Mga pangangaral

Tingnan ang kabuuan


Unang pahina

Makakaasa ba ang Diyos sa iyo?


At narinig ko ang tinig ng Diyos na nagsasabi, "Sino ang aking ipadadala? Sino ang magpapahayag para sa atin?" Sumagot ako, "Narito po ako; ako ang inyong isugo!" (Isaias 6:8)

Ang okasyon dito sa Banal na Kasulatan ay nagsasaad na si Propeta Isaias, sa isang pangitain ay nakita ang Panginoon na nakaupo sa Kanyang trono. Sa palibot ng trono ng Panginoon ay napapalibutan ng mga seraping nagsisisgawan ng: "Banal, banal, banal si Diyos na Makapangyarihan sa lahat! Ang buong daigdig ay puspos ng kanyang kaluwalhatian." (Isaias 6:3)

Ang pangitain na nakita ni Isaias ay ay sadyang napakamakapangyarihan na akala niya siya ay maglalaho na. Nang magkagayo'y sinabi ko, Sa aba ko! sapagka't ako'y napahamak; sapagka't ako'y lalaking may maruming mga labi, at ako'y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi: sapagka't nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon na Makapangyarihan sa lahat! (Isaias 6:5)

Habang pinagpapatuloy natin ang ating pagbabasa sa salaysay na ito, makikita natin na si Isaias ay nalinis na sa kanyang mga kasalanan (may maruming labi). Pagkatapos itong nangyari ay saka niya narinig ang mga salitang mababasa natin sa pinakaunahan "...Sino ang aking ipadadala? Sino ang magpapahayag para sa atin?"

Ipagpalagay natin na nandoon ngayon si Propeta Isaias sa sitwasyong iyon, at ang tinig na kanyang narinig ay galing sa mga labi ng Panginoon.

Nakikita ni Isaias ang gitna ng kalawakan at ang mga nilikha dito pati na rin ang trono ng Diyos.

Mula sa tronong ito ay namamahala ang Makapangyarihang Diyos sa ibabaw ng kanyang mga nilikha. Isang banal na Diyos na ang mga serapin ay nakatayo palibot sa Kanya nakatakip ang mukha na nagsisigaw ng "Banal, banal, banal si Diyos na Makapangyarihan sa lahat!

Sa presensiya ng Panginoon nakita ni Isaias ang kanyang mga kasalanan at kanyang napagtanto na siya ay naliligaw ng landas. Ang sangkatauhan ng Diyos ay tinawag upang maging banal na mga tao. Dahil ang Diyos na pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa, sapagkat nasusulat, "Magpakabanal kayo, sapagkat ako'y banal." Walang itinatangi ang Diyos. Pinapahalagahan niya ang bawat isa ayon sa mga ginawa nito. At dahil tinatawag ninyo siyang Ama, mamuhay kayo bilang isang mga dayuhan dito sa lupa na may takot at paggalang sa Kanya. (1 Pedro 1:15-17)

Ito ay kapag tayo ay malinis na sa lahat ng ating mga pagkakasala at katampalasan saka pa lang tayo makakapunta sa harap ng trono ng Diyos na may tiwala. Ang tiwalang ito ay natanggap ni Isaias pagkatapos niyang maging malinis.

At may tiwalang sinabi niya: "...Narito po ako; ako ang inyong isugo!"

Ang salita ng Diyos: "Sino ang aking ipadadala? Sino ang magpapahayag para sa atin?" ito ay may katuturan ngayon tulad sa panahon ni Isaias. Ang Diyos ay nakaasa sa tao upang ang kapwa tao ay maabot!

Ang Diyos ay napakainteresado sa mga tao na nakahanda para sa Kanya kung kaya't hinahanap Niya sila. Humanap ako ng isang taong makakapaglagay ng pader upang ipagsanggalang ang lunsod sa araw na ibuhos ko ang aking poot, ngunit wala akong makita.(Ezekiel 22:30)

Tayong mga tao ay maraming katuwiran sa ating mga sarili, kesyo wala sa atin ang angkop na katangian, edukasyon, posisyon, o kaya naman ang larangang espiritual ay hindi sapat. Ngunit hindi alintana ng Diyos ang mga bagay na iyan, Siya ay naghahanap ng mga nakahanda at payag. Tayo ba ay payag sa kung ano man ang nais ng Diyos na ipagawa sa atin, kung gayon ay ihahanda at bibigyang-kapangyarihan Niya tayo para sa mga tungkulin na nilaan Niya para sa atin. Nagmamasid si Yahweh sa buong daigdig upang tumulong sa lahat ng tapat sa kanya. (2 Cronica 16:9)

Nang makita ni Isaias ang Panginoon sa trono Niya, pareho nilang alam ang mga kasalanan, karumihan at ang katampalasan ng tao. Ito ay dahil sa lubusang pagtalikod ng bansa sa Panginoon kung kaya't nangailangan ang Panginoon ng isang tao upang pumunta sa sangkatauhan. Ganito rin ang nangyayari sa ngayon.

Nakikita ng Panginoon ang pagkakasala, pagiging-imoral at pagtakwil sa pananampalataya dito sa Norway ganoon din sa ibang mga bansa. Ang tanong na kanyang itatanong ay katulad din ng narinig ni Isaias: "Sino ang aking ipadadala? Sino ang magpapahayag para sa atin?"

Makakaasa ba ang Diyos sa'yo?


 


Webmaster: Dan Hoset Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway