![]() |
|||||||||||
|
…Siya ay pinangalanang kahanga-hangang tagapayo… Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo,Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama,Prinsipe ng Kapayapaan. (Isaias 9:6) Sa Bibliya mababasa natin na si Jesus ay tinawag sa ibat-iba at napakaraming pangalan. Kung ano ang sinabi ng Bibliya tungkol sa pangalan ay ang katangian ng nagtataglay ng pangalang ito. Gayon din ang ibat-ibang pangalan ni Jesus. Titingnan natin ngayon ang isa sa pangalan na mayroon si Jesus: Kahanga-hangang Tagapayo. Walang ibang nararapat na magtaglay ng pangalang Kahanga-hangang Tagapayo kundi si Jesus lamang. Ang kanyang buong pagkatao, mula pagsilang hanggang sa pagkabuhay muli, ay katibayan na siya ay kahanga-hanga. May sampung puntos na nagpapatibay dito. 1.
Nang ipagbuntis Siya at ang kanyang pagsilang ay nakakamangha. Si Jesus ang tanging tao na ipinagbuntis sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nalaman ni Maria na siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. (Mateo 1:18) Ang katotohanan na si Jesus ay ipinagdadalangtao sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ipinanganak ng isang birhen ay nagpapatunay na ipinahintulot ng Diyos na ipanganak siya ng isang babae! Si Propeta Isaias ay nagsalita tungkol dito: Dahil dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalagaat magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin sa pangalang Emmanuel. (Isaias 7:14) ang ibig sabihin ng Emmanuel ay ang Diyos ay nasa atin. Ang pagsilang ni Jesus ay hindi pagkakataon ngunit ito ay natukoy na at nasa takdang panahon na. Ngunit nang sumapit ang takdang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan. (Mga taga-Galacia 4:4) Sa katotohanang ito, makikita natin na ang Kanyang pangalan ay hindi maaring maging kung ano-anu lang kundi isang kahanga-hanga. 2.
Ang Kanyang kabataan ay nakakamangha. Sinasabi sa
atin ng Bibliya na dahil ang kasalanan ay pumasok sa sangkatauhan, ito
ay naghatid na walang sinuman ang namumuhay na umabot sa pamantayan ng
Diyos sa pagiging matuwid. Walang
nakakaunawa, walang naghahanap sa Diyos. Ang lahat ay lumihis ng landas
at nagpakasama.Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.(Mga taga-Roma
3:11-12) Gayunman hindi ito ang katayuan pagdating kay Jesus. Sabi Niya: Sino sa inyo ang maaaring magpatunay na ako'y nagkasala? (Juan 8:46a). Sa buong panahon ng kanyang kabataan hanggang sa kanyang paglaki, siya ay namuhay sa buhay na ikinalulugod ng Diyos. Patuloy na lumaki si Jesus; lumawak ang kanyang karunungan at lalong naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao.(Lucas 2:52). Ang katotohanan na si Jesus ay kinalugdan ng Diyos ay nagpapakita sa atin na mula sa kanyang kabataan siya ay namuhay sa pananampalataya. Ang matuwid kong lingkod ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya,ngunit kung siya'y tatalikod,hindi ko siya kalulugdan." (Mga Hebreo 10:38) 3.
Ang Kanyang pagkamasunurin ay nakakamangha. Ang tanging layunin ni Jesus ay ang mamuhay na sumusunod sa Kanyang Ama. Wala siyang ibang pinagkakainteresan at kailangan kundi ang mamuhay sa ganitong paraan. Hindi mo kinalugdan ang mga handog na sinusunog,at ang mga handog upang pawiin ang kasalanan.Kaya't inihanda mo ang aking katawan upang maging handog.Kaya't sinabi ko, 'Ako'y narito, O Diyos,upang sundin ang iyong kalooban,'ayon sa sinasabi ng kasulatan tungkol sa akin." (Mga Hebreo 10:6-7) Ganitong pagsunod ay parating nagkakahalaga ng malaki, ngunit ang pagmamahal sa Ama ay sapat na kay Jesus upang siya'y nakahandang magbayad sa halaga ng kanyang pagsunod. Kahit na siya'y Anak ng Diyos, natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiis.(Mga Hebreo 5:8) 4.
Ang Kanyang pagtuturo ay nakakamangha Yamang ginagawa lamang ni Jesus kung ano ang ikalulugod ng Diyos, ang Kanyang pagtuturo ay mga Salita din ng Diyos. Kaya't sinabi ni Jesus, Hindi sa akin ang itinuturo ko, kundi sa nagsugo sa akin.Kung talagang nais ninumang sumunod sa kalooban ng Diyos, malalaman niya kung ang itinuturo ko'y mula nga sa Diyos, o kung ang sinasabi ko ay galing lamang sa akin. Ang nagtuturo ng galing sa sarili niyang kaisipan ay naghahangad ng sariling karangalan. Ngunit ang taong naghahangad na maparangalan ang nagsugo sa kanya ay taong tapat at hindi sinungaling. (Juan 7:16-18) Kung ang isang tao ay pipiliin na maging masunurin katulad ng pagpili ni Jesus, kung gayon ito ay parating mapapansin sa pamamagitan ng kanyang pagtuturo at mga salita na sinasabi ng taong ito. Namangha kay Jesus ang mga tao nang kanilang marinig ang mga katuruang ito,sapagkat nagturo siya nang may kapangyarihan, hindi tulad ng mga tagapagturo ng Kautusan. (Mateo 7:28-29) Ang mga eskriba ay natuto at nagsasalita ayon sa kanilang tradition at sa kanilang sariling kapakinabangan. Samantala si Jesus ay nagsasalita ng galing sa kalangitan kung kaya't ang kanyang pagtuturo ay bukod-tangi.Nagsisagot ang mga punong kawal, Kailan ma'y walang taong nagsalita ng gayon.(Juan 7:46) 5.
Ang Kanyang mga kilos ay nakakamangha. Pagkatapos ni Jesus na sumalangit, siya ay nakatanggap ng ganitong patotoo sa Mga
Gawa 10:38 Kilala ninyo si Jesus na taga-Nazaret at alam din ninyo kung
papaanong pinili siya ng Diyos at kung papaanong pinuspos ng Espiritu
Santo at ng kapangyarihan. Alam din ninyo na saanman siya magpunta,
gumagawa siya ng kabutihan sa mga tao at nagpapagaling sa lahat ng
pinapahirapan ng diyablo, sapagkat kasama niya ang Diyos. Mahal ng Diyos ang Kanyang dakilang nilikha, ''ang tao''. At pinakita niya ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng mga salita at gawa na ginawa ni Jesus: Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama...Hindi sa akin galing ang sinasabi ko sa inyo. Ngunit ang Ama na nasa akin ang siyang gumaganap ng kanyang gawain. (Juan 14:9b, 10b) Bago si Jesus dumating at ginawa ang mga gawain ng Diyos, ang Diyos ay hindi nakakapagpahiwatig sa Kanyang sarili sa paraan na nais Niya para sa Kanyang mga nilikha. Sapagkat si Jesus ay katulad pa rin noon, ngayon at magpakailanpaman, gagawin Niya parati ang ninanais ng Kanyang Ama para sa sangkatauhan na lumalapit sa Kanya. 6. Ang Kanyang pagmamahal ay nakakamangha. Ang pagmamahal na mayroon si Jesus para sa Kanyang Ama at para sa ating mga tao., ay walang iba kundi kung paano niya ito ipanakita. Ang Kanyang pagmamahal ay dakila sapagkat namatay siya para sa atin upang ang ating mga kasalanan ay mapatawad sa pamamagitan ng kanyang pagsakripisyo. Sa pag-aalay niya ng kanyang buhay, tayo ay napatawad at makakapaglingkod sa buhay na Diyos. Higit ang nagagawa ng dugo ni Cristo! Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu, inialay niya sa Diyos ang kanyang sarili bilang handog na walang kapintasan. Ang kanyang dugo ang lumilinis sa ating puso't isipan sa mga gawaing walang kabuluhan upang tayo'y makapaglingkod sa Diyos na buhay! (Mga Hebreo 9:14) Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. (Juan 15:13)
Sumigaw nang malakas si Jesus at pagkatapos ay nalagutan ng hininga.At napunit sa gitna ang tabing ng Templo, mula sa itaas hanggang sa ibaba. Nakatayo sa harap ng krus ang senturion. Nang makita kung paano namatay si Jesus, sinabi niya, "Tunay ngang Anak ng Diyos ang taong ito!" (Marcus 15:37-39) Ang
senturion ay nakakita na ng mga taong nalagutan ng hininga na ipinako
sa krus bago pa si Jesus ipinako. Ngunit ng makita niya kung paano
namatay si Jesus, sinabi niya na si Jesus ay Anak nga ng Diyos. Ang
dahilan ng pagkamatay ng mga taong ipinako sa krus ay pagkasakal. Ito
ay nangyayari kapag binali na ng mga kawal ang kanilang mga binti.
Dahil ang kanilang mga binti ay bali na hindi na nila kayang itaas pa
ang kanilang katawan at kumuha ng hangin na kanilang kailangan. Sa huli
sila ay mamatay sa kakulangan ng hangin.. Nang mamatay si Jesus siya ay sumigaw ng malakas, at isinuko ang Kanyang espiritu. Sa una at gayong pagkakataon lamang sa buong kasaysayan ng tao nakakita ang senturion ng taong namatay ayon sa kanyang utos. Sa ibang pagkakataon bago namatay si Jesus, sinabi Niya sa Kanyang mga alagad: Dahil dito'y minamahal ako ng Ama, sapagkat iniaalay ko ang aking buhay upang ito'y kunin kong muli. Walang makakakuha ng aking buhay; kusa ko itong ibinibigay. Mayroon akong kapangyarihang ibigay ito at kuning muli. Ito ang utos na tinanggap ko sa aking Ama. (Juan 10:17-18) 8.
Ang kanyang muling pagkabuhay ay nakakamangha. Kapag ang tao ay patay na, wala na itong pagkakataon na muling maranasan ang buhay dito sa mundo. Alam ng taong buhay na siya'y mamamatay ngunit ang patay ay walang anumang nalalaman. Wala na silang pag-asa, at nakakalimutan nang lubusan. Nawawala pati kanilang pag-ibig, pagkapoot, at pagkainggit; anupa't wala silang namamalayan sa anumang nangyayari sa mundo. (Mga Mangangaral 9:5-6) Kapag ang
buhay ay tapos na, ang lahat ng tao ay siyang may pananagutan sa
kanyang sariling buhay dito sa mundo. Nasa sa tao na iyon, kapag siya
ay patay na at pagkatapos ay pupunta siya sa paghahatol ng Diyos. Nang
mamatay si Jesus, hindi iyon para sa Kanyang sariling kapakanan. Siya
ay namatay upang maging halili sa akin at sa iyo, at samakatuwid ang
kamatayan ay walang naging hawak sa Kanya. Subalit
siya'y muling binuhay ng Diyos at hinango sa kapangyarihan ng
kamatayan, sapagkat hindi siya kayang ikulong nito,(Mga Gawa 2:24) Ang kamatayan ay walang kapangyarihan laban kay Jesus, at wala din itong kapangyarihan sa mga taong nananampalataya kay Jesus. Sinabi sa kanya ni Jesus, Ako ang nagbibigay-buhay at muling pagkabuhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay; at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko? (Juan 11:25-26) 9.
Ang Kanyang pagsumalangit ay nakakamangha. Ang pagdating ni Jesus dito sa mundo ay nakakamangha, ganun din ang kanyang pagbalik sa langit, nakakamangha. Pagkatapos niyang magsalita sa kanila, ang Panginoong Jesus ay iniakyat sa langit at umupo sa kanan ng Diyos.(Marcus 16:19) Si Jesu-Cristo ay walang simula o katapusan. Siya ay palagi at magpakailanman ang maghahari sa lahat ng nilikha na may katarungan. Sa maikling panahon siya ay pumunta sa mundo upang gawin ang ninanais ng Kanyang Ama. Nang matapos na Niya ang kanyang napakalaking sakripisyo, kinuha siya ng kanyang Ama papunta sa langit. Kaya nga, magpakatatag tayo sa ating pananampalataya, dahil mayroon tayong Dakilang Pinakapunong Pari na pumasok na sa kalangitan, doon mismo sa harap ng Diyos. Siya'y walang iba kundi si Jesus na Anak ng Diyos. (Mga Hebreo 4:14) 10.
Ang Kanyang pagbabalik ay magiging nakakamangha. Kapag dumating ang tamang panahon, si Jesu-Cristo ay babalik katulad nung siya ay sumalangit: Sabi nila, "Kayong mga taga-Galilea, bakit kayo nakatayo rito at nakatingin sa langit? Itong si Jesus na umakyat sa langit ay magbabalik gaya ng nakita ninyong pag-akyat niya." (Mga Gawa 1:11) Nang Siya
ay dumating sa unang pagkakataon, iilang tao lamang ang nakakita sa
Kanya. May iilang pastol at ang tatlong matalinong hari. Sa Kanyang pagbabalik, lahat ng mata ay makikita siya. Sapagkat darating ang Anak ng Tao na kasama ang kanyang mga anghel, at taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama. Sa panahong iyo'y gagantimpalaan niya ang bawat tao ayon sa ginawa nito. (Mateo 16:27) Ito ngayon ang pinakamalaking kaganapan na masasaksihan ng sangkatauhan. Pagkat ang bawat tao ay luluhod at magpapahayag na si Jesus ang Panginoon! Si Jesu-Cristo ay kahanga-hangang tagapayo!!
|
||||||||||
Webmaster: Dan Hoset | Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway |