![]() |
|||||||||||
|
Tamang pagpapasiya
Ituro mo sa akin Panginoon ang iyong kalooban, at ang iyong landas, sa akin ay ipaalam.
(Mga Awit 25:4) Ang sabi ng Diyos, ang aking kaisipa'y hindi niyo kaisipan, ang inyong kaparaanan ay hindi ko kaparaanan. Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa ang aking kaparaanan ay higit kaysa inyong kaparaanan at ang aking kaisipan ay hindi maabot ng inyong kaisipan.(Isaias 55:8-9) Mayroong pagkakaiba sa pagitan ng paraan ng Diyos at sa paraan ng tao. Ang paraan ng Diyos ay napakataas ng antas na ang isang karaniwang tao ay hindi maiisip ito. Samakatwid maaring ikamatay ng isang tao ang paglakad sa landas na hindi kaloob ng Diyos. Sa Mga Awit 139:23-24 ating mababasa: O Diyos, akoy siyasatin alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; kung ako ay hindi tapat ito'y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan samahan mo at ihatid. Kung nakikita na natin ngayon kung
gaano ka mapanganib ang lumakad sa landas na hindi kaloob ng Diyos,
siyasatin natin ng maigi kung ano ang mga landas na nakakapagligaw sa
inyo.
May dalawang bagay na nakakapagligaw sa sangkatauhan ng Panginoon, ang paghihimagsik at pagsuway: Ang tangi kong hangad, sana akoy sundin, sundin ang utos ko ng bayang Israel. (Mga Awit 81:13) Ang kaloob, landas at mga pananaw ng Diyos ay hindi lingid sa Isreal. Alam nila ang landas ngunit pinili nila ang hindi sundin ito. Sila ay suwail at gusto lamang sundin ang kanilang kagustuhan at ang hungkag na mga pananaw. Dahil sa kanilang maling pagpili sila ay humaharap sa matinding kahirapan. Sa dakong madilim may mga nakaupo na puspos ng lungkot, bilanggo sa dusa at sa kahirapan sila'y nakagapos. Ang dahilan nito sila'y naghimagsik, lumaban sa Diyos, mga pagpapayo ng Kataas-taasan ay hindi sinunod.(Mga Awit 107:10-11) Kung ang kahirapan at kawalan ng pag-asa ay sukdulan na, sila ay tumatawag na sa Diyos, at sa Kanyang awa sila ay Kanyang pinalaya. Ngunit matapos ang ilang panahon ay patuloy na naman sila sa kanilang mga pananaw at landas. Apatnapung taon , sa inyong ninuno ako ay nagdamdam ang aking sinabi, sila ay suwail, walang pakundangan at ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin.' (Mga Awit 95:10) Ang pinakalabis na panlilinlang ay ang pagdaya sa sarili. Kung ang isang tao ay pinapaniwala ang kanyang sarili na maayos lang ang lahat ngunit lumalakad pa rin siya sa maling landas, samakatuwid itoy sariling pagdaya. Pwede nating lokohin ang sarili natin maging ang ibang tao, ngunit hindi natin pwedeng lokohin ang Diyos...ang anumang gawin ko ay kita Mo't namamasdan.(Mga Awit 119:168) Alam ng Diyos kung kailan matatapos ang ating landas, at nais Niya na tayo ay magsisi sa ating mga kasalanan at tahakin ang Kanyang landas. Pagsisisi; ang susi sa pagtahak sa tamang landas. Kung hahayaan natin na ang Diyos ang humawak sa ating buhay, kung pipiliin ng sangkatauhan ng Diyos na gawin ang Kanyang kaloob at tahakin ang Kanyang landas, sa gayon sila ay matuturuan kung paano tahakin ang landas ng Diyos. Si Yaweh ay mabuti at siya'y makatarungan, itinuturo niya sa makasalanan ang tamang daan.(Mga Awit 25:8) Sa halip na maligaw at sa huli maging wasak, ngayon narito ang kaalaman tungo sa landas ng buhay. Ituturo mo ang landas na patungo sa buhay...(Mga Awit 16:11) Hindi lamang isang kaalaman sa landas na dapat tatahakin ang makukuha natin kundi ito din ay isang simula sa pagkilos at paggawa ng mga bagay sa bagong paraan. Sa mapagpakumbaba siya ang gumagabay, sa kanyang kalooban kanyang inaakay.(Mga Awit 25:9) Tayong mga nilalang ay pwedeng maghangad ng napakadami at ibat-ibang bagay na gusto natin, ngunit mayroon lamang isang bagay ang makakapagbigay ng totoong saya sa atin. At ito ay ang mamuhay sa piling ng Diyos at gawin ang kanyang nais. Sa pagdating sa punto kung ano ang meron ang Diyos para sa kanyang sangkatauhan may dalawang pangunahing katotohanan tungkol dito.
Pagkatapos nating magsisi sa pagsunod sa ating mga sariling hungkag na kaisipan at tahakin ang daan sa pagkawasak, atin ngayong danasin ang kabutihan ng Diyos sa ibang antas. Pagpapala sa tamang landas. Ang una sa isa sa mararanasan natin ay ang awa at katapatan ng Diyos:
Tapat ang pag-ibig, siya ang patnubay, sa lahat ng mga taong sumusunod, sa utos at tipan siya'ng sumusubaybay.(Mga Awit 25:10)
Ang pangalawa sa isa sa mararanasan natin ay ang pagtuturo ng Diyos ang landas na dapat mong tahakin. Ang taong kay Yawehay gumagalang, matututo ng landas na dapat niyang lakaran.(Mga Awit 25:12)
Ang pangatlo sa isa sa mararanasan natin ay ang katatagan at katiwasayan. Nang sila'y magipit kay Yaweh, sila ay tumawag at dininig naman sa gipit na lagay, sila'y iniligtas. Inialis sila sa lugar na iyon at pinatnubayan tuwirang dinala sa payapang lunsod at doon tumahan.(Mga Awit 107:6-7) Mananampalataya o manonood? Sa panahong si Jesus ay
naglalakbay dito sa mundo, ating mababasa na madalas maraming tao ang
nakapalibot sa Kanya. Parating may nangyayari, kung saan si Jesus
pumunta at karamihan sa dumadagsa na mga tao ay mga manonood na gusto
lang makakita ng himala, katibayan at kababalaghan. Hindi nila hinangad
ang kaloob ng Diyos, at ni hindi din nila ninanais na bayaran ang
halagang naayon dito.. sa aklat ng Juan kapitulo 6 mababasa natin ang
tungkol kay Jesus na nagpapahayag sa madla kung ano ang halaga ng
pagsunod sa Kanya. Mula noo'y marami na sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na sumama sa kanya.(Juan 6:66)
Kahit na nararanasan natin ang gawa ng Diyos, hindi ito magkasingkahulugan sa relasyon natin sa Diyos kung ito'y nasa ayos..sa Mga Awit 103:7 sabi dito: Mga plano niya't utos kay Moises ibinilin, ang kahanga-hangang gawa'y nasaksihan ng Israel. Ang banal na kasulatan ay nagsasaad na ang karamihan dito ay namatay sa disyerto na hindi man lang nakarating sa Paraiso. Samakatwid kailangan nating pumili kung nais nating maging totoong mananampalataya o isang manonood lamang.
Kung ikaw ay tumatahak sa maling landas, magsisi at magdasal sa Diyos. Ang salita ng Diyos ay ang tiyak na katotohanan, at samakatwid ikaw ay maaring magdasal ayon sa salita ng Diyos: - Sa landas na di matuwid, huwag mo akong hayaan, pagkat ikaw ay mabuti, ituro ang iyong aral (Mga Awit 119:29) - Patnubayan mo ako, Yaweh, sa Iyong katuwiran, dahil napakarami ng sa aki'y humahadlang landas mong matuwid sa aki'y ipaalam upang ito'y aking laging masundan.(Mga Awit 5:8) - …Ako ay umaasa, sa iyo nagtitiwala, sa pagsapit ng umaga ay ipapagunita yaong pag-ibig mo na lubhang dakila. Ang aking dalangin nasa iyo'y hibik patnubayan ako sa daang matuwid. (Mga Awit 143:8) Kung ikaw sa pananampalataya ay nagawa ito asahan mu na ang Diyos ay kikilos ayon sa iyong pananampalataya at pagdadasal. Ang iyong sarili'y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala. (Mga Awit 37:5).
|
||||||||||
Webmaster: Dan Hoset | Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway |