![]() |
|||||||||||
|
At isang babae na may labindalwang taon ng dinudugo. Hirap na hirap na siya sa sakit na iyon at marami nang doktor ang sumuri sa kanya. Naubos na ang kanyang ari-arian sa pagpapagamot ngunit hindi pa rin siya gumaling, sa halip lalo pang lumala ang kanyang karamdaman. Nabalitaan niya ang tungkol kay Jesus kaya't nakipagsiksikan siya hanggang sa makalapit sa likuran ni Jesus, at hinipo ang damit nito, sapagkat iniisip niyang'' mahipo ko lamang ang kanyang damit, gagaling na ako.'' Agad ngang tumigil ang kanyang pagdurugo at naramdaman niyang magaling na siya. . Naramdaman naman ni Jesus na may kapangyarihang lumabas sa kanya, kaya't bumaling siya agad sa mga tao at nagtanong, Sinu ang humipo sa aking damit? Sumagot ang kanyang mga alagad, Nakikita po ninyong napakaraming nagsisiksikan sa paligid ninyo, bakit pa ninyo itinatanong kung sino ang humipo sa damit ninyo? Subalit patuloy na lumingun-lingon si Jesus sa paghahanap kung sino ang humipo sa damit niya. Palibhasa'y alam ng babae ang nangyari, siya'y nanginig sa takot at lumapit kay Jesus,nagpatirapa at ipinagtapat ang buong katotohanan. Subalit sinabi sa kanya ni Jesus, Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kana at ipanatag mo ang iyong kalooban. Ikaw ay magaling na. (Marcus 5:25-34) Labingdalawang Taon Ang babaeng tinutukoy sa banal na kasulatang ito ay nagdusa sa pagdudugo sa loob ng labingdalawang taon! Walang sinuman ang makakaarok sa lalim ng kung ano man ang kanyang pinagdaanang dusa at kabiguan. Sa halip na ang pagdurusa ay lumiit habang dumadaan ang mga araw, ay mas lalo pa itong lumala ng lumala habang lumilipas ang mga taon. Siya ay lalo pang nagdusa sa kabila ng napakaraming doktor. Ang salitang ito ay nagsasabi sa kanyang kabiguang naranasan. Kapag ang isang doktor ay hindi siya natulungan, pumupunta siya sa ibang doktor. Ngunit ang doktor na ito ay hindi rin nakapagpabago sa kanyang kalagayan. Sa kalagayang pinansyal ito ay isang hamon dahil sa mga gastos sa pagpunta punta sa doktor. Bago siya pumunta sa isa namang doktor kinakailangan niyang magtrabaho at ipunin ang kanyang kita, hanggang sa makayanan niya ng magpakonsulta sa isang doktor. Samakatuwid hindi niya na makaya ang mga bagay tulad ng bagong damit, sapatos at ang iba pang pangangailangan sa pang-araw araw. Sa huli siya ay nasa isang kalagayan na kung saan nagamit niya na lahat ng kanyang pag-aari ngunit walang naitulong sa kanyang paggaling. Marumi Bukod sa pagdurusang pisikal, may isa pang bagay na nagpapalala sa kanyang kalagayan. Siya ay marumi. Ayon sa Levitico 15:25 na nagsasabing: ''Kung ang sinumang babae ay dinudugo nang wala sa panahon o lumampas kaya sa takdang panahon ng kanyang pagreregla, itinuturing siyang marumi habang siya'y dinudugo, tulad ng siya'y nireregla. Ang isang tao na marumi ay hindi nakikibahagi sa isang relihiyosong buhay, at ang sinumang humawak sa kanya ay nagiging marumi. Samakatuwid siya ay isang malungkot na babae na hindi makapaglingkod sa Panginoon kasama sa iba pang mga tao. Pagkarinig tungkol kay Jesus Ang pagbabago sa kanyang buhay ay nag-umpisa sa pagkarinig niya tungkol kay Jesus. Kahit hindi siya namumuhay na makipaghalubilo sa mga lipunan o sa mga tao ay nagawa niya pa ring makasagap ng balita tungkol sa pinag-uusapan ng mga tao. At pinag-uusapan ng mga tao si Jesus. Sa Mateo 4:24 mababasa natin ang tungkol kay Jesus. ''Ang balita tungkol sa kanya ay kumalat sa buong Siria kaya't dinala sa Kanya ang lahat ng mga maysakit at nahihirapan dahil sa iba't-ibang karamdaman, mga sinasapian ng demonyo, mga may epilepsya at mga paralitiko. Silang lahat ay kanyang pinagaling''. Nakarinig siya galing sa mga usap-usaping ito, at gayun-gayon din ay pumunta siya sa likuran ng maraming tao na may isang hangarin; ang mahawakan si Jesus. ''Dahil sinabi niya na mahawakan ko lamang ang kanyang damit, gagaling na ako''. Tirintas Noong inilarawan ni Mateo kung ano ang nangyari, sinulat niya: ''Habang sila'y naglalakad, lumapit sa likuran ni Jesus ang isang babaing labindalawang taon ng dinudugo at hinawakan ang laylayan ng kanyang damit''. (Mateo 9:20) Hindi lamang ang laylayan ng damit ni Jesus ang kanyang nahawakan, kundi pati na rin ang tirintas sa laylayan ng kanyang damit. Ito ay hindi sa, hindi sinadya o aksidente lamang, ngunit ito'y isang nakalaang kilos. Ang dahilan nito ay mahahanap natin sa Mga Bilang 15:37-40 Sinabi ng Panginoon kay Moises: ''Magsalita ka sa mga Israelita at sabihin mo sa kanila: sa habang panahon sa kanilang lahi, sila'y gumawa ng mga tirintas sa laylayan ng kanilang mga damit, at suksukan nila ito ng asul na tali. Gagawin niyo ito, upang inyong mamasdan at maalala ang lahat ng mga utos ng Panginoon, at inyung tuparin, upang huwag kayong sumunod sa inyong sariling puso at sa inyong sariling mga mata na siya ninyong ipinang-aapid. Upang inyong maalala at gawin ang lahat ng aking utos at maging banal kayo sa inyong Diyos. Ang tirintas ay isang paalala na ang mga nilalang ng Diyos dapat panatilihin ang mga utos at alituntunin ng Diyos at gawin ang nararapat. Kapag ginawa nila ito, sila ay mapapabuti, at magiging malaya sila sa lahat ng mga karamdaman hindi kagaya ng ibang tao na mayroon. Sa Exodo 15:26 nagsalita si Moises: Ang sabi niya, kung iyong didinggin ng buong sikap ang tinig ng PanginoonDiyos, at iyong gagawin ang matuwid sa kanyang mga mata, at iyong susundin ang aking mga kautusan at tuntunin ay wala akong ilalagay na karamdaman sa iyo na gaya ng ipinadala ko sa Egipto, sapagka't ako ang Panginoon na nagpapagaling sa iyo. Sinulat ni Pablo sa 2 Mga taga-Corinto 1:20 na ang mga pangako ng Diyos ay may kaugnayan kay Jesus. ''Sapagkat kay Cristo, ang lahat ng pangako ng Diyos ay palaging '' Oo". Dahil sa kanya, nakakasagot tayo ng ''Amen'' para sa ikaluluwalhati ng Diyos. Alam ng babaeng dinudugo ang tungkol sa banal na kasulatan, at nang marinig niya nag usap-usapin tungkol kay Jesus, alam niya na si Jesus lamang ang siyang kaganapan sa lahat ng mga pangako ng Diyos. Kung kaya pumunta siya sa likuran ng maraming tao at hinawakan niya ang tirintas ng laylayan ng damit ni Jesus. Dahil ang tirintas ay kumakatawan sa mga kautusan, alituntunin at mga pangako ng Diyos. Nang gawin niya iyon, ang kapangyarihan ay lumabas kay Jesus, ang kanyang pagdurugo ay tumigil at siya ay gumaling sa kanyang karamdaman! Patotoo Nung namalayan ni Jesus na ang kapangyarihan ay lumabas sa Kanya, Si Jesus ay umikot at lumingon upang hanapin ang siya. Palibhasa'y alam ng babae ang nangyari, siya'y nanginig sa takot at lumapit kay Jesus,nagpatirapa at ipinagtapat ang buong katotohanan Sa harapan ng maraming tao sinabi ng babae ang buong katotohanan, sinabi niya ang tungkol sa kanyang pagdudugo na naging sanhi upang siya'y maging marumi, sinabi niya ang kanyang pagdurusa at walang sinuman ang nakatulong sa kanya. Sinabi niya ang mga usap-usapan na kanyang narinig tungkol kay Jesus at ang kanyang nalalaman tungkol sa tirintas sa laylayan damit ni Jesus, at ang mga pangako ng Diyos na ''Oo'' at ''Amen'' kay Jesus. Nagbigay siya ng patotoo at ang mga tao ay nakinig. Nang marinig ni Jesus ang kanyang patotoo sinabi Niya: ''Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kana at ipanatag mo ang iyong kalooban. Ikaw ay magaling na!'' Dahil sa kanyang pananampalataya at patotoo marami ang pumunta kay Jesus, mga maysakit at may karamdaman: At saan man siya pumunta, sa nayon, sa lunsod, o sa kabukiran, agad na inilalapit sa kanya ang mga may karamdaman at ipinakiusap sa kanya na mahawakan man lamang nila ang laylayan ng kanyang damit. Ang ang lahat ng makahawak dito ay gumagaling.(Marcus 6:56) Si Jesus ay hindi magbabago ngayon kung ano man Siya kahapon. At ginagawa Niya pa rin kagaya dati. Ang himala sa buhay ng babae ay nangyari dahil:
Ang Diyos ay hindi tao para siya ay magsinungaling. Sinuman ang tumanggap sa Kanya at ang kanyang salita, at kumilos ayon sa pananampalataya ay hindi malalagay sa kahihiyan. Ang kapangyarihan na lumabas sa Kanya dalawang libong taon na ang nakakalipas ay katulad pa rin ngayon. Samakatuwid nasa sa atin na, kung aabutin natin siya, para sa kanyang kapangyarihang nakakapagpagaling.
|
||||||||||
Webmaster: Dan Hoset | Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway |