon sa kapanahunan sa mga propesiya sa bibliya, at ito'y ipapangaral nila.

Hingil naman tungkol sa espirituwal na patotoo, ang simbahang sa mga lumipas na kasaysayan ay parating nakakarinig sa mga ito, upang ang mga mananampalataya ay maging update sa mga nais ng Diyos. Kaakibat sa pitong simbahan sa Pahayag 2-3 na nagsasabi: "Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!''. Ang tapat at matalinong lingkod sa talinghaga bago ang sampung dalagang birhen, ay mag espirituwal na patotoo upang ang ibang alagad ay makapagtatag ng tamang relasyon sa lalaking ikakasal, si Cristo Jesus. Ang Diyos ay makatarungan at hindi niya ninanais na sinuman ay mapahamak. Kapag ang mga tao ay malipol ito'y sa kadahilanang hindi nila narinig ang ebanghelyo, o kaya nama'y narinig nila ngunit hindi sila nagsisi sa kanilang mga kasalanan at mamuhay para kay Jesu-Kristo.

Kapag ang rapture ay mangyayayari na, milyon-milyon katao sa iba't-ibang panig ng daigdig sa isang kisap ay sasalubong sa Panginoon sa kalangitan. Marami sa mga ito ay manggagaling sa mga bansa at pamunuan kung saan ang mga tao ay inusig, binilanggo at namatay dahil sa kanilang pananampalataya (faith) sa Panginoong Jesus. Ang pag-ibig at katapatan na inilaan nila kay Jesus at ngayon nahihinita na ang gantimpala, ang korona ng buhay!

Datapwat ang mga palatandaan ay ipapangaral sa mga simbahan sa daigdig, marami ang hindi makakatatamasa at makakarinig ng mga kaalamang ito dahil sa pang-uusig, isolasyon, kahirapan at iba pang mga rason at dahilan. Ang Espirito ay saksi sa pamamagitan ng matapat at matalinong lingkod sa mga bansang ito na siyang magpapahiwatig sa ibang mga lingkod tungkol sa panahon, upang makapagsagawa sila ng kanilang paghahanda.

Ang pinakamalaking palatandaan kung saan nagpapakita na ang rapture ay malapit ng mangyari ay ang mga matapat at matalinong lingkod sa iba't-ibang panig ng daigdig ay mangangaral, magtuturo at inihahanda ang mga mananampalataya para sa rapture.Ang mga palatandaan ay pagtitibayin ng saksi ng Espiritu. Ang epekto ng paghahandang ito ay napakalaki, sapagkat kapag ang oras ng Diyos ay mangyari na, marami sa mga taong nagsipaghanda ay bigla na lang maglalaho.

Ang sabi ni Jesus ukol dito: Sinasabi ko sa inyo, sa gabing iyon, may dalawang taong nasa isang higaan; kukunin ang isa at iiwan ang isa. May dalawang babaing magkasamang nagtatrabaho sa gilingan; kukunin ang isa at iiwan ang isa.'' (Lukas 17:34-35). Nang magsalita si Jesus tungkol sa rapture, ito'y mangyayari ng gabi para sa ibang tao at sa iba nama'y mangyayari sa umaga, kung gayo'y ito ay mangyayari sa buong mundo na may magkaibang sona ng oras. Na ang sangkatauhan ay kukuhanin sa buong panig ng daigdig, hindi alintana ang magkaibang sona ng oras, ito'y nagsasaad sa atin na mayroong ginagawang pandaigdigang paghahanda. Ang panapos na paghahanda ay nangyayari samantalang ang mundo ay nasa espirituwal na kadiliman na punung-puno ng kasamaan. Ang kapanahunanni Noe at sa panahon ngayon ay ikinumpara, at ito'y may pagkakatulad: ''At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pag-iisip ng kaniyang puso ay pawang masasama lamang na parati'' (Genesis 6:5). Kaparis din sa kapanahunan ni Lot: ''At sinabi ng Panginoon, sapagka't ang sigaw ng Sodoma at Gomorra ay malakas, at sapagkat ang kasalanan nila ay napakalubha'' (Genesis 18:20). Sa ilalim ng kadiliman sa daigdig ang mga tapat at matalinong lingkod ay ibubuka ang kanilang mga bibig sa huling sandali at mag-iiwan ng isang makapangyarihang paksi ng Espiritu upang gawing ganap ang nakasaad sa banal na kasulatan: "Ngunit nang hatinggabi na'y may sumigaw, 'Narito na ang lalaking ikakasal! Lumabas na kayo upang salubungin siya!'' (Mateo 25:6).


Gamitin ang iyong Talento

Ang ikalawang rason kung bakit ang rapture ay naantala, ay ang nais ng Diyos na ang mga tao ay magsisi sa kanilang mga kasalanan. ''Hindi mapagpaliban ang Panginoon, na gaya ng pagpapalibang ipinalagay ng iba kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinuman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi'' (2 Pedro 3:9).

Nakita natin sa mga naunang salaysay na parehong sina Noe, Abraham, at Lot ay mayroong pangkalahatang paghahanda bago dumating ang pagkawasak sa kanilang kapanahunan. Nakikita natin ang parehong mangyayari bago ang rapture. Matapos sabihin ni Jesus ang talinghaga tungkol sa sampung dalagang birhen , sinabi niya naman ang tungkol sa talinghaga ng mga talento. ''Sapagkat tulad ng isang tao, na nang paroroon sa ibang lupain, ay tinawag ang kaniyang mga alipin at ipinamahala sa kanila ang kaniyang mga pag-aari. At ang isa'y binigyan niya ng limang talento, ang isa'y dalawa, at ang isa'y isa, sa bawat isa'y ayon sa kaniya-kaniyang kaya, at siya'y yumaon sa kaniyang paglalakbay''(Mateo 25:14-15). Ang naunang dalawang alagad ay lumabas at ginamit ang kung anong meron sila at ginawang doble ang halaga nito. Ang pangatlo ay ibinaon ang talento nito. Sa huli siya ay kailang managot para sa kung ano ang ipinagkatiwala sa kanya, siya ay itinapon sa kadiliman sa mga salitang ito: ''.... Ikaw na aliping masama at tamad, ..... at ang aliping walang kabuluhan ay inyong itapon sa kadiliman sa labas'' (Mateo 25:26,30). Ang aliping ito ay may kakayahan, abilidad, at talento upang magawa ang mga gawain ngunit pinili niyang hindi gawin. Ito ay napakaseryosong bagay ang hindi gamitin ang iyong kakayahan, abilidad at talentong kaloob ni Jesus. Ang Panginoon ay nagsabi na yaong hindi natitipon, ay kumakalat!

Nais ni Jesus na gamitin natin ang oras at talento na binigay niya sa atin, upang makapag-abot ng mga tao para sa Diyos. Si Noe ay isang mangangaral ng katuwiran, Si Abraham ay nagdasal upang si Lot ay maligtas at si Lot naman ang naging saksi tungkol sa mahalagang mangyayari sa hinaharap. Pagsawalang-kibo na maging kaakibat sa pagdala ng mga tao tungo sa kaligtasan ay ang pangalawang rason kung kaya't ang kalangit ay naantala na ang rapture ay mangyari. ''Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kanyang pangako, gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi''(2 Pedro 3:9).
Kaparis sa aliping walang kabuluhan na itinago ang kanyang talento, yaong mga tamad at mapagsawalang-kibo na mga tao ang hindi magiging bahagi sa huling pag-aani. Ang pagkilos ng mga mananampalataya na parehong ginamit ang kanilang talento at nagdarasal, ay gayunpama'y sapat na upang makompleto ang aanihin, bago mangyari ang rapture. Kapag ang mga mananampalataya ay may pansarili at pangkalahatang paghahanda, ito ay magpapabilis sa rapture. ''Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw ng ganito, ano ngang anyo ng mga pagkatao ang nararapat sa inyo sa banal na pamumuhay at pagkamaawain,. Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng kaarawan ng Diyos.....''(2 pedro 3:11-12b).


''...... at ang mga nagsipaghanda ay nagsipasok na kasama ni sa piging ng kasalan at isinara ang pintuan.'' ( Mateo 25:10b)


Webmaster: Dan Hoset Word of Freedom, 6650 Surnadal, Norway