Ministeryo ng pagbibigay
Sa lumang
tipan mahahanap natin ang mga gabay kung paano magbigay sa kautusan ng
ikasampung bahagi ng pagbibigay kay Moises. Kung nais ninyong magkaroon
ng karagdagang kaalaman tungkol sa ikasampung bahagi, pinapayuhan po
namin kayo na basahin ang pangaral tungkol sa ikasampung bahagi. Tayo
po ay tumungo ngayon sa bagong tipan, upang tuklasin kung anong
kasanayan sa pagbibigay ang magtuturo sa atin, upang isagawa.
Bakit magbigay?
* Si Jesus ay binili na tayo at lahat ng ating tinataglay.
Namatay
siya para sa lahat upang ang mga nabubuhay ngayon ay huwag nang mabuhay
para sa sarili, kundi para kay Cristo na namatay at muling nabuhay para
sa kanila. (2 Mga taga-Corinto 5:15).
* Para makalikom ng kayamanan sa langit.
Huwag
kayong magtipon ng mga kayamanan sa lupa, na dito'y sumisira ang tanga
at ang kalawang, at dito'y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga
magnanakaw:Kundi magtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo'y
hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo'y hindi
nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw:Sapagka't kung
saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman naroon ang iyong
puso.(Mateo 6:19-21).
* Makapaglaan para sa mga mangangaral.
Naghasik
kami sa inyo ng pagpapalang espirituwal; malaking bagay ba naman kung
umani kami ng mga materyal na pakinabang mula sa inyo? (1 Corinto 9:11).
Kanino magbigay?
* Sa mga naglaan sayo ng espirituwal na pagkain.
Hindi ba ninyo alam
na ang mga naglilingkod sa templo ay tumatanggap ng pagkain mula sa
templo, at ang mga naglilingkod sa dambana ay may bahagi sa mga handog
na nasa dambana? Sa ganyan ding paraan, ipinag-uutos ng Panginoon na
ang mga nangangaral ng Magandang Balita ay dapat matustusan ang
ikabubuhay sa pamamagitan ng Magandang Balita. (1 Corinto 9:13–14).
* Sa iyong mga Guro.
Ang mga pinunong
mahusay mamahala ay karapat-dapat tumanggap ng paggalang at kabayaran,
lalo na ang mga masigasig sa pangangaral at pagtuturo ng salita ng
Diyos. Sapagkat sinasabi ng kasulatan, "Huwag mong bubusalan ang bibig
ng baka habang ito'y gumigiik." Nasusulat din, "Ang manggagawa ay
karapat-dapat bayaran." (1 Timoteo 5:17-18).
* Sa Mangangaral ng Ebanghelyo.
Alam naman ninyo, mga
taga-Filipos, na kayo lamang ang iglesyang nakahati ko sa hirap at
ginhawa nang umalis ako sa Macedonia noong ako'y nagsisimula pa lamang
sa pangangaral ng Magandang Balita.Noong ako'y nasa Tesalonica na,
makailang ulit ding pinadalhan ninyo ako ng tulong.(Filipos 4:15-16).
Paano dapat magbigay?
* Ayon sa Pananampalataya.
Nguni't ang
nagaalinlangan ay hinahatulan kung kumakain, sapagka't hindi siya
kumakain sa pananampalataya; at ang anumang hindi sa pananampalataya ay
kasalanan. (Roma 14:23).
* May galak.
Magbigay ang bawa't
isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil
sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya. (2
Corinto 9:7)).
* Sa Lihim.
Kaya nga, kapag ikaw
ay namamahagi sa mga kahabag-habag, huwag mong hipan ang trumpeta na
nasa harap mo, gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga
at sa mga daan. Ginagawa nila ito upang sila ay luwalhatiin ng mga tao.
Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang
gantimpala.Kung mamahagi ka sa mga kahabag-habag, huwag mo nang ipaalam
sa iyong kaliwang kamay kung ano ang ginagawa ng iyong kanang kamay.Sa
gayon, maililihim ang iyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. Ang iyong
Ama na nakakakita sa lihim ay magbibigay ng gantimpala sa iyo nang
hayagan. (Mateo 6:2-4).
Ano ang mangyayari kapag tayo ay magbigay?
* Ang pinakadakilang pangaral sa ebanghelyo ay naipapamahagi.
Hindi namin
ipinagmamalaki ang mga bagay na hindi namin kaya. Hindi namin
ipinagmamalalaki ang mga gawa ng iba. Umaasa kami, na habang lumalago
ang inyong pananampalataya, ay lubos na palalawakin ng Diyos, sa
pamamagitan ninyo, ang aming gawain sa inyong kalagitnaan.Ito ay upang
maipangaral ang ebanghelyo sa mga nayon sa malayo at hindi upang
ipagmalaki ang gawain na nagawa na ng iba. (2 Corinto 10:15-16).
* Ang simbahan ay napaliwangan.
Kung ang aking
pananalita ay para bang sa walang pinag-aralan, subalit sa kaalaman ay
hindi. Ngunit sa bawat paraan, sa lahat ng bagay ay malinaw kaming
nahahayag sa inyo.Nagkasala ba ako sa pagpapakumbaba ko sa aking sarili
upang kayo ay maitaas dahil walang bayad kong ipinangaral sa inyo ang
ebanghelyo ng Diyos? Ninakawan ko ang ibang iglesiya nang tumanggap ako
ng kabayaran sa paglilingkod para sa inyo. (2 Corinto 11:6-8).
* Ang diyos ay tutugon sa ating mga pangangailangan.
Datapuwa't mayroon
ako ng lahat ng bagay, at sumasagana: ako'y busog, palibhasa'y
tumanggap kay Epafrodito ng mga bagay na galing sa inyo, na isang samyo
ng masarap na amoy, isang handog na kaayaaya, na lubhang nakalulugod sa
Dios.At pupunan ng aking Dios ang bawa't kailangan ninyo ayon sa
kaniyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus. (Filipos
4:18-19).
* Tayo ay makakatanggap.
- Magbigay
kayo at ito ay ibibigay sa inyo, mabuting sukat, siniksik, niliglig at
umaapaw sapagkat ang panukat na inyong ipinangsukat ay siya ring
panukat na gagamitin sa inyo. (Lucas 6:38)
- Tandaan ninyo ito:
ang nagtatanim ng kakaunti ay aani ng kakaunti, at ang nagtatanim naman
ng marami ay aani ng marami. (2 Corinto 9:6).
* Ang Diyos ang magpaparami sa ating handog.
- Magagawa
ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong
pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa. (2 Corinto
9:8).
- Ang Diyos na nagbibigay
ng binhing itatanim at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa
inyo ng binhi, at magpapalago nito upang magbunga nang sagana ang
inyong kabutihang-loob. (2 Corinto 9:10).
Ano ang pinapatotohanan ng ministeryo ng pagbibigay?
* Ang ating pangmamahal kay Cristo Jesus.
- Sinuma'y hindi
makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka't kapopootan niya ang
isa, at iibigin ang ikalawa: o kaya'y magtatapat siya sa isa, at
pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at
sa mga kayamanan.(Mateo 6:24).
- Ang nagtataglay ng aking mga utos
at tumutupad nito ay siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay
iibigin ng aking Ama. Siya ay iibigin ko at ipahahayag ko sa kaniya ang
aking sarili. (Juan 14:21).
- Sumagot si Jesus at sinabi sa
kaniya: Kung ang sinuman ay umiibig sa akin, tutuparin niya ang aking
mga salita. Siya ay iibigin ng aking Ama. Kami ay pupunta sa kaniya at
mananahan na kasama niya. (Juan14:23).
* Ating buhay na pananampalataya.
Sa pamamagitan ng
katibayan ng paglilingkod na ito sila ay lumuluwalhati sa Diyos dahil
sa inyong pagpapahayag ng inyong pagpapasakop sa ebanghelyo ni Cristo.
At ito ay dahil na rin sa inyong pakikipag-isa sa matapat na pagbibigay
para sa kanila at para sa lahat.(2 Corinto 9:13).
Lahat ng ito ay nagtuturo sa atin na ang ministeryo ng
pagbibigay ay ayon sa ministeryo ni Jesus, na kung saan ay iniligtas
ang mga tao at bumuo ng kanyang Iglesiya. Sapagkat ang anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang mga nawawala.(Lucas 19:10).
At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong
ito ay itatayo ko ang aking iglesiya; at ang mga pintuan ng Hades ay
hindi magsisipanaig laban sa kaniya.(Mateo 16:18).
Higit na mabuting Tipan
Ngunit
ngayon si Jesus ay nagtamo ng isang higit na dakilang paglilingkod,
yamang siya ay tagapamagitan ng isang tipan na higit na mabuti. Ang
tipang ito ay natatag sa lalong mabuting pangako.Sapagkat kung ang
unang tipan ay walang kakulangan, hindi na sana naghahanap pa ng lugar
para sa ikalawang tipan.(Hebreo 8:6-7).
Sa unang Iglesiya mababsa natin: Ang
mga apostol ay nagpatotoo sa pagkabuhay-muli ng Panginoong Jesus na may
dakilang kapangyarihan at ang dakilang biyaya ang sumakanilang
lahat.Walang sinuman sa kanila ang nangailangan sapagkat ipinagbili ng
lahat na may mga tinatangkilik na mga lupa o mga bahay ang kanilang
pag-aari. Kanilang dinala ang mga halaga ng mga bagay na
ipinagbili.Inilagay nila ang mga ito sa paanan ng mga apostol at ang
pamamahagi ay ginawa sa bawat tao ayon sa kaniyang pangangailangan.
(Mga Gawa 4:33-35).
Sa mga Gawa
12:12 ating mababasa na noong si Pedro ai himalang napalaya sa
pagkabilanggo, pumunta siya sa bahay ni Maria, na marami ang nagtipon
sa pananalangin. Ang katotohanan na ang mga tao ay nagtipon sa bahay
niya upang manalangin ay nagpapahiwatig na si Maria ay isang pinuno.
Ang pagiging pag-aari niya ng bahay, ay sinasabi sa atin na sila
ay hindi inutusang ibenta ang kanilang mga bahay. Datapwat, iba sa
kanila ay nagbenta ayon sa kanilang pananampalataya at ilalim sa
inpirasyon ng banal na Espirito.
Sa ilalim
ng kautusan, ang lumang tipan, ang mga Israelita ay inutusan na ibigay
ang ikasampung bahagi ng kanilang mga pananim, mga prutas, pastol at
kawang naipon. Ang sumulat ng libro ng Hebreo ay naghayag na ang lumang
tipan ay hindi sapat at hindi makapagdadala kanino man sa kaganapa. (Hebreo 9:1).
Ang kautusan ay isang anino ng mabubuting bagay na darating. Hindi iyon
ang wangis ng mga tunay na bagay. Bawat taon patuloy silang naghahandog
ng gayunding mga handog na kailanman ay hindi nagpapaging-ganap sa
kanila na lumalapit. (Hebreo 10:1).
Si
Jesus ay dumating upang tayo ay magkaroon ng buhay, at taglayin ito ng
ganap. (Juan 10:10). Upang makamtan ang kasaganahan ng buhay sa bagong
tipan dapat tayong mamuhay sa pananampalataya.Nguni't
ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya: At kung
siya ay umurong, ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa.(Hebreo 10:38).
Ngunit
kung walang pananampalataya, walang sinumang tunay na
makakapagbigay-lugod sa kaniya. Sapagkat ang lumalapit sa Diyos ay
dapat sumampalatayang may Diyos at dapat siyang sumampalatayang siya
ang nagbibigay gantimpala sa mga masikap na humahanap sa kaniya.(Hebreo
11:6). Sa oras na tayo ay tumalikod sa kautusan at magsimulang
mamuhay ayon sa pananampalataya sa lahat ng aspeto ng ating buhay,
kabilang na ang ministeryo ng pagbibigay, inilagay natin ang ating
sarili sa posisyon na kung saan makakatanggap tayo ng nakakamanghang
tagong kayamanan kay Cristo Jesus. Walang pagkukulang sa bagong tipan.
Nangaral ang mga alagad tungkol sa pagkapako ni Jesus sa krus, namuhay
sa pagpapala, at natugunan ang lahat ng pangangailangan nila.
Pagtatapos
Nakita
natin na dahil sa tulong sa iglesiya ng Corinto, ang ministeryo ni
Pablo ay nagpatuloy at higit pang lumawak sa Ebanghelyo ni Jesu-Cristo
(2 Corinto 10:16).
Darating ang araw na ang mundo at ang lahat ng nandito ay
magkakaroon ng katapusan. Tayo ay may pagkakataon ngayon upang gamitin
ang ating buhay at kayamanan sa paraang tayo'y makakasama sa
pangalawang pagbabalik ni Jesu-Cristo!Yamang
ang lahat ng bagay na ito ay mawawasak, ano ngang pagkatao ang
nararapat sa inyo? Dapat kayong mamuhay sa kabanalan at
pagkamaka-Diyos.Hintayin ninyo at madaliin ang pagdating ng araw ng
Diyos. Sa araw na iyon ang langit ay masusunog at mawawasak. Ang lahat
ng mga sangkap na bumubuo ng sanlibutan ay matutunaw sa matinding init.
(2 Pedro 3:11-12).
|