Mga pangangaral

Tingnan ang kabuuan


Unang pahina

Lakas

Ikaw nga, anak ko, magpakalakas ka sa biyayang nasa kay Cristo Jesus. (2 Timoteo 2:1)

Kung may isang bagay na kailangan ang isang mananampalataya iyon ay ang lakas upang mamuhay ng matagumpay. Ang kabaliktaran ng pagiging malakas ay ang mahina. At ang isang tao na mahina ay nahuhulog sa lahat ng klase ng tukso at kahalayan, ang mamuhay ng ganito ay pagkatalo. Kapag ang mga pagsubok at paghihirap ay dumating, hindi niya mapagtatagumpayan na malampasan ang mga ito. Kapag tayo ay mamuhay sa lakas na ibinigay ng Diyos para sa atin, magagawa nating malampasan ang lahat ng humaharang sa ating daan. Sabi ni Pablo: Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo. (Filipos 4:13)

Para magawa nating matanggihan at manatiling nakatayo pagkatapos mapagtagumpayan ang lahat, titingnan naman natin kung ano ang nakakapagpalakas ng isang mananampalataya. Kapag ating pinag-aralan ang Bibliya, makikita natin na may apat na bagay na nakakapagbigay ng lakas sa atin. Titingnan natin ngayon ang apat na bagay na tatalakayin natin.


Dasal

Ang dasal ang una na siyang nagbibigay ng lakas sa atin. Ang isang taong nagdadasal ang nakakatanggap. Sa Mga Awit 105:4 nakasulat: Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan; hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man. 

Ang lakas ng Panginoon ay hindi dumarating sa kanyang sarili lamang. Ito ay dumarating kapag ang sangkatauhan ng Diyos, sa pananampalataya ay hinanap ang kanyang mukha at humingi ng lakas sa kanya. Kapag may lakas kayo upang malagpasan ang mga pagsubok na nangyari kahapon, ngayong araw na ito ay kakaiba naman at nangangailangan ng panibagong lakas. Kung ano ang sa araw na ito ay ganun din ang lakas ko. Ang sangkatauhan ng Diyos ay samakatuwid dapat na humingi sa Panginoon ng panibagong lakas. Nais ng Panginoon na ang kanyang sangkatauhan ay maging matagumpay kung kaya't siya ay magbibigay ng lakas kung hihingiin natin iyon sa Kanya. Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan; pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.(Mga Awit 29:11)

At sa Panginoon walang limitasyon kung gaano kadalas makakatanggap ng lakas ang kanyang sangkatauhan. Dahil : Habang sila'y lumalakad, lalo silang lumalakas,batid nilang nasa Zion ang Diyos nilang hinahanap. (Mga Awit 84:7)

Kapag ating binasa ang Bibliya, makikita natin na ang sangkatauhan ng Diyos ay napagtagumpayan ang malalaki at malalakas na kaaway sa pamamagitan ng kalakasan ng Panginoon. Ang lakas na ito ay matatagpuan sa inyo ngayon.


Bibliya

Ang pangalawang bagay na nagbibigay lakas sa atin ay ang salita ng Diyos. Tulad ng katawan na nangangailangan ng pagkain upang maikilos, ganoon din ang espiritu, kinakailangan din itong palakasin sa pamamagitan ng salita ng Diyos. Ang batas ni Yahweh, walang labis walang kulang,ito'y nagbibigay sa tao ng panibagong kalakasan. (Mga Awit 19:7a)

Sa 1 Juan 2:12-14 ang mga alagad ay sumulat sa mga bata, sa mga kabataan at sa mga magulang. Ito ang tatlong antas ng paggulang na makikita sa isang simbahan. Pagdating sa pagkabata, sabi ni Juan: Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan, dahil kayo ay malakas, at ang salita ng Diyos ay nananahan sa inyo, at napagtagumpayan ninyo ang mga masama.

Ang pagbabasa ng Bibliya ay napakahalaga dahil, maliban sa ibang mga bagay ito ay nagpapalakas sa atin. Samakatuwid kapag binabasa ninyo ang Bibliya, hingiin ninyo sa Diyos na ipahayag ang Salita upang maging buhay na lakas para sa inyo.


Pagpapahayag

Ang pagtatapat ang pangatlo na nagbibigay sa atin ng lakas. Noong si Pablo ay naging mananampalataya, makikita natin na: Pumasok siya sa mga sinagoga at nangaral na si Jesus ang Anak ng Diyos. (Mga Gawa 9:20) kapag pinagpatuloy natin ang pagbabasa makikita natin na dahil sa kanyang pagpapahayag kung kaya't nagkaroon siya ng panibagong lakas. Datapuwa't lalo nang lumakas ang loob ni Saulo, at nilito ang mga Judio na nangananahan sa Damasco, na pinatutunayan na ito ang Cristo. (Mga Gawa 9:22)

Sa Pahayag 12:11 makikita natin na ang pagpapahayag ay nagdala ng tagumpay sa sangkatauhan ng Diyos. :Nagtagumpay ang mga ito laban sa diyablo sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at ng kanilang pagsaksi sa katotohanan sapagkat hindi nila pinanghinayangan ang kanilang buhay.

Sa pamamagitan ng ating mga bibig tayo'y nagpahayag ng kaligtasan. Makakatanggap tayo ng panibagong lakas kapag binuksan natin ang ating mga bibig at magpatotoo at magpahayag.


Kapatiran

Ang pang-apat na nagbibigay sa atin ng lakas ay ang kapatiran. Ang Simbahan ay ang Katawan na kung saan ang bawat mananampalataya ay ang siyang paa. Ang paa kapag nailayo sa pisikal na katawan ay hindi nakakakilos at gumagana sa labas. Ganun din ang isang mananampalataya na hindi kasapi sa kahit na anong mga gawain sa simbahan at sa kalaunan ang buhay ay magiging mahina.

Sa Mga Awit 133:3 mababasa natin na sa simbahan ang Diyos ay nag-atas na walanghangang pagpapala. Gaya ng hamog sa Hermon, na tumutulo sa mga bundok ng Sion: sapagka't doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala, sa makatuwid baga'y ang buhay na magpakailan pa man.

Sa Simbahan, ang bawat paa ay binubuo, at dito bawat indibidwal na paa ay tumatanggap ng lakas upang maging matagumpay. Ang Bibliya samakatuwid ay nagbabala sa ating pagiging indibidwal na Kristiyano. Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon. (Mga Hebreo 10:25) 


Buod

Ang Indibidwal na mananampalataya ay kailangan ang lakas ng Panginoon upang maging matagumpay. Ang kapangyarihang ito ay makukuha ng lahat ng sangkatauhan ng Diyos kapag naghanap ka ng may pananampalataya at pagsunod sa salita ng Diyos.

Samakatuwid huwag mong hayaan ang pagiging tamad, kasalanan at paghihimagsik ay humadlang sa iyo upang mamuhay sa lakas na ibinigay ng Panginoon para sa iyo! Hanapin ang Diyos ng buong puso, at matatagpuan natin Siya. Kung kaya't magdasal sa Panginoon, basahin ang kanyang mga salita, ipahayag na si Jesus ay Panginoon, at huwag kayong lumayo sa inyong mga simbahan. Datapawa't maging kapatiran na mayroon bagay na maibibigay sa kapwa kapatiran at magiging lakas kayo para sa iba!

Webmaster: Dan Hoset Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway