Mga pangangaral

Tingnan ang kabuuan


Unang pahina

Bangon, magningning!

Ikaw ay bumangon, magningning ka,sapagkat ang iyong liwanang ay dumating at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay sumisikat sa iyo. ( Isaias 60:1).


Tayong mga tao ay makakaranas ng parehong positibo at negatibong mga bagay habang tayo ay nabubuhay pa dito sa mundo. Kapag ang mga bagay ay naging mahirap sa atin, hinahayaan natin na pumasok sa ating isip ang pagbibitiw at ang pagka-awa sa sarili, at ito ang mangibabaw at komontrol sa ating desisyon at kinabukasan.

May isang matalinong tao na nagsabi: ang tao ay nahuhulog, mula kay satanas upang mangibabaw ang kabanalan at bumangon.

Sa salitang ito ay napakaraming katotohanan, ang bibliya ay nagbabala sa atin tungkol sa pagiging labis na tiwala natin sa ating sarili,: Kaya't mag-ingat ang sinumang nag-aakalang siya'y nakatayo, at baka siya matisod. (1 Mga taga-Corinto 10:12).

At sa una nating pagkahulog ang ating kalaban ay gagawin ang lahat upang tayo ay hindi na makabangon pang muli. Ngunit ang Panginoon dahil sa kanyang habag at pagmamahal ay tutulungan Niya lahat ng nahuhulog. Inalalayan ng Panginoon ang lahat ng nangabuwal at itinatayo yaong nangasubsob. (Mga Awit 145:14).

Hangga't tayo ay nakalugmok sa ibaba, ang kadiliman ang siyang naghahari sa atin. Sa panahon na tayo ay babangon ang liwanag ay darating sa atin at ating mararanasan ang kaluwalhatian ng Panginoon.

Titingnan natin ngayon ang anim na tao na sinabihan ng Diyos na bumangon.

Ang una ay si Abraham. 

 
Abraham

Magtindig ka, lakarin mo ang lupain ang hinaba-haba at niluwang niyan, sapagka't ibibigay ko sa iyo. At binuhat ni Abraham ang kanyang tolda at yumaon at tumahan sa mga punong encina ni Mamre na nasa Hebron, at siya'y nagtayo roon ng Dambana sa Panginoon. (Genesis 13:17-18).

Sa Genesis 12:1-4 mababasa natin na si Abraham ay tinawag ng Diyos para iwan ang kanyang bansa, kamag-anak at ang bahay ng kanyang ama, upang pumunta sa lupain na ibibigay ng Diyos sa kanya. Sinunod ni Abraham ang Diyos, at sa pananampalataya sinimulan niya ang kanyang paglalakbay. Ngunit may pangyayaring naganap sa gitna ng kanyang paglalakbay. Si Abraham ay nanirahan at pumirmi na sa isang lugar, at sinabihan siya ng Diyos: Tumayo ka at humayo papunta sa lupain...

Si Abraham ay may kinahantungan na sa kanyang paglalakbay, ngunit ang pagpapatuloy ay sobra na para kanya pang tahakin. Kung ano ang gustong ituro sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng salitang ito ay ang, hindi tayo dapat maging maligaya na sa kung ano ang ating narating na, para ilagay natin ang ating mga sarili sa kapahingahan. Mayroon pang mga lupaing kailangang kuhanin! At ang lupang kukuhanin mo ay hindi mailalahad hanggat hindi ka bumabangon, saka ang iyong liwanag ay darating. At ang liwanag ay pahayag, na nagpapahintulot sa isang tao na makita kung nasaan siya at kung saan siya tutungo.

Samakatuwid huwag kayong maging maligaya sa kinalabasan at sa kung ano ang narating mo ngayon, bumangon ka at kamtan ang lupain na meron ang Diyos para sa iyo!


Lot

At ng mag-uumaga na ay ipinagmamadali ng mga angel si Lot, na sinasabi, Magbangon ka, isama mo ang iyong asawa at iyong dalawang anak na babae na narito, baka pati ikaw ay madamay sa parusa sa bayan. (Genesis 19:15)


Lot na ang ibig sabihin ay isang piraso o kaunti, ay isang lalaking nabubuhay sa kompromiso. Sa kanyang kabataan, naglakbay siya kasama si Abraham, at siya ay pinagpala sa maraming bagay at pagkakataon. Dahil sa siya ay nag-alinlangan sa Panginoon, dahil lubos siyang nabighani at namangha sa buhay sa Sodoma at siya'y lumipat doon. Sa Sodoma walang sinuman ang nagmamay-ari ng mga tupa at baka. (Genesis 13:5), dito silay nag nagsisikain, nagsisiinum, bumibili, nagtitinda, nagtanim at nagtatayo ng bahay.(Lucas 17:28) upang maging bahagi nito ay ibenenta ni Lot lahat ng kanyang mga natanggap na pagpapala.

Sa Sodoma ay nakilala niya din ang babaeng kanyang napangasawa, at sa kanilang pagsasama nagkaroon sila ng dalawang anak na babae. Si Lot ay isang mayamang tao at ang kanyang pamilya at hindi sila nagkukulang sa mga materyal na bagay. Ngunit ang mga materyal na bagay na ito ay hindi makakapagligtas ng kahit na sino'ng tao. Ang kasakiman at pagmamahal sa mundo, marami ay humahantong sa pagkaligaw, malayo sa buhay na nasa Panginoon.

Sa Bibliya naglarawan kay Lot bilang taong matuwid (2 Pedro 2:7). Ang bersikulong ito ay naghahayag sa atin na siya lamang ang matuwid na tao sa buong Sodoma. Sa panahon na ang paghuhukom ay parating na sa bayan, ang salita ng Diyos ay dumating sa kanya at sinabing: Bangon, isama mo ang iyong asawa at ang dalawa mong anak na babae na nandito...

Ang pahayag ay isang mahalagang salita. Siya lamang ang makapagliligtas sa kanyang asawa at dalawang anak na babae. Sinabi ng Panginoon sa kanya; bumangon ka sa iyong pag-aalinlangan at tigilan mo na ang pagdadalawang-isip! Ang iyong asawa at dalawang anak ay mawawala kung hindi ka babangon, maging isa kang liwanag at iligtas mo sila.

Sinabi ni Jesus na bago ang panahon na siya ay magbabalik ay magiging katulad sa panahon ni Lot. Kaya dapat may isa na magsisi sa kanyang mga kasalanan, bumangon at iligtas ang kanyang pamilya.


Josue

Bumangon ka , papagbanalin mo ang bayan at sabihin mo, magpakabanal kayo sa kinabukasan, sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon, ng Diyos ng Israel. May itinalagang bagay sa gitna mo, oh Israel ikaw ay hindi makatatayo sa harap ng iyong mga kaaway, hanggang hindi naaalis ang bagay na ipinag-uutos kong wasakin. (Josue 7:13).

Nang dumating kay Josue ang salitang ito, ang Israel ay nakatawid na sa Jordan. Ang matayog na bansang Jericho ay bumagsak na, at ang susunod na bansang kukunin ay ang bansan Ai, na ang ibig sabihin ay bahay ng masasama. Ang mga Israelita ay sinabihan na huwag kumuha ng kahit na anong bagay na makita nila sa Jericho, ngunit si Achan ay kumuha pa rin ng mga sinumpang bagay. Kaya't noong sinugod ng Israel ang maliit na bayan ng Ai, hindi nila malupig ang pagbalik-ataki ng kalaban. Ang Isrealita ay natalo at puwersahang napaatras. Pagkatapos ng pagkatalong ito ay: Pinunit ni Josue at ng pinuno ng Israel ang kanilang kasuotan dahil sa matinding paghihinagpis. Nagpatirapa sila sa harap ng Kaban ng Tipan ng Diyos. Naglagay din sila ng abo sa ulo bilang tanda ng kalungkutan hanggang sa paglubog ng araw.(Josue 7:6).

Ibinuhos niya ang lahat ng nilalaman ng kanyang puso sa Diyos at sinabi niya, kung marinig ng kanilang mga kaaway ang pagkatalong ito, silang lahat ay mawawasak. Sa kalagayang ito ang salita ng Diyos ay dumating kay Josue: Bumagon ka! At at pagpabanalin mo ang mga tao!

Hangga't mayroong kasalanan sa kampo (Simbahan) ay hindi makakatayo laban sa kanilang mga kaaway, dahil ang kawalan ng kabanalan ay walang sinuman ang makakakita sa Panginoon (Hebreo 12:14b). Isang kasinungalingan ang paniwalaan na ang isang tao ay mabubuhay ayon sa kanilang kasakiman at makasalanang hangad, at naniniwala din na sila'y namumuhay sa tagumpay.

Ang salita ng Diyos ay nagsasabi sa atin na kailangan nating muling patunayan, suwatin, at parusahan kung kinakailangan. Makikita natin sa gitna ng ating mga daliri kung may isang kasalanan na nakakasira sa buong kampo (Simbahan). Walang naging malli sa pagpapakumbaba ni Josue at pagpakabanal. Ngunit ang kasalanan ni Achan ay may mga kapinsalaan sa kanya. 

Ang sinuman ang nag-aasam ng tagumpay, ang unang hakbang ay kabanalan.

Bangon pabanalin ang mga tao sa pamamagitan ng pagsaway, pagbabala at pagtagubilin. Kapag ito ay nangyari, hindi lamang makakatayo ang isang simbahan sa kanyang kalaban kundi mapagtatagumpayan din nila ito!


Ang Parlitiko

Ang ika-apat na ating titingnan na napagdesisyonang isaad ay ang paralitiko.

Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan dito sa lupa. Sinabi niya sa paralitiko: Tumayo ka! Buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka na! (Marcus 2:10-11)

Ang taong paralitiko ay isang tao na hindi kayang dalhin ang kanyang sarili papunta sa Panginoon. Siya ay napaka paralisado kaya't kinakailangan niya ng taong bubuhat sa kanya patungo kay Jesus, mapalad siya dahil mayroon siya nito. Sa Marcus 2:3 mababasa natin na: May dumating na apat katao na may dalang isang paralitiko.

Ang apat na lalaking ito ay nagkaisa na bubuhatin nila ang taong paralitiko patungo kay Jesus. Ayon sa kasunduan sinabi ni Jesus: Tandaan ninyo; kung ang dalawa sa inyo ay nagkaisa dito sa lupa sa paghingi ng anuman sa panalangin, ito'y ipagkakaloob sa inyo ng aking Ama na nasa langit. (Mateo 18:19)

Isa sa tungkulin na mayroon ang isang mananampalataya ay ang pagdadala ng kapwa sa pamamagitan ng dasal patungo sa Panginoon. May mga tao na walang saysay ang kanilang ginagawa, dahil doon hindi nila kayang pumunta kay Jesus. Sa ganitong pagkakataon, tungkulin ng mananampalataya ang pagdala sa kanila kay Jesus. Ang pananampalataya ng mga lalaking iyon ang nagdala sa paralitiko na siyang nakatanggap ng himala na kanyang naranasan.: Pagdating doon dinala sa kanya ng ilang tao ang isang paralitikong nakaratay sa higaan. Nang makita ni Jesus ang kanilangg pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinapatawad ka na sa iyong mga kasalanan.(Mateo 9:2)

Kapag ang isang tao ay nakaranas ng napakabanal na pagbabago sa kanyang buhay na siya ay malaya na sa lahat ng pagkaparalisa, ang taong iyon ay dapat lang na mag-umpisang lumakad sa kanyang sarili. Bangon, bitbitin mo ang iyong higaan at umuwi kana sa bahay mo. Hindi ibig sabihin na sa buong buhay mo ay aasa ka lang parati sa taong nagdala patungo kay Jesus. May mga mananampalataya na hindi naghahanap sa Panginoon, at laging umaasa na ibang tao ang magdasal para sa kanila. Sila yaong mga paralitiko, na hindi epektibo. Samakatuwid kawili-wiling makita kung ano ang sinabi ni Jesus sa paralitiko pagkatapos niyang bumangon. Sinabi ni Jesus, bitbitin mo ang iyong higaan at lumakad.

Ngayon hindi na siya umaasa sa ibang tao upang magdala sa kanya. May kakayahan na siyang lumakad mag-isa. Makakaya mo ng makuha ang hinahanap mo kapag pumunta kang mag-isa. 

Samakatuwid tumayo ka sa iyong kawalan ng kakayahan kumilos at maghanap sa Panginoon ng buong puso. Huwag hayaang umaasa ka lang sa mga tao na dalhin ka, kung kaya mo namang pumunta sa iyong sarili.


Bartimeus.

Tumigil si Jesus at kanyang sinabi, Dalhin ninyo siya rito. At tinawag nga nila ang bulag. Lakasan mo ang iyong loob. Tumayo ka! Ipinatawag ka ni Jesus sabi nila.(Marcus 10:49)

Si Bartemeo ay isang bulag na nakaupo lamang at namamalimos para sa kanyang ikabubuhay. Nang marinig niya na si Jesus ay pumunta sa kanilang bayan, siya ay nag-umpisang sumigaw kay Jesus. Marami ang sumuway sa kanya, ngunit sumigaw pa rin siya at mas malakas pa. ''Anak ni David, mahabag po kayo sa akin.'' (Marcus 10:48)

Ang pagsusumamong ito ay nagpahinto kay Jesus at siya'y nagsabi na, ''Dalhin niyo siya dito'' ang sumunod na nangyari ay, ang mga tao na sumusuway kay Bartemeo ilang minuto ang nakalipas ay tinawag na siya ngayon at sinabing ''Maging Malakas ka! Tumayo ka at tinatawag ka niya. 

Ang dahilan ng paghinto ni Jesus ay, kung gaano karami ang pangako ng Panginoon, sa kanya ay laging ''Oo'' at Amen. (2 mga taga-Corinto 1:20)

Si Jesus ay dumating dala ang habag at kaluwalhatian, Siya ay dumating upang gawing ganap ang lahat ng mga pangako sa banal na kasulatan.

Si Bartemeo ay humiling ng habag at binigyan siya ni Jesus. Dapat nating tandaan na kapag ang isang tao ay nakatanggap ng habag galing sa Diyos ay makakatanggap din siya ng pabor sa mga tao. Sila ung mga taong pinagbalaan siyang tumahimik at ngayon ay naghihikayat na sa kanya at nagsabing tumayo ka!

Tumayo ka sa lahat ng mga pagtanggi, panglalait, kahihiyan at sa lahat ng mga bagay na nagpapababa sa iyo. Ang habag ni Jesus ay nagpapahintulot sa iyo na tumayo sa lahat ng masasamang karanasan mo sa iyong buhay.

At si Bartemeo ay tumayo, nakakita at sumunod kay Jesus sa daan. Ang pagbabago sa kanyang buhay ay pangteleserye. Isa siyang bulag na nanlilimos na umaasa lamang sa mga tao. Pagkatapos niyang makatanggap ng habag ay tumayo siya at naging alagad ni Jesus.

Maging totoo kayo sa inyong mga puso! Bangon, Si Jesus ay tumatawag sa iyo.


Ang nawawalang Anak

Ang pang-anim at huli nating titingnan ay ang nawawalang anak.

Ako ay babangon at babalik ako sa aking ama at sasabihin ko sa kanya;'' Ama, nagkasala po ako laban sa Diyos at sa inyo''. (Lucas 15:18)

Ang talinghaga tungkol sa nawawalang anak ay salaysay tungkol sa isang binatang lalaki na iniwan ang kanyang tahanan upang manirahan sa talipandas na pamumuhay.Ang pamumuhay na ito ay naghantong sa kanya na mawaldas ang lahat ng kanyang salapi.

Siya ay napasok sa isang gulo na nagpahantong sa kanya upang mamuhay bilang tagabantay ng mga baboy lamang. Ang kanyang pagkain ay pareho sa kinakain ng mga baboy. Sa sitwasyong ito, napagtanto niya sa kanyang sarili at sinabi niya: Ako ay babangon... 

Kapag napagtanto ng isang tao sa kanyang sarili, siya ay babangon sa kanyang pagkalugmok. At gayon din ang nawawalang anak. Dumating siya sa puntong napagtanto niya ang katotohanan. Mas mainam ang kanyang kalagayan noong andoon siya sa tahanan ng kanyang ama.

Kahit gaano kalalim ang pagkalugmok ng isang tao, ang habag ng Panginoon ay mas malaki pa rin kesa sa kasalanan. Ang habag na ito ay mararanasan ng isang tao kapag inamin niy ang kanyang mga kasalanan at talikuran ang mga ito. Alam ng nawawalang anak na kailangan niyang aminin na siya'y nagkasala laban sa kanyang ama at sa Diyos. Dahil gusto niyang magkaroon ng pagbabago, siya ay binigyan ng bagong simula sa buhay.

Kung ano ang maaari nating matutunan sa salaysay na ito ay, kapag ang isang makasalanan ay tumayo at umamin sa kanyang mga kasalanan, makakatanggap siya ng habag at manumbalik muli ang buhay. 

Pagkatapos piliin ng nawawalang anak ang pinakamahalagang desisyon, hindi na siya bumalik sa dating buhay sa kulungan ng baboy.

Tumayo ka at maging tapos na sa kasalanan.


Ano ang mangyayari kapag ang isang tao ay bumangon?

      1.      Magkakaroon ng bagong pahayag (liwanag) at gabay. (Isaias 60:1)
2.     
Ang kaluwalhatian ng Diyos ay sumasaiyo. (Isaias 60:1)
3.     
Ikaw ay magniningning, at magiging liwanag sa ibang tao. (Isaias 60:3)
4.     
Ang lahat na tumalikod sa iyo ay babalik muli. (Isaias 60:4)
5.     
Panibagong kagalakan ay darating. (Isaias 60:5)
6.      
Ang pinto ng posibilidad na maaring mangyari na siyang aakay sa paglago ay mabubuksan. (Isaias 60:5)


Panapos na Salita

      1.      Bangon at pumasok ka sa lupain na inilaan ng Diyos para sa iyo.
2.      Bangon at iligtas mo ang mga taong malapit sa iyo
3.      Bangon at kumilos ka upang ang mga tao ay magpakabanal sa kanilang sarili.
4.      Bumangon ka buhat sa iyong mga paralisadong kalagayan.
5.      Bangon at maging isang alagad ni Cristo.
6.      Bangon at maging tapos na sa mga kasalanan.


Webmaster: Dan Hoset Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway