Ikasampung bahagi
Nanakawan
baga ng tao ang Diyos? gayon ma'y ninanakawan ninyo ako. Nguni't inyong
sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga ikasangpung bahagi at sa
mga handog. Ikaw ay nasa ilalim ng sumpa – ang iyong buong bansa
– dahil ninanakawan ninyo Ako. Dalhin ninyo ang buong ikasangpung
bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at
subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga
hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at
ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na
kalalagyan.(Malakias 3:8-10).
Bukod sa
ebanghelyo ni Jesu-Cristo, wala bagang ibang paksa na mas pinapangaral
o senisermon ng paulit ulit sa pulpito kundi ang pangangaral sa
ikasampung bahagi. Ang iglesiya ay nasa makamundo pa rin, at
samakatuwid ang salapi ay kinakailangan upang magampanan ang misyon o
tungkulin. Gayon pa man ang pangangaral ay nagdulot sa mga Kristiyano
sa buong mundo na mamuhay sa pagkabagabag, kabiguan at kasalanan dahil
sa kanilang pinansyal na kakulangan sa pagbibigay ng ikasampung bahagi.
Si Jesus ay nagsabi; Malalaman ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.(Juan 8:32).
Titingnan
natin ang lahat ng pinanggalingan ng katotohanan; ang Salita ng Diyos,
upang makita at malaman natin kung ano ang sinasabi sa ikasampung
bahagi.
Ang kautusan ng ikasapung bahagi
Ang ikasampung bahagi ang pinakahuling utos at batas ng Panginoon na ibinigay kay Moises. Ito ang mga tuntunin na ibinigay ng Diyos kay Moises sa bundok ng Sinai upang tuparin ng mga Israelita.(Levitico 27:34).
Ang nakaraang bersikulo ay nagsasabi sa atin kung anu-ano ang mga ikasampung bahagi: lahat
ng ikasampu maging binhi o bunga ng halaman ay nakatalaga sa Diyos kung
may nais tumubos sa alinman sa kanyang ikasampu babayaran niya ito ayon
sa kalakarang halaga at papatungan niya ng ikalimang parte ang halagang
iyon. Lahat ng ikasampung tupa para sa Diyos hindi iyon dapat siyasatin
kung masama o hindi. Hindi rin maaring palitan at kung mapalitan man
ang ipinalit at pinalitan ay parehong nakatalaga para sa Diyos hindi na
ito matutubos.(Levitico 27:30-33)
Ayon sa
tuntuning ito ang iksampung bahagi ay 10% ng lahat ng paglago. Ang mga
butil na galing sa lupa, prutas galing sa mga puno, mga pastol at
kawanang inilaan. Halimbawa niyan ay ang isang magpapastol na
nagmamay-ari ng 100 kawan ng tupa. Sa panahon ng tagsibol ang kanyang
mga tupa ay manganganak ng 50 batang tupa. Ang 5 nito ayon sa kautusan
ay kailangan dalhin sa templo sa Herusalem bilang ikasampung bahagi. Sa
pagsunod nito ay pinapahayag ng Israel ang kanilang pasasalamat at
pagkilala sa Panginoon bilang kanilang Diyos.
Ang layunin ng ikasampung bahagi
Sinabihan ni Jesus ang isang babaeng Samaritan sa may balon na: Ang Diyos ay Espiritu. Sila na sumasamba sa kaniya ay dapat sumamba sa Espiritu at sa katotohanan. (Juan 4:24). Ang Diyos ay ni hindi nangangailangan o ni hindi kumain ng pagkain at hindi niya kailangan ang ating mga handog at pag-aalay. Hain
at handog ay hindi mo kinaluluguran; ang aking pakinig ay iyong
binuksan: handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay hindi
mo hiningi.(Mga Awit 40:6). Ni hindi Niya kailangan tayong mga tao upang magtamo ng paglago o mga baka. Pagmamay-ari niya na ang lahat. Sinong naunang nagbigay sa akin upang aking bayaran siya? Anumang nasa silong ng buong langit ay akin.(Job 41:11). ang sabi ni David sa mga libro ng Mga Awit 24:1 Ang lupa ay sa Panginoon at ang buong narito; ang sanglibutan, at silang nagsisitahan dito.
Ang banal na kasulatang ito ay nagsasabi sa atin na ang Diyos ay hindi
kumakain ng pagkain, hindi Niya ninanais ang ating mga pag-aalay at mga
handog, dahil ang buong mundo ay pag-aari Niya.
Ang
ikasampung bahagi na ibinigay sa mga Israelita sa lumang tipan ay
ginamit upang matugunan ang pangangailangan ng mga Levita at ang
kanilang pamilya. Ang mga Levita ay tinawag upang manilbihan sa Diyos,
araw at gabi, sa tolda ng pagpupulong at sa templo sa ngalan ng mga
Israelita. Ang bahagi ng mga Levita
ay ang ikasampung bahagi na ibibigay ng mga Israel, at ito ang nauukol
sa kanilang paglilingkod sa Toldang Tipanan. ( Mga Bilang 18:21 ). Ito
ang mga pinuno ng mga sambahayang Levita na umaawit at doon na rin
tumitira sa mga silid sa Templo. Wala silang ibang gawain, sapagkat
kailangang gampanan nila ang kanilang tungkulin araw-gabi.(1 Cronica
9:33).
Noong
hinati na ng Panginoon ang lupang ipinangako sa pagitan ng mga
Israelita, ang mga Levita ay hindi nakamana ng para sa kanila ngunit
binigyan sila ng ibang mga tribo ng mga bayan na pastulan.(Mga Bilang
35:7) Ang sabi ng Diyos... Ako ang iyong pinakabahagi at ang iyong mana.(Mga Bilang 18:20) Ang mga handog na galing sa ibang tribo ay ibinigay sa mga Levita bilang kanilang bahagi.(Mga Bilang 18:19).
Kung
hindi dahil sa mga ikasampung bahagi, ang mga Levita ay kailangang
magtustus para sa kanilang sariling pagkain, na makahadlang sa kanila
upang maglingkod sa Panginoon. Si Nehemias ay naglarawan ng ganitong
kaganapan sa kanyang aklat. Nalalaman
ko rin na ang mga Levita at ang mga mang-aawit sa Templo ay umuwi na sa
kanilang mga bukirin sapagkat hindi sila tumatanggap ng bahaging
nauukol sa kanila. Nagalit ako sa mga namamhala at sinabi ko, Bakit
pinabayaan ninyo ang Templo ng Diyos? Kaya't pinabalik ko ang mga
Levita at ang mga mang-aawit sa Templo at muling pinagtrabaho sa
kanilang tungkulin.dahil dito, ang lahat ng mamamayan ng Juda ay muling
nagdala ng ikasampung bahagi ng kanilang mga inaning butil, alak at
langis at inipon ang mga ito sa mga bodega.(Nehemias 13:10-12)
Ang mga
Israelita ay ninakawan ang Diyos sa paglilingkod at pagsamba, na ang
mga Levita ay itinalagang gumanap, katulad sa nakalarawan sa Malakias
3:8.
Ang Templo
Sa 2 Cronica kapitulo 29-30 mababasa natin doon si Ezequia na naging
hari pagkatapos ng napakasamang si Ahaz. Inalis ni Ezequia lahat ng mga
marurungis sa banal na lugar at muling itinatag ang paglilingkod sa
Templo ng Panginoon. Itinalaga niya ang mga pari at Levita sa pag alay
ng mga handog, maglingkod, magpugay ng pasasalamat, at mag-awit ng mga
papuri. Ibinalik niya din ang ikasampung bahagi: Iniutos
ni Ezequias sa mga taga Jerusalem na ibigay sa mga pari at Levita ang
para sa mga ito upang ang buong panahon nila ay maiukol sa kanilang
tungkulin ayon sa kautusan ng Diyos.(2 Cronicas 31:4) Ang mga
Israelita ay dinala ang kanilang mga ambag at sinalansan ng patampok.
Na ang kinalabasan ay umaapaw na pagkain at ang malaking bahagi ay
natira at inimbak sa bodega: Inutus ni Ezequia na gumawa ng mga bodega sa Templo.(2 Cronicas 31:8-11) Ang bodega na nabasa natin sa Malakias 3:10 ay konektado sa templo ng Jerusalem.
Ang Templo sa Jerusalem ay winasak ng mga Romano noong taong 70 AD at hindi na muling naitayo.
Bakit?
Ang
lumang tipan kalakip ang pag- aalay ng hayop bilang pagtubos sa mga
kasalanan ay natapos na. Ang bagong tipan ay batay sa dugo ni Jesus.
Dinala Niya ang walang hanggan at huling pag – aalay para sa
ating mga kasalanan! Dahil diyan,
nang si Cristo ay naparito sa daigdig, sinabi Ni nya sa Diyos ang mga
pag-aalay, pati mga handog, at ang mga hayop na handang sunugin, hindi
mo naibig sa dambana dahil, hindi mo kinalugdan ang mga handog na
sinunog, at ang mga handog upang pawiin ang kasalanan. Kayat inihanda
mo ang aking katawan upang maging handog. Kayat sinabi ko akoy narito,
O Diyos upang sundin ang iyong kalooban. Ayon sa sinasabi ng kasulatan
tungkol sa akin. Sinabi muna niya, hindi mo ninanais o kalugdan ang mga
alay at handog na hayop, mga handog na susunugin, at mga handog dahil
sa kasalanan, kahit itoy inihahandog ayon sa Kautusan. Saka niya
idinugtong, akoy narito upang sundin ang iyong kalooban. Sa ganitong
paraan, inaalis nga ng Diyos ang unang handog at pinalitan ng handog ni
Cristo.At dahil sinunod niya ang kalooban ng Diyos tayo ay ginawang
banal ni Jesu-Cristo sa pamamagitan ng minsanan at sapat na paghahandog
sa kanyang sarili. Bawat pari ay naglilingkod araw-araw at naghahandog
ng ganoon ding mga handog, subalit ang mga iyon ay hindi naman
nakakapawi ng kasalanan. Ngunit si Cristo ay minsan lamang naghandog
para sa mga kasalanan, at pagkatapos ay umupo na sa kanan ng Diyos.
(Mga Hebreo 10:6-12).
* Nasaan na ang Templo ngayon?
Gayunman
ang kataas-taasang Diyos ay hindi naninirahan sa mga bahay na ginawa ng
tao. Sabi nga ng propeta,...(Mga Gawa 7:48) Siya ang gumawa ng
sanlibutan at lahat ng narirto, siya ang Panginoon ng langit at lupa.
Hindi Siya nananahan sa mga templong ginawa ng tao. (Mga Gawa 17:24) Ang Diyos ay hindi na nakatira sa mga gusali
na gawa sa kahoy o bato sa ngayon, kundi sa bawat puso ng Kanyang mga
anak sa Espiritu Santo. Hindi ba
ninyo alam na ang inyong mga katawan ay templo ng Espiritu Santo na
nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi na ninyo pag-aari ang
inyong mga katawan. (1 Mga taga-Corinto 6:19).
* Ang tungkol naman sa nga paring Levita?
Ang lumang
tipan ay pinalitan na ng walang hanggang tipan dahil sa dugo ni Jesus.
Ibig sabihin ang lumang pamamalakad na kaakibat ang mga kautusan at
patakaran hinggil sa mga Levita at ang kanilang mga alay sa templo ay
hindi na kinakailangan! Samakatuwid,
sa pamamagitan lamang ng isang paghahandog ay kanyang ginawang ganap
magpakailanman ang mga pinaging-banal ng Diyos. (Mga Hebreo 10:14).
* Sinu-sino ang mga pari sa ngayon?
Ayon
sa kautusan, ang pagkapari ay nakalaan lamang sa mga Levita. Ang ibang
11 tribo ng Israel ay hindi nagawang maging pari. Ito ay nabigyan na ng
katapusan sa bagong tipan. Sa ngayon ang pagiging pari ay hindi na
umiiral sa maliit na mga pili at nakapag-aral na tao, ngunit kung sino
man ang tumanggap kang Jesus bilang kanilang tagapagligtas at
Panginoon! Tulad ng mga batong
buhay, maging bahagi kayo ng isang templong espirituwal. Bilang mga
paring itinalaga para sa Diyos, mag-alay kayo sa Diyos ng mga handog na
espirituwal na kalugud-lugod sa kanya alang-alang kay Jesu-Cristo.(1
Pedro 2:5) Ngunit kayo ay isang lahing pinili grupo ng maharlikang
pari, isang bansang nakalaan sa Diyos, bayang pag-aari ng Diyos upang
magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo
mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan. (1 Pedro 2:9). Hindi katulad sa lumang tipan, ang mga pari sa bagong tipan ay malayang makapunta sa Diyos: kaya nga, mga kapatid, tayoy malaya nang makakapasok sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa dugo ni Jesus.(Mga Hebreo 10:19).
Ikasampung bahagi sa bagong testamento
Habang
ating tinitingnan ang Salita ng Diyos natuklasan natin na ang kautusan
ng ikasampung bahagi na ibinigay kay Moises sa bundok ng Sinai.
Ibinigay ito kaakibat ang iba pang mga batas at utos, at samaktuwid ay
isang bahagi ng lumang tipan, ang kautusan. Ating titingnan ngayon kung
ano ang sa bagong tipan, ang pagpapala, nagsasabi tungkol sa ikasampung
bahagi. Ang ikasampung bahagi ay natukoy sa tatlong dako ng Bagong
Testamento.
1. Mateo 23:23
Kahabag-habag
kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari!
Ibinigay ninyo ang ikasampung bahagi ng naani ninyong yerbabuena, ruda,
linga, ngunit kinakaligtaan naman ninyong isagawa ang mas mahalagang
turo sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan.
Huwag ninyong kaligtaang gawin ang mga ito kahit na tamang gawin ninyo
ang pagbibigay ng ikasampung bahagi ng ani. Dito lang sa
bahaging ito nagsalita si Jesus sa isang tao na magbigay ng ikasampung
bahagi. Sinabi Niya ito sa mga tagapagturo ng mga kautusan at sa mga
Pariseo, na mga Hudyo sa ilalim ng kautusan, at obligadong magbigay ng
ikasampung bahagi. Ang mga taong ito ay binabayaran ang kanilang
ikasampung bahagi, ngunit magkagayunpaman ay mga hindi sumusunod sa
kautusan, dahil sa hindi nila pinapanatili ang kautusan na katarungan,
pagkahabag at ang katapatan.
2. Lucas 18:9-14
Sa
bersikulong ito si Jesus ay nagsalaysay ng isang talinghaga tungkol sa
isang Pariseo na nagsabi sa kanyang sarili na mas mabuti siya kesa sa
ibang tao sa kanyang dasal. Dalawang beses akong nag-aayuno sa loob ng sanlinggo at nagbibigay rin ako ng ikasampung bahagi mula sa lahat ng akong kinita.
Tinuruan
tayo ni Jesus na ang Pariseong ito ay hindi makatuwiran dahil sa
katotohanan na itinaas niya ang kanyang sarili. Hinding-hindi tayo
mabibigyang-katwiran sa ating mga gawa, kundi sa pananampalataya
lamang! Gayunman, alam naming ang
taoy pinapawalang-sala dahil sa pananampalataya kay Jesu-Cristo, at
hindi dahil sa pagsunod sa kautusan. Kayat kami rin ay sumasampalataya
kay Cristo Jesus upang mapawalang-sala sa pamamagitan ng
pananampalataya sa kanya, at hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa
Kautusan. Sapagkat ang tao'y hindi pinapawalang-sala dahil sa pagsunod
sa Kautusan.(Taga-Galacia 2:16).
3. Hebreo 7:1-22
Dito
mababasa natin na si Abraham ay nagbigay ng ikasampung bahagi kay
Melquisedec, na isang pari at hari ng Salem (Jerusalem). Ang kasaysayan
mismo ay nakasulat sa aklat ng Genesis: Dinalhan
siya ni Melquisedec, hari ng Salem at pari ng Kataas-taasang Diyos ng
tinapay at alak, at binasbasan pagpalain ka nawa ni Abram, ng
Kataas-taasang Diyos na lumikha ng langit at lupa. Purihin ang
Kataas-taasang Diyos na nagbigay sa iyo ng tagumpay! At ibinigay ni
Abram kay Melquisedec ang ikasampung bahagi ng lahat ng kanyang
nasamsam buhat sa laban. (Genesis 14:18-20) Si Melquisedec ay
dumating upang makatagpo si Abraham sa lambak ng Hari upang dalhan siya
ng tinapay at alak at mapagpala siya.(Genesis 14:17-20) si Abraham ay
lubos na pinagpala dahil dito at buong puso siyang nagbigay bilang
kapalit: ang ikasampung bahagi ng kanyang nasamsam buhat sa kanyang
laban pagkatapos niyang matalo si haring Kedorlaomer at ang hari ay
nakianib sa kanya.(V 16,20) Si Abraham ay hindi nagbigay ng ikasampung
bahagi mula sa kanyang personal na pag-aari,ngunit mula sa mga bagay na
pagmamay-ari ng iba. Ito rin ay isang beses lang na pangyayari.
Ang
may-akda ng Aklat ng Hebreo ay hindi nangangatuwiran kung paano ibigay
ang ikasampung bahagi. Manapa, ay binigyang-diin niya lamang na si
Jesus ang bagong Kataas-taasang pari at inilarawan kung paano, sa
paghahambing kay Melquisedec at sa ibang kataas-taasang pari. Ang atas
kay Jesus ay mas malaki ang layo (Hebreo 7) Ang pagbabahagi ng tinapay
at bino ay isang propetik na kilos nagtuturo patungo kang Jesus at
naglalarawan sa katawan ni Cristo at ang kanyang dugo. Na binigay sa
atin upang tayo ay mamuhay sa pakikisama sa Diyos. Ako
ang tinapay na nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay
magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na ito. At ang tinapay ay
aking katawan na ibibigay ko upang mabuhay ang sangkatauhan. Ang kumain
ng aking laman at uminom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan
at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw.(Juan 6:51,54) Sa
maikling panahon bago namatay si Jesus ay ibinahagi niya ang tinapay at
bino sa kanyang mga alagad sa huling hapunan (Lucas 22:19-20).
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: Hindi
ko na kayo itinuturing na mga alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang
ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, itinuring ko kayong mga
kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyong ang lahat ng narinig ko sa aking
Ama.(Juan 15:15) Si Abraham ay kaibigan ng Diyos,...siya ay
tinawag na kaibigan ng Diyos.(Santiago 2:23b), at ang Diyos ay hindi
magtatago ng mga bagay sa kanya..Sabi ni Yaweh, hindi ko dapat ilihim kay Abraham ang aking gagawin.(Genesis 18:17) Si Abraham ay isa ring propeta.(Genesis 20:7) At sinabihan ni Jesus ang mga Hudyo: Natuwa ang inyong amang si Abraham nang malaman niya ang araw ng aking pagdating. Nakita nga niya ito at siyay nagalak. (Juan 8:56)
Samakatuwid,noong tinanggap ni Abraham ang tinapay at bino galing sa
pari ng Diyos, binigay niya ang ikasampung bahagi mula sa puso at
kagalakan. Ang kasaysayang ito ay isang masidhing kabuluhang propetik
na nagtuturo patungo sa makabagong tipan na pinasulong ng pinakahuling
Melquisedec: si Jesu-Cristo. Kung hindi natin kainin ang tinapay at
inumin ang bino hindi tayo magkakaroon ng pagkakaibigan sa buhay na
Diyos.
Ano talaga ang ikasampung bahagi?
Ngayong alam na natin na ang ikasampung bahagi ay sailalim ng kautusan, tingnan natin kung ano ang ibig ipahiwatig nito.
* Ang kautusan ay Sumpa.
Ang
lahat ng umaasa sa mga gawa ayun sa Kautusan ay nasa ilalim ng isang
sumpa. Sapagkat nasusulat, Sumpain ang hindi sumusunod at hindi
gumagawa ng lahat ng nakasulat sa aklat ng Kautusan. (Mga Taga-Galacia
3:10).
* Ang kautusan ay Tagapangalaga.
Bago
dumating ang panahon ng pananampalataya, tayo'y ikinulong ng Kautusan
hanggang sa ang pananampalatayang ito kay Cristo ay mahayag. Kayat ang
Kautusan ang naging tagapangalaga natin hanggang sa dumating si Cristo
upang tayoy mabilang na matuwid sa pamamgitan ng pananalig sa kanya.
Ngayong sumasampalataya na tayo kay Cristo, wala na tayo sa
pangangalaga ng Kautusan. (Mga Taga-Galacia 3:23-25).
* Ang kautusan ay pinapanatili tayong nakagapos sa pagkaalipin.
Mga kapatid, tulad
ni Isaac, tayoy mga anak ayon sa pangako. Kung noong una, ang
ipinanganak ayon sa Espiritu ay inuusig ng ipinanganak ayon sa
karaniwang paraan, gayundin naman ngayon. Ngunit ganito ang sinasabi ng
kasulatan, palayasin mo ang babaing alipin at ang kanyang anak,
sapagkat ang anak ng alipin ay hindi dapat makibahagi sa mana ng anak
ng malaya. Kaya nga mga kapatid hindi tayo anak ng alipin kundi
malaya.(Mga Taga-Galacia 4:28-31) Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni
Cristo. Kaya magpakatatag kayo at huwag nang paalipin pang muli. (Mga
Taga-Galacia 5:1).
* Ang kautusan ay nagbubukod sa atin kay Cristo.
Akong
si Pablo ang nagsasabi sa inyo, kapag nagpatuli kayo, binabalewala
ninyo si Cristo. Inuulit ko, ang lahat ng taong nagpatuli ay kailangang
sumunod sa buong Kautusan. Kayong nagsisikap na maging matuwid sa
pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan, inihiwalay ninyo ang inyong sarili
kay Cristo at tinanggihan ninyo ang kagandahang-loob ng Diyos.(Mga
Taga-Galacia 5:2-4).
* Ang kautusan ay hindi makakaakay sa iyo sa kaganapan.
Kautusan
ay anino lamang at hindi lubos na naglalarawan ng mabubuting bagay na
darating. Hindi ito nagpapabanal sa mga lumalapit sa Diyos sa
pamamagitan ng mga handog na iniaalay taun-taon. (Hebreo 10:1).
Kung
tayo ay nagtatangka na maging makatuwiran sa ating mga kilos, hindi
natin binigyan ng kapurihan si Cristo! Dahil sa pagpapatuloy na pagawa
sa Kautusan, ating ipinapahiwatig na ang pagbubuwis ng buhay ni Jesus
ay kulang pa upang mabayaran ang ating mga kasalanan.
Ang mabuting balita
* Si Jesus ay natubos na tayo mula sa kautusan!
Gayundin
naman mga kapatid , namatay na kayo sa Kautusan dahil kayoy bahagi ng
katawan ni Cristo, at ngayon kayo ay kabilang na sa mga nakipag-isa sa
kanya na muling binuhay, upang magbunga tayo ng mabuting gawa para sa
Diyos.(Roma 7:4) Wala na ako sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan
sapagkat pinalaya na ako ng kapangyarihan ng Espiritung
nagbibigay-buhay sa pamamagitan ni Cristo Jesus.(Roma 8:2) Sapagkat si
Cristo ang kaganapan ng Kautusan, upang mapawalang-sala ang sinumang
sumasampalataya sa kanya.(Roma 10:4) Tinubos tayo ni Cristo mula sa
sumpa ng Kautusan nang siya ay isinumpa para sa atin, sapagkat
nasusulat, Isinumpa ang bawat ibinitin sa punongkahoy.(Galacia 3:13).
* Ang Espiritu ay gagabay sa mga anak ng Diyos.
Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos.(Roma 8:14).
* Ang Espiritu ay gagabay sa atin upang magbigay ng kasiyahan, hindi galing sa kautusan.
Ang
bawat isay dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwang sa loob at
di napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay
nang may kagalakan.(2 Corinto 9:7).
Pagtatapos
Sa
unang Iglesiya ang mga alagad ay nagpatotoo sa muling pagkabuhay ni
Jesus na may dakilang kapangyarihan, at hindi sila nakulangan ng
anumang bagay.(Mga Gawa 4:33-34) kung ang Lumang Tipan (Kautusan) ay
naging sapat, ang Diyos ay hindi na kinakailangang palitan ito ng Bagog
Tipan (Pagpapala). Ang bagong Tipan ay mas mainam kapwa sa nagbibigay
at sa tumatanggap. Si Jesus ay dumating upang tayo ay magkaroon ng
buhay at kasaganahan ng buhay. (Juan 10:10) Gayunpaman ang Diyos ay
hindi makakapagpala sa isang Iglesiya hanggat ipinagpapatuloy nila ang
pagpapatupad ng ikasampung bahagi, na kung saan ay nasa ilalim ng
Kautusan. Kung ang Iglesiya ay sumuko mula dito, at mag umpisa sa
pagsanay na maghandog bilang kilos ng pananampalataya, darating ang
malalim ng pagpapala na ibinigay kay Abraham.(Galacia 3:13-14).
Upang makita kung paano sinanay ang pagbibigay sa ilalim ng pananampalataya, ipinapayo namin na basahin ang artikulo tungkol sa Ministeryo ng Pagbibigay.
Masaganang pagpapala mula sa Panginoon!
|