Mga pangangaral

Tiingnan ang kabuuan


Unang pahina

Mephibosheth


At tinanong ng hari: May nalalaman ka bang natitirang buhay sa sambahayan ni Saul upang aking mapakitaan ng kagandahang loob ng Diyos? At sinabi ni Siba sa hari, si Jonathan ay may isang anak pa na lumpo ang kanyang mga paa.

Saan siya naroon? Tanong muli ng hari. Nasa bahay ni Maqiur na anak ni Amiel, sa Lo-debar. Sagot ni Siba.

Nang magkagayo'y nagsugo ang haring si David, at ipinakuha siya sa bahay ni Maquir na anak ni Amiel sa Lo-debar.” (2.Samuel 9:3-5)

Si Mephibosheth ay anak ni Jonathan, ang apo ni Haring Saul. Ang kanyang ama at lolo ay namatay sa pakikipagdigma sa mga Palestina. Nang mabalitaan ito ng nagbabantay kay Mephibosheth ay isang aksidente ang naganap na nagkaroon ng matingding kinalabasan kay Mephibosheth.

Isa sa mga apo ni Saul ay si Mephibosheth na anak ni Jonathan. Limang taon siya noon nang mapatay sa Jezreel sina Saul at Jonathan. Nang dumating ang malagim na balita, dinampot siya ng kanyang tagapag-alaga upang itakas. Ngunit sa pagmamadali ay nabitiwan siya at iyon ang dahilan ng kanyang pagkalumpo.” (2.Samuel 4:4)

Si Mephibosheth ay hindi nagkaroon ng magandang buhay. Noong kabataan niya at umaasa lamang siya sa mga tulong at suporta, siya ay ipinagkanulo ng taong pinakamalapit sa kanya. Ang babaeng nag-alaga sa kanya ay binitiwan siya nang makarating ang balita sa kanya tungkol sa mga bumagsak sa digmaan. Siya ay nakatalaga upang maging kanyang tagapagtanggol at tagapag-alaga. Sa ilang saglit siya'y biglang nawala sa kanyang buhay at iniwan siya sa isang kalagayan.

Sa mga pagkakataon, hindi natin nalaman kung paano nakarating si Mephibosheth kay Maquir sa Lo-debar.

Ngayon, sa maraming taon na nakalipas si Mephibosheth ay nanirahan sa LO-debar at inalagaan ni Maquir.

Siya ay namuhay sa takot na siya'y matagpuan dahil isa siyang anak ng hari, samakatuwid tagapagmana ng trono.

Ang ibig sabihin ng Lo-debar ay walang kaparangan o walang pastulan. Si Mephibosheth ay nakatira sa lugar kung saan walang tumutubong halaman o prutas. Ang kanyang buhay ay tigang, umaasa lamang sa iba upang manatiling buhay. Isang araw si Mephibosheth ay nakakita ng papadilim na ulap. Dahil siya'y baldado, hindi siya makatakas papunta sa kung saan. At may mga dumating na galing sa Jerusalem, galing kay Haring David.

Sila ay dumating upang siya'y dalhin: Si Mephiboshet, na anak ni Jonathan, at apo ni Haring Saul. Nang maiharap siya kay David, siya'y nagpatirapa bilang pagbigay-galang. At sinabi ni David, Mephiboshet. At siya'y sumagot, Narito ang inyong lingkod.

Sinabi ni David, ''Huwag kang matakot''. Gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para sa iyo, alang-alang kay Jonathan. Ibabalik ko sa iyo lahat ng lupain ng iyong lolong si Saul at laging nakahanda ang aking hapag para sa iyo.

Nagpatirapang muli s Mephibosheth, at sinabi niya, '' Sino po ako para pag-ukulan ng pansin? Ako'y katulad ng isang asong patay! (2 Samuel 9:6-8)

Ang malupit na pangyayaring sinapit sa buhay ni Mephibosheth ay nagpababa ng pagpahalaga sa sarili niya. Tinawag niya ang kanyang sarili na asong patay. Nakukuha ng aso ang mga tira ng tao. Ang patay na aso sa ibang sabi ay isang walang silbing hayop na hindi tinatantiya at pinapahalagahan. Ngunit ang mababang tingin na ito ay magbabago dahil ang Hari ay magpapakita ng kanyang habag.

Si Mephibosheth ay isang dugong bughaw, at nagkaroon ng pagbagsak sa kanyang buhay. Ganoon din ang buong sangkatauhan. Tayo ay nilikha sa imahe ng Diyos at tayo'y kanyang mga kamag-anak at kaapu-apuhan. Sapagka't sa Kanya tayo ay nangabuhay at nagsikilos at mayroon tayong pagkatao: na gaya ng sinabi ng ilan sa inyong mga makata.

Tayo nga'y mga anak Niya. Sapagkat tayo'y mga anak ng Diyos... (Mga Gawa 17:28-29a)


Noon, si Adan ay bumagsak sa hardin ng Eden, kaya nagkaroon ng pagbagsak ang lahat ng sangkatauhan: Datapuwa't gayon din ang kaloob ng walang bayad ay hindi gaya ng pagsuway. Sapagka't kung sa pagsuway ng isa ay nangamatay ang marami, lubha pang sumagana sa marami ang biyaya ng Diyos, at ang kaloob dahil sa biyaya ng isang taong si Jesu-Cristo. (Mga taga-Roma 5:15)

Gaya kay Mephibosheth na nagkaroon ng pagbagsak sa kanyang buhay, lahat ng tao ay nagkaroon din ng pagbagsak.

Mula sa isang taong tinawag ang kangyang sarili na isang asong patay, ay nagkaroon ng malaking pagbabago para kay Mephibosheth. Noong dumating siya sa Jerusalem, siya ay lagi ng nakaupo sa mesa ng Hari at kumakain ng kaparehong pagkain ng hari. Doon siya ay umupo kasama ang anak ng hari at pati na rin ang pinuno ng mga alagad ng Hari. Ang kanyang lumpong mga paa ay walang sinuman ang nakakita dahil sila ay nakatago sa ilalim ng mesa. Nakamit niya din ang mga pag-aari ng kanyang lolo. Si Mephibosheth ay nanumbalik sa lahat ng anggulo sa kanyang buhay.

Gayon din ang sa ngayon. Dahil sa habag ng Hari ay nailabas ang kautusan sa Jerusalem. ( = ang Simbahan); Pahayag 3:12, 21:10) na dalhin ang mga taong nabubuhay sa tago at kinalimutan na sa tigang na lugar, na walang kahit na pansariling paglago, bunga o butil.

Ang pinakadakilang Hari; si Jesu-Cristo ay ipinatawag ka. Dadalhin ka Niya sa Kanyang simbahan, sa Jerusalem.

Tulad ni David na alam na ang tungkol kay Mephibosheth bago pa niya ito ipinatawag, ay ganoon din si Jesus, alam Niya na ang tungkol sa iyo. Alam din ni David na si Mephibosheth ay lumpo ang kanyang dalawang paa, ngunit hindi iyon naging hadlang upang ipakita ang kanyang habag.

Alam ni Jesus ang tungkol sa inyong pagbagsak. Kilala niya yung mga taong nagkanulo sa inyo at alam niya din na kayo ay mayroong tigang na Espirituwal na buhay malayo sa simbahan.

Tinatawag Niya kayo upang ipakita ang kanyang habag. Wag ninyong itago ang inyong mga sarili kay Jesus. Papanumbalikin niya kayo at pahihintulutang kumain sa mesa ng Hari magpakailanman. Ipinaghanda mo ako ng salu-salo, na nakikita pa nitong mga kalaban ko. Sa aking ulo langis ay ibinuhos, sa aking saro, pagpapala'y lubus-lubos. Kabutiha'y pag-ibig mo sa aki'y di magkukulang siyang makakasama ko habang ako'y nabubuhay at magpakailanma'y sa bahay ng Panginoon mananahan. (Mga Awit 23:5-6)




Webmaster: Dan Hoset Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway