![]() |
|||||||||||
|
Ang aking pagpapala ay sapat na sa iyo
At siya'y nagsabi sa akin: Ang Aking pagpapala ay sapat na sa iyo: lalong nahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina. Kaya't buong galak kong ipagmamalaki ang aking kahinaan upang lalo kong madama ang kapangyarihan ni Cristo. (2 Mga taga-Corinto 12:9) Kung may isang bagay na kailangan ng isang mananampalataya , iyon ay ang pagpapala ng Diyos. Dahil sa pagpapala kung kaya't ang mga tao ay naligtas at napangalagaan. Ang pagpapala samakatuwid ay sumasaklob sa lahat ng bahagi ng ating paglalakbay dito sa mundo. Kung ating mabasa ang salita kung saan nagbigay si Jesus kay Pablo at ang kanyang pagpapala ay sapat, datapwat ang isang mahalay na tao ay dumagdag ng maliit na salita. Ang salitang ito ay ngunit. Oo, naiintindihan natin na ang pagpapala ay sapat, ngunit kailangan din natin ang mga ito o ang mga iyon. Iyan ay mali! Ang pagpapala ng Diyos ay sapat sa lahat ng bahagi sa ating buhay. Bago natin maintindihan na ang pagpapala ay sapat, kailangan nating maranasan at mabuhay dito. Sa unang sulat ni Pablo, makikita natin na may dalawang bagay, na siyang makapaghatid sa atin upang mahanap ang pagpapala. Sapagkat kapuri-puri ang nagtitiis ng parusa kahit walang kasalanan, bilang pagsang-ayon sa kalooban ng Diyos...Ngunit kung magtiis kayo ng hirap sa kabila ng paggawa ninyo ng mabuti. Pagpapalain kayo ng Diyos. (1 Pedro 2:19-20b) Kapag tayo ay nagtiis sa hinagpis dahil sa kawalan ng katarungan na ginawa sa atin, kung gayon ikaw ay makakahanap ng pagpapala sa Diyos! Kapag tayo ay trinato ng hindi makatarungan, nais natin na ipahayag ang ating karapatan at gumanti. Ngunit manapay mas mainam pa na magdusa tayo sa kawalan ng katarungan at magtiis sa hinagppis kesa maghiganti. Tayo din ay naka-ukol na magtiis kung uunahin natin ang paggawa ng mabuti. Dahil kung gagawin natin ito, makakahanap tayo ng pagpapala sa Diyos. Ang bahagi ng Diyos sa atin ay ang kapayapaan at kagalakan. Kapag pinili natin na magtiis sa hinagpis at pagdurusa, ipinaubaya na natin lahat ng ating mga laban kay Jesus. Ipakikipaglaban kayo ng Panginoon; pumanatag lamang kayo. (Exodo 14:14) Noong si Jesus ay nandito pa sa mundo mababasa natin ang mga sumusunod tungkol sa kung paano Niya pinakitunguhan yaong mga taong nagtrato sa kanya ng hindi makatarungan. Nang siya'y insultuhin, hindi siya gumanti. Nang Siya'y pahirapan, hindi Siya nagbanta; sa halip ipinaubaya niya ang lahat sa Diyos na makatarungan kung humatol. (1 Pedro 2:23) Si Jesus na siyang pinakadakila nating halimbawa, ay naunawaan kung gaano ka halaga ang hindi paghiganti, sa halip ipinaubaya sa Diyos ang lahat ,na makatarungan kung humatol. Kapag sinunod natin ang kanyang halimbawa, mahahanap natin ang pagpapala sa Diyos. At pagkatapos makakamtan natin ito ng mabuti, at tayo ay malaya na sa mga hindi mabuting pag-iisip patungo sa mga taong nakapinsala sa atin. Kapag walang pagpapala, tayo ay makikipaglaban sa ating sariling kakayahan. Kapag walang pagpapala, tayo ay magkakaroon ng digmaan at paghihiganti. Kapag walang pagpapala, wala sa atin ang panig ng Diyos...Ang Diyos ay laban sa mga mapagmataas ngunit nalulugod sa mga mapagkumbaba. Magpakumbaba kayo sa harap ng Panginoon at itataas Niya kayo. (Santiago 4:6b, 10) Oo, tayo ay magpakumbaba sa ating mga sarili sa harap ng Panginoon. Sa pamamagitan nito ating ipinapahintulot na Siya'y manahan sa ating kaisipan at konsensiya upang iparaya sa Kanya ang ating hinagpis at pagdurusa. Kaya't huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at pagpapala sa panahon ng ating pangangailangan. (Mga Hebreo 4:16) Sapagkat ang dati nating likas na katangian na gustong maghiganti at at sagutin ang pag-aakusa, ito ay isang pagkatalo. Ngunit ang katotohanan ay siyang ating tagumpay. At sino ang gagawa sa inyo ng masama kung wala kayong hinahangad kundi pawang kabutihan? (1 Pedro 3:13) Ang ating tagumpay ay makakamtan sa pamamagitan ni Jesus na siyang nakikipaglaban sa ating mga labanan at Siya ng bahala sa mga taong nakagawa sa atin ng mga kamalian. Sinabi ni Jesus: Ang Aking pagpapala ay sapat na sa iyo! Ang tanong para sa'yo ay: Hinahayaan mo ba na ang pagpapala ay maging sapat na sa iyo?
|
||||||||||
Webmaster: Dan Hoset | Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway |