![]() |
|||||||||||
|
Sila na kailanma'y di nayayanig Ilan sa mga huling bagay na itinuro ni Jesus sa Kanyang mga alagad bago Siya sumalangit ay ang tungkol sa mga huling sandali. Sa Mateo 24:3 ang kanyang mga alagad ay nagtanong sa kanya: ''Sabihin mo sa amin, Kailan manyayari ang mga bagay na ito? At ano ang magiging palatandaan ng iyong muling pagpaparito at ng katapusan ng sanlibutan? At sumagot si Jesus, ''Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! Sapagkat maraming paparito sa pangalan ko at magpapanggap na sila si Cristo, at marami silang maililigaw. Makakarinig kayo ng mga labanan, at makakabalita ng mga digmaan sa iba't-ibang dako. Ngunit huwag kayong mababahala dahil talagang mangyayari ang mga iyon, bagama't hindi pa iyon ang katapusan ng mundo. Maglalaban-laban ang mga bansa at gayundin ang mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at lilindol sa maraming lugar. Ang lahat ng ito'y pasimula pa lamang ng mga paghihirap na tulad sa isang babaing nanganganak.(Mateo 24:4-8) Sa Lucas 21:10-11 may sinabi si Jesus tungkol sa panahong ito: At sinabi pa Niya,'' Maglalaban-laban ang mga bansa at magdidigmaan ang mga kaharian. Magkakaroon ng malakas na lindol, taggutom at salot sa iba't-ibang dako. May lilitaw na mga kakilakilabot na bagay at mga kamangha-manghang kababalaghan buhat sa langit. Batay sa kung ano ang sinabi ni Jesus dito, ito ay magiging napakamadulang mga bagay na sasapitin ng sanlibutan sa panahon bago ang pagbabalik ni Jesus. Walang bansa ang hindi maapektuhan ng mga kalamidad, digmaan, at mga salot na darating. Sadyang ang malaking pagyanig ay darating na walang pamahalaan o autoridad ang may kakayahang makatulong. Ang kanyang tinig ang nagpapayanig sa mundo. Ngunit ngayon, kanyang ipanangako, na sinabing Gayun pa man minsa pa, yayanigin ko hindi lamang ang mundo kundi pati ang kalangitan. Dahil sa kanyang tinig, nayanig noon ang lupa; ngunit ipinangako Niya ngayon, Minsan ko pang yayanigin, hindi lamang ang lupa pati na rin ang langit. Ang mga salitang ''Minsan pa'' ay maliwanag na nagsasabing aalisin ang mga nilikhang nayayanig upang manatili ang mga bagay na di-nayayanig. Kaya't magpasalamat tayo sa Diyos sapagkat tumanggap tayo ng isang kahariang hindi mayayanig. Sambahin natin ang Diyos sa paraang kalugud-lugod sa kanya, sa paraang may paggalang at pagkatakot. (Mga Hebreo 12:26-28) Ngunit ang salitang: gayun pa man minsan pa, ay nagpapahayag na ang mga bagay na nayayanig ay inaalis. Dahil sila ang mga nilikhang bagay at ang mga hindi nayayanig ay mananatili.
Silang mga hindi nayayanig Tingnan natin ngayon kung ano ang mga katangian ng isang taong kailanma'y di mayayanig. Sa Mga Awit 15 Nagtanong si David: Panginoon, sinong makakapanuluyan sa iyong tabernakulo? Sinung tatahanan sa iyong banal na bundok? (Mga Awit 15:1) Si David ay hindi nasisisyahan na nasa tabernakulo lamang siya paminsan-minsan. Nais niyang manatili sa presensiya ng Panginoon. Hindi rin siya nasiyahan na maranasan ang kasukdulan at kabantugan sa kanyang buhay. Nais niyang magtayo ng banal na bundok.Kung isasalin sa ating buhay, samakatuwid si David ay hindi kuntento sa pagsamba lang tuwing Linggo sa mga simbahan. Hindi rin siya nasisiyahan na maranasan lang ang magandang pagpupulong o isang bible camp. Nais niya na talagang maranasan palagi ang presensiya ng Panginoon. Ang ninanais ni David ay kung paano ito inaasam ng mga matuwid, dahil tinawag tayo upang makipag-isa kay Jesus. Tinitingnan parati ng Diyos ang puso, at nakita Niya na ang inaasam ni David ay galing sa puso. At sinagot ng Panginoon si David sa pamamagitan ng pagbibigay ng sampung puntos: Siyang lumalakad ng matuwid , at laging gumagawa ayon sa katuwiran, nagsasalita ng katotohanan sa kanyang puso. Siyang hindi naninirang puri ng kanyang dila. Ni gumawa ng kasamaan sa kanyang kaibigan, ni dumusta man sa kanyang kapwa. Ang itinakwil ng Diyos ay di niya pinapakisamahan, mga may takot sa Panginoon, kanyang pinaparangalan. Sa pangakong binitiwan, siya'y laging tapat anuman ang mangyari, salita'y tinutupad. Hindi nagpapatubo sa kanyang pinautang, di nasusushulan para ipahamak ang walang kasalanan. (Mga Awit 15:2-5a) Ang Mga Awit 15 ay nagtatapos sa pagsasabing: Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi matitinag kailanman.(Mga Awit 15:5b)
Sa mga naunang kapitulo ang Genesis 16:16 sabi dito: At si Abram ay walongpu't anim na taon nang ipanganak si Ismael ni Hagar kay Abram. Sa loob ng labing tatlong taon noong si Abram ay walongpu't anim pa bago siya magsiyamnapu't siyam, ang langit ay nanahimik. Si Abraham ay kaibigan ng Diyos, ngunit siya ay naglihis ng landas sa kanyang paglalalakad sa Panginoon. Si Abram ay hindi na ngayon naglalakad para sa Panginoon. Ang rason dito ay dahil kumilos siya ng walang pananalig nang pumunta siya kay Hagar. Kung tayong mga tao, sa ating lubos na pagsisikap ay ''tutulong'' upang makamtan, na ang mga pangako ng Diyos ay maganap, ito ngayon ay matatapos sa isang makamundong bunga. Ganun din ang nangyari kay Abram, siya ay naging ama ni Ismael. Nang ang Panginoon labingtatlong taong nakalipas ay nagpakita sa kanya, ipinakilala niya ang kanyang sarili bilang Makapangyarihang Diyos. Sa gayong paraan ng pagpapakilalala ng Diyos, naging kahulugan kay Abram na malaman na sa Panginoon walang imposible. Nang magsisi si Abram sa paglihis ng landas, pinaubaya na niya ang kanyang buong buhay sa mundo para sa Panginoon.
Ang tanging paraan na upang mabuhay ang mga makatuwirang tao ay ang paglakad at paggawa ayon sa pananampalataya. Nguni't ang aking lingkod na makatuwiran ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya. Hindi ko siya kung siya'y tatalikod hindi ko siya kalulugdan. (Mga Hebreo 10:38)
Sa nakikita natin sa pahayag na ito, hindi gaano karami ang gumagawa ayon sa katotohanang kanilang narinig. Ito ay napakamapanganib. Dahil ang Salita ay makapangyarihan para makaligtas. Kaya't talikuran na ninyo ang inyong maruming gawa at alisin ang mga masasamang asal. Mapagkumbabang tanggapin ninyong taimtimsa inyong puso ang Salita ng Diyos sapagkat ito ang makapagliligtas sa inyo. Mamuhay kayo ayon sa Salita ng Diyos. Kung ito'y pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagwa, dinadaya ninyo ang inyong sarili. (Santiago 1:21-22)
Napakaseryoso nito sa mata ng Diyos ang manirang-puri, na kung hindi siya magsisi sa kasalanang ito siya ay mawawasak. Ang sumisirang -puri ng lihim sa kanyang kapwa ay Aking wawasakin.(Mga Awit 101:5a)
Kung mayroon mang nakaranas ng hindi makatarungang poot ng tao at pagkasuklam, iyon ay si Jesus. Sabi niya: Ngunit ito naman ang sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang umuusig sa inyo. (Mathew 5:44) Magdasal para sa kaalaman, at ibigay mo sa Diyos ang mga taong gumagawa ng kasamaan sa'yo. Hayaan mong ang Diyos na ang bahala sa kanila. Mga minamahal, huwag kayong maghiganti, ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat'' Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti '' sabi ng Panginoon. (Mga taga-Roma 12:19) Kung nais mong maging isang mapagtagumpay laban sa masama, kung gayon ang tanging paraan upang mapagtagumpayan ang kasamaan ay ang paggawa ng mabuti. Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng kabutihan ang masama.(Mga taga-Roma12:21)
Paano mo masasabi sa inyong kapatid, ' Halika't aalisin ko ang puwing mo, gayong troso ang nasa mata mo? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mga mata at sa gayon, makakita kang mabuti at maalis mo ang puwing ng iyong kapatid. (Mateo 7:3-5) Kung ang isang tao ay may troso sa kanyang sariling mata, ang taong ito ay bulag. At ang sinuman na bulag ay hindi alam kung saan siya tutungo. Samakatuwid ito ay mapagkunwari, kung ang isang tao na bulag ay magpapanumbalik sa isang tao na may puwing sa kanyang mata! Sinuman ang nais tumulong sa kanyang kapatid, ngunit may nagawa sa kanyang buhay na siyang nagpabulag sa kanya ay walang maibahagi sa kanyang buhay at ito ang hindi nagpapaangkop sa kanya na maging ''matulungin''. Sinuman ang nakakakita ng malinaw ay hindi niya kailanman ilalantad ang puwing sa mga mata ng kanyang kapatid, bagkus panunumbalikin niya ito sa pamamagitan ng pagpapala at kaalaman. Kapag ang pagpapanumbalik ay nagawa na sa tamang paraan, ang kapatid na may pinaggalusan sa kanyang mga mata ay makakaranas ng pagmamahal ng Diyos, sa halip na magkaroon ng pangdudusta sa kanya galing sa isang taong malapit sa kanya.
Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama. Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang masasamang nasa ng laman, ang nasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa mundong ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan. Mawawala ang sanlibutan at ang lahat ng kinahuhumalingan nito, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman. (1 Juan 2:15-17) Ang sinumang pag-aari ng Diyos ay naghahanap ng mga kahalagahan sa kalangitan, na mananatili magpakailanman. Sa paggawa nito, ang isang tao ay naiintindihan kung ano ang mga hinahanap ng mga masasamang tao, ito ay walang kahalagahan magpakailanman. Tungkol sa kanyang sarili, sabi ni Pablo: Sapagka't ako baga'y nanghihikayat ngayon sa mga tao o sa Dios? o ako baga'y nagsisikap na magbigay-lugod sa mga tao? kung ako'y magbibigay-lugod pa sa mga tao, ay hindi ako magiging alipin ni Cristo.(Mga taga-Galacia 1:10) Hindi hinahangad ni Pablo ang mapansin lang ng tao o ng Diyos. Siya ay alagad ng Diyos na sa pananampalataya ay magawa niya ang paglilingkod. Kung ang mga matuwid ay mamuhay sa pananampalataya, hindi dapat sila mag-asam na mapansin lang ng tao o ni ng Diyos. Ganon dapat mamuhay ang isang matuwid na tao! Hindi tinatapik ng Diyos ang matuwid na tao sa kanyang balikat para papurihan dahil lang sa ginawa nila ang dapat gawin. Ang pagkilos ng pananampalataya ang inaasahan ng Diyos na dapat nating gawin. At hindi tayo karapat-dapat na alagad kung gagawin lang natin ang mga gawain dahil inutusan tayo na gawin iyon. Ganoon din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniuutos sa inyo, sabihin ninyo, 'Kami'y mga aliping walang kabuluhan; tumutupad lamang kami sa aming tungkulin.'' (Lucas 17:10) Ang Diyos ay nalugod lamang sa isang bagay, at iyon ay ang kung ano ang ginawa ni Jesus sa krus. Ngunit isang araw lahat ay may kapalit kung ano ang ginawa mo dito sa lupa, at alam ni Pablo iyon na ang araw na iyon ay darating. Siya ay may takot sa Diyos kung kaya't ginawa niya ng masinsinan ang kanyang katawagan.Tulad ng isang taong may karangalan, sa kanyang buhay at gawa, alam ni Pablo na nabubuhay siya para sa Diyos.
Kung mangangako ka sa Diyos, tuparin ito agad; hindi siya nalulugod sa taong mangmang. Kaya tuparin mo ang iyong pangako sa kanya. Mabuti pang huwag ka nang mangako kaysa mangangako at hindi mo tutuparin. (Mangangaral 5:4-5) Ang lahat ng pananampalataya ay susbukin, pati na rin ang pangakong ginawa para sa Diyos. Ang isang tao ay dapat isiping mabuti lalo na kapag nagbitiw ka ng pangako para sa Diyos, dahil kung ang isang tao ay hindi tinupad ang kung ano ang kanyang binitawang salita ay makakapagpukaw sa poot ng Diyos.
Kung ang isang kapatid ay nagpunta sa isang sitwasyon na kinakailangan niyang manghiram, ito ay napakahirap na sitwasyon para sa kanya. Dahil dito ang sitwasyon ay hindi masyadong mahirap para sa kanya kung ang nagpapahiram sa kanya ay hindi papatungan ng interes ang kanyang hiniram. Nakikita lahat ng Panginoon at papagpalain niya ang sinuman na nagkaloob ng habag sa kanyang kapwa.
Ang masama ay tumatanggap ng suhol mula sa sinapupunan, upang ipahamak ang daan ng kahatulan.(Mga Kawikaan 17:23) Ang mga matuwid sa lahat ng paraan siya ay laging matapat at totoo, kahit na pwede siyang mapahamak. Ang katotohanan ay makakatayo sa kahit na anong pagsisiyasat. At ang isang tao na buo sa kanyang paglalakbay ay mananatiling nakatayo kahit ano mang bagyo na dadaan.
Nang binigay ng Panginoon kay David ang mga puntos na ito, pinagtibay ito sa mga salitang: Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi matitinag kailanman. (Mga Awit 15:5b) Magiging nakakahilakbot na sitwasyon ang magyayari dito sa mundo sa mga huling panahon kaya't sinabi ni Jesus: Ang mga tao'y hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga kapahamakang darating sa sanlibutan sapagkat mayayanig ang mga kapangyarihan sa langit. (Lucas 21:26) Sa ikalawang sumunod na mga bersikulo paibaba sinabi Niya: Kapag nagsimula nang mangyari ang mga ito, ay magsitayo kayo, tumingin kayo sa itaas, at magalak kayo sapagkat malapit na ang inyong katubusan." (Lucas 21:28) Ang mag-angat sa kanyang ulo at tumingin sa itaas kapag ang isang kalamidad ay dumating, siya ay isang taong maasahan. Ito ang isang tao na itinayo ang kanyang buhay sa Salita ng Diyos at naglakad kasama si Jesus. Alam niya siya ay di matitinag o matatayog, at kapag siya ay tumayo at inangat ang kanyang ulo, alam na niya na malapit na ang katubusan.
|
||||||||||
Webmaster: Dan Hoset | Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway |