![]() |
|||||||||||
|
Ang panginoon ang aking pastol
Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang. (Mga Awit 23:1) Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa. (Juan 10:11) Kung pipiliin natin si Jesus bilang pastol sa ating buhay, pinipili natin ang mabuting pastol. Kung si Jesus ang pastol, nararapat lang na tayo ay maging kanyang tupa. Kung ating ihahambing ang tupa sa isang pastol, mapapansin agad natin na mas mataas ang pastol kesa sa tupa. Ibig sabihin hindi nakikita ng tupa ang layo ng nakikita ng isang pastol. Habang ang mabuting pastol na si Jesus ay nakikita lahat sa panghabang buhay na pananaw, makikita natin bilang kanyang mga tupa ang kada oras na pananaw. Samakatuwid, hindi natin lahat naiintindihan ang mga paraan kung saan niya tayo inaakay. Kung kaya't napakahalaga na ilagay natin ang ating buong tiwala sa Kanyang mga patnubay kahit na hindi natin nakikita kung ano ang nakikita Niya. Kapag ang tiwala natin ay nasa Kanya na, mararanasan natin na: pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan,at inaakay niya sa tahimik na batisan. (Mga Awit 23:2) Kung ating mararanasan ang katapatan ng pastol sa panahon ng ating mga kahirapan, malalaman natin na nasa Kanyang mga salita ang buhay na siyang nagbibigay tagumpay sa lahat. Sabi Apostol Pablo; Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.(Filipos 4:13) Kung nararamdaman natin ang mga pagsumpa at paratang, alam dapat natin na mas dakila ang nasa loob natin kesa ang nasa mundo. Kaya't naparito ang Anak ng Diyos upang wasakin ang mga gawa ng diyablo.(1 Juan 3:8b) Ang Kanyang tagumpay ay tagumpay ko at at tagumpay mo, ang tagumpay na nararanasan natin ngayon. Kahit na anong sumpa o pagparatang ng demonyo sa iyo, si Jesus ay may tagumpay na nakalaan sa iyo ''Ipinaghahanda mo ako ng salu-salo,na nakikita pa nitong mga kalaban ko;sa aking ulo langis ay ibinubuhos,sa aking saro, pagpapala'y lubus-lubos.'' (Mga Awit 23:5) Kapag ginawa na ng kaaway ang pinakamalakas na ataki, makakamtan natin ang tagumpay kapag pinili natin na ang salita ng pastol at gabay niya. Kapag pinili natin si Jesus bilang pastol hindi tayo makakaligtas sa mga pagsubok, datapwat siya na isang mabuting pastol ay dadalhin tayo sa tagumpay. Sa pagpili kay Jesus bilang pastol matatanggap natin ang katulad ng naranasan ni David. Kabutiha't pag-ibig mo sa aki'y di magkukulang,siyang makakasama ko habang ako'y nabubuhay;at magpakailanma'y sa bahay ng Panginoon mananahan.(Mga Awit 23:6)
|
||||||||||
Webmaster: Dan Hoset | Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway |