Mga pangangaral

Tingnan ang kabuuan


Unang pahina

Saan ka naroon?


Ang ahas ang pinakatuso sa lahat ng hayop na nilikha ng Panginoong Yahweh. Isang araw tinanong nito ang babae, "Tunay bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain ng anumang bungangkahoy sa halamanan?" (Genesis 3:1)

Nang nilikha ng Diyos ang lahat ,mayroong perpektong pagkakaisa sa kanyang mga nilikha.

Ang unang lalaking tao ay lumakad kasama ang Panginoon sa hardin, at ang tao ay hindi nagtanong ng kahit anong katanungan.

Ang unang katanungan ay ipinapakita sa atin ang taktika ng demonyo. Sinusubukan niya tayong linlangin upang tayo mag-alinlangan sa Salita ng Diyos dahil alam niya na kapag siya ay nagtagumpay ay lilikha iyon ng hindi paniniwala. Kung tayo ay nasa lugar na hindi naniniwala, hindi iyon ikinalulugod ng Diyos, dahil kung walang pananampalataya ay imposibleng makapagpalugod sa Diyos.

Si Adan at si Eba ay nakinig sa demonyo, naniwala sa kasinungalingan at kinain ang pinagbabawal na prutas.


At nadilat kapuwa ang kanilang mga mata, at kanilang nakilalang sila'y mga hubad; at sila'y tumahi ng mga dahon ng puno ng igos, at kanilang ginawang panapi.(Genesis 3:7)


At sila'y kapuwa hubad, ang lalake at ang kaniyang asawa, at sila'y hindi nagkakahiyaan. (Genesis 2:25)

Dahil sa kanilang ginawa si Adan at si Eba ay nagdala ng kahihiyan sa sangkatauhan at andito na iyon simula pa noon. At sinubukan din nilang takpan ang kanilang kahihiyan sa paraan ng kanilang pagkilos: tinakpan nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga dahon ng igos.

Sila na naglakad kasama ang Panginoong Diyos sa kalinisan ay nagsimula ng magtago. Nang dapit-hapon na, narinig nilang naglalakad sa halamanan ang Panginoong Diyos, kaya't nagtago sila sa mga puno. (Genesis 3:8)

Ang buong araw ay nagtatago sila sa Panginoong Diyos, ngunit hindi sila makapagtago sa Kanya. Dahil darating Siya kung kailan Niya gusto, at ang Diyos ay dumating ng dapit -hapon na. Ito yung oras na ang araw ay papalubog na at lilipat na sa gabi. Akala nila ay hindi paparoon ang Diyos upang bumisita, ngunit Siya ay pumaroon.

Sa pagitan ng paningin ng Diyos at ng tao ay isang kahoy. Ang kahoy ay samakatuwid kumakatawan sa harang, para sa ating mga tao na may itinatago sa likuran. Ang harang na ito ang nakakapaghadlang sa atin upang makapunta sa presensiya ng Diyos, maaring ito'y ang kinatatayuan na meron ka, pamilya, mga kaibigan, maari ring ito'y mga kabiguan, kasalanan, kawalang-katarungan, kapaitan, kapalaluan, o kayabangan. Lahat na mga lumalabas na hadlang sa pagitan natin at sa Diyos!

Ang isa pang tanong na itinanong sa kasaysayan ng tao ay ng magtanong ang Diyos. Tinanong Niya si Adan: Saan ka naroroon? (Genesis 3:9)

Tinanong ng Diyos ang katanungang iyon hindi dahil hindi Niya alam kung nasaan sina Adan at Eba naroon. Siyang lumikha ng pakinig, hindi ba siya makakarinig? Siyang lumikha ng mata, hindi ba siya makakakita? (Mga Awit 94:9)

Ang Diyos ay nagtanong sa katanungang iyon upang malaman nila kung nasaan sila naroon.

Bigyang pansin din natin na ang Diyos ang pumanta sa tao, hindi nila hinanap ang Diyos. Ito ay laging parating ganito. Ang Diyos ang siyang gumagawa ng hakbang upang hanapin at panumbalikin at makipag-isa sa sangkatauhan. Walang nakakaunawa, walang naghahanap sa Diyos.Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama.Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa. (Mga taga-Roma 3:11-12)

Sa kasalukuyan nang hindi na makapagtago pa si Adan, siya ay tumugon na sa Panginoon Diyos; At sinabi niya, Narinig ko ang iyong tinig sa halamanan, at ako'y natakot, sapagka't ako'y hubad; kaya't ako'y nagtago. (Genesis 3:10)

Ang Panginoong Diyos ay sumagot sa pamamagitan ng pagtanong sa ikatlong katanungan sa sangkatauhan: Sinong nagsabi sa iyong ikaw ay hubad? (Genesis 3:11a)

Ang Espiritu Santo ang naghihikayat sa atin tungkol sa kasalanan. Ito ay nangyayari kapag narinig na ang Salita ng Diyos: Ang salita ng Diyos ay buhay at mabisa, mas matalas kaysa alinmang tabak na sa magkabila'y may talim. Ito'y tumatagos maging sa kaibuturan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at buto, at nakakaalam ng mga iniisip at binabalak ng tao.

Walang makakapagtago sa Diyos; ang lahat ay hayag at lantad sa kanyang paningin, at sa kanya tayo mananagot. (Mga Hebreo 4:12-13)

Sa harapan ng Diyos walang damit ang makakapagtakip kung ano ang ating mga itinatago, ang mga dahon ng igos sa palibot ng kanilang kahubdan samakatuwid ay di maitatago ang kahihiyan.

Alam ni Adan na kailangan niyang magnanagot sa Panginoong Diyos ukol sa kanyang hindi paging matapat.

Ngunit tinangka niya pa ring sisihin pareho, ang Diyos at si Eba: At sinabi ng lalake, Ang babaing ibinigay mong aking kasamahin, ay siyang nagbigay sa akin ng bunga ng punong kahoy at aking kinain.(Genesis 3:12)

Dahil si Adan at si Eba ay hindi naging matapat, ang pagkakaisa ay nawala. Ang sala, sakit at kamatayan ay dumating at ito ay nasa sangkatauhan na, mula pa noon.

Kung ang Panginoong Diyos ay humanap sa tao sa halamanan noon, ay hinahanap din Niya ang tao ngayon. Magagawa niya iyon dahil kay Jesus na kinuha ang iyo at ang aking kasalanan at ang kahihiyan nang mamatay Siya sa krus.

Ikaw, samakatuwid ay di na kinakailangan na magkaroon ng harang sa pagitan mo at sa Diyos. Alam ng Diyos kung nasaan ka naroon at kung ano ang nagpapahiwalay sa iyo mula sa Kanya.

Ang tanong na itinanong Niya kay Adan ay tinatanong Niya ngayon: "Saan ka naroon?"



 


Webmaster: Dan Hoset Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway