Mahina, para asahan
Ang biyanan ni Pedro ay nakaratay dahil sa taas ng lagnat.
Kung tayong mga tao ay nasa ganyang sitwasyon, hindi ito madali para sa
atin at tayo ay nagiging pabaya sa sarili dala ng mga problema.
Ganoon din ang nangyari sa biyanan
ni Pebro. Dahil siya ay mahina, para asahan hindi niya napansin na si
Jesus ay pumasok sa bahay nila.
Hindi niya nakita si Jesus, ngunit nakita ni siya ni Jesus at ang kanyang kalagayan.
At nang pumasok si Jesus sa bahay ni Pedro, ay nakita niya ang biyanang babae nito na nararatay dahil sa lagnat. (Mateo 8:14)
Kapag hindi natin nakikita si
Jesus, napakadali para sa atin ang magreklamo, sa ating mga sitwasyon,
at kung kaya't hindi natin napapansin ang presensiya ng Panginoon.
Ngunit alam ni Jesus ang lahat tungkol sa atin at hindi Niya tayo
iiwan. Sabi ni Job: "Ikaw na rin ang nagsabing ang Diyos ay hindi mo nakikita, maghintay ka na lamang sapagkat ang kalagayan mo'y alam Niya.
(Job 35:14)
Alam ni Jesus ang kanyang
kalagayan, at handa si Jesus na tulungan siya. Kung ano ang pumipigil
sa Kanya na magawa iyon, ito ay ang kawalan ng pananampalataya. Bago
makagawa ang Diyos ng kung anuman, ang pananampalataya ay dapat naroon.
Ang biyanan ni Pedro ay hindi
nakita si Jesus ngunit nakita siya ng Kanyang mga alagad . Nang mabatid
nila ang kalagayan mayroon siya, ay pumaroon sila kay Jesus..."kaya't nakiusap sila kay Jesus na ito'y pagalingin".
(Lucas 4:38b)
Sa pagkakataong ito alam nila na
sila ay may pananampalataya upang si Jesus ay makapagpagaling. Tumayo
si Jesus sa tabi ng higaan ng babae at iniutos na mawala ang lagnat, at
ito'y nawala nga. Kaagad namang tumayo ang babae at naglingkod sa
kanila.(Lucas 4:39)
Ang katotohanan na si Jesus ay
nakatayo sa tabi niya, ay nagpapakita kung anong kapangyarihan meron
Siya. Walang ibang mas higit pa kesa kay Jesus. Kahit anong problema,
kalagayan, kagipitan, at mga sakit na mararanasan nating mga tao, si
Jesus ay may kakayahan na ibangon tayong muli. Mga ulo ng kaaway ay
babasagin ng Diyos, kapag sila ay nagpilit sa kanilang gawang buktot.
(Mga Awit 68:21)
Huwag kang panghinaan ng loob kung ikaw ay makaranas ng mga kahirapan.
Hayaan mong malaman ng isang taong
malapit sa Panginoong Jesus kung ano ang nagpapahina sa iyo. Sapagkat
kung ang mga alagad ng Diyos ay pumaroon sa Kanya, ang taong mahina
para asahan, ay makakapansin na si Jesus ay nasa pamamahay niya!