![]() |
|||||||||||
|
Ano ang nakikita mo?
Tinanong ako ng Panginoon, "Jeremias, ano ang nakikita mo?" "Sanga po ng almendra," sagot ko. "Tama ka," ang sabi ni Yahweh, "sapagkat ako'y magbabantay. (Jeremias 1:11-12a) Kapag ang Panginoon ay nagtanong sa atin, hindi ibig sabihin niyan na hindi siya nakakakita, o kaya siya ay mangmang. Hindi ganun, ang Panginoon ay nagtatanong sa atin upang maimulat natin ang ating mga mata at magkaroon tayo ng pang-unawa. Nais Niyang makita natin kung ano ang nakikita Niya. Nagawa iyon ni Jeremias. Nakita niya kung ano ang tama. Datapwat, sa ating nakikita hindi parating ganoon para sa mga taong tinatawag ang kanilang sarili na alagad ng Diyos. Sa mga ebanghelyo ni Juan matatagpuan natin na may tatlong alagad na pareho ang nakita ngunit mayroon silang ganap na ibat-ibang konklusiyon. Una sa kanila ay si Maria Magdalena. Madilim-dilim pa nang unang araw ng sanlinggo, pumunta si Maria Magdalena sa libingan. Naratnan niyang naalis na ang batong nakatakip sa pinto ng libingan. Dahil dito, patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na mahal ni Jesus, at sinabi sa kanila, May kumuha sa Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan siya dinala! (20:1-2) Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad na siya ay mapapasakamay ng mga hentil, upang maghirap, mamatay at mabuhay muli. Si Maria Magdalena ay nakarinig na tungkol dito ngunit parang ang mga salita ni Jesus ay nawala sa kanyang isipan. Ano ang nakita ni Maria Magdalena? Nakita niya ang walang laman na libingan. Ang katawan ni Jesus ay wala doon dahil siya ay nabuhay muli mula sa pagkamatay. Ito ay hindi pinaniwalaan ni Maria Magdalena sa mga oras na iyon. At dahil hindi siya naniwala, siya ay nawala. At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral at walang katuturan ang inyong pananampalataya...At kung hindi muling binuhay si Cristo, kayo'y hindi pa nalilinis sa inyong mga kasalanan at walang katuturan ang inyong pananampalataya. (1. Mga taga-Corinto 15:14,17) Akala ni Maria Magdalena na ang libingan ni Jesus ay binisita ng mga magnanakaw at kinuha ang patay na katawan ni Jesus. Kahit na siya'y alagad ni Jesus, si Maria Magdalena ay mayroong makalumang paraan ng pag-iisip. Isang paraan ng pag-iisip na hindi naniniwala sa pagkabuhay muli mula sa pagkamatay. Si Maria Magdalena ay nasa Tradisyon parin.
Ang pangalawang alagad ay si Simon Pedro. Nang dumating si Simon Pedro, tuluy-tuloy itong pumasok sa libingan at nakita nito ang mga telang lino, at ang panyong ibinalot sa ulo ni Jesus. Ang panyo ay hindi kasama ng mga mamahaling tela, kundi hiwalay na nakatiklop sa isang tabi.(Juan 20:6-7) Ano ang nakita ni Pedro? Nakita niya ang walang laman na libingan. Ngunit may nakita pa siyang iba maliban doon. Nakita niya din ang mga telang lino at ang panyo na wala na sa dapat nilang kinalalagyan. At si Pedro ay nagbuo ng Palagay sa kanyang sarili kung bakit iyon naroon. Kung tayo ay walang karanasan sa mga katotohanang espirituwal, sinusubukan nating bigyan ng paliwanag ang ating pag-alinlangan at kawalan ng paniniwala sa pagbuo ng palagay katulad ng ginawa ni Pedro. Dahil hindi naniwala si Pedro na si Jesus ay nabuhay muli, siya din ay nasa mallubhang kalagayan. Pagkatapos, nagpakita si Jesus sa labing-isang alagad habang kumakain ang mga ito. Sila ay pinagalitan niya dahil sa kawalan nila ng pananampalataya sa kanya at dahil sa katigasan ng kanilang ulo, dahil ayaw nilang maniwala sa mga nakakita sa kanya pagkatapos na siya'y muling mabuhay. (Marcus 16:14) Ang ikatlong pumunta sa libingan ay si Juan. Nang magkagayo'y pumasok din naman nga ang isang alagad, na unang dumating sa libingan, at siya'y nakakita at sumampalataya. (Juan 20:8) Ano ang nakita ni Juan? Nakita niya pareho sa nakita nina Maria Magdalena at Simon Pedro. Nakita niya ang walang laman na libingan. Ngunit nakakita pa si Juan ng higit pa kaysa sa walang lamang libingan. Na may mga matang nananampalataya, nakita niya na si Jesus ay nabuhay muli. Ito ay isang Pahayag. Tatlo sa mga alagad ay nakakita ng parehong bagay ngunit ibat-iba ang kanilang naging pananaw. Ang una ay sa Tradisyon, ang pangalawa naman ay sa Palagay, at ang pangatlo ay sa isang Pahayag. Ang tanong ng Panginoon kay Jeremias ay may mataas na kaugnayan. Ano ang nakikita mo?
Ano ang dahilan bakit hindi tayo makakita? Habang ating pinag-aaralan ang salita ng Diyos, makikita natin na mayroong pitong bagay kung bakit hindi tayo makakita. Titingnan natin ang pitong bagay, dahil nais ng Diyos na makakita ang isang tao.
Banal na kasulatan: 1 Samuel 2: 12,17,25,30; 3:1,2; 4:10,11,15,18. Ang unang bagay kung bakit ang sangkatauhan ng Diyos ay nagiging bulag sa pang-espirituwal ay ang paglapastangan sa Diyos. Ang punong pari: Ang dalawang anak ni Eli ay parehong lapastangan at walang takot kay Yahweh. (2:12) Kinuha nila ang handog sa Panginoon para sa kanilang mga sarili at: ang kasalanan ng mga binatang yaon ay totoong malaki sa harap ng Panginoon; sapagkat ito'y paglapastangan sa handog para sa Panginoon. (2:17) Narinig ni Eli ang usap-usapin tungkol sa mga kasamaan na ginagawa ng kanyang mga anak, at sinabihan niya ang kanyang mga anak na dinadaya nila ang mga tao sa kanilang mga ginagawa. Ngunit hindi siya pinakinggan ng kanyang mga anak sapagkat nais na silang parusahan ni Yahweh.(2:25b) Ang dapat na ginawa ni Eli para sa ganito kalubhang sitwasyon ay ang alisin sila sa paglilingkod at bigyan sila ng mabigat na parusa. Ngunit hindi niya ito ginawa. Hinayaan niya'ng magpatuloy sila sa kanilang paglilingkod. Hinayaan niyang magpatuloy sila sa pandaraya sa mga tao. Sa hindi paggawa sa ninanais ng Diyos, si Eli din ay dinaya ang Panginoon. Ipinangako ko noon na tanging ang sambahayan mo lamang ang makakalapit sa akin habang panahon. Ngunit hindi na ngayon. Pararangalan ko ang nagpaparangal sa akin, ngunit pababayaan ko ang nagtatakwil sa akin. (2:30) Ang tungkulin ng punong pari na si Eli ay ang pangalagaan ang sangkatauhan ng Diyos, ang Israel. Ito ay mangyayari sa pagbibigay nila ng salita ng Diyos at ang pag-akay patungo sa pagiging matuwid. Sa pamamahala ni Eli, si Samuel ay patuloy na naglingkod kay Yahweh. Nang panahong iyon, bihira nang magpahayag si Yahweh at bihira na rin ang mga pangitaing galing sa kanya. At nangyari nang panahon na yaon, nang si Eli ay mahiga sa kaniyang dako, ang kaniya ngang mata'y nagpasimulang lumabo, na siya'y hindi nakakita. (2:1-2) Dito makikita natin ang kinahihinatnan sa paglapastangan ni Eli, ito ay ang napunta siya sa espirituwal at pisikal na kadiliman. Si eli ay naging bulag. Si Eli nga'y may siyam na pu't walong taon na; at ang kaniyang mga mata'y malalabo na, siya'y di na makakita. (4:15) Sa kadiliman na umiiral ang kanilang kaaway ay dumating, ang mga Filisteo. Lumaban nga ang mga Filisteo at ang mga Israelita ay natalo na naman. Ang napatay sa kanila ay 30,000 at nagkanya-kanyang takas pauwi ang mga natira.Nakuha ng mga Filisteo ang Kaban ng Diyos, at kanilang pinatay ang dalawang anak ni Eli na sina Hofni at Finehas. (4:10-11) Nang marinig ni Eli na ang Kaban ng Diyos ay kinuha...siya'y nabuwal sa may pintuan. Nabali ang kanyang leeg sapagkat siya'y mabigat at matanda na. Namatay si Eli pagkatapos ng apatnapung taong pamamahala sa Israel. (4:18) Kung ano ang matututunan natin sa salaysay na ito ay ang paglapastangan sa Diyos ay nakakapaghantong sa isang tao upang hindi makakita. Ito din ay nagkakaroon ng malubhang kahihinatnan, pareho sa iyong sarili at sa mga taong nakatalagang mag-akay. Kung ang isang tao sa pamamagitan ng kanilang mga kilos ay nakakagawa ng masama, ito ay alinman sa kasapi sa pamilya, o kaya isang kawani na nakakapaghadlang sa atin upang magawa ang kilos alinsunod sa Diyos laban sa kanila. Isang halimbawa: Kapag may nakatangkilik na ang isang tao na nagbibigay ng malaki sa simbahan ay namumuhay sa kasalanan, natatakot silang pagsabihan ito na magsisi sa kasalanan dahil baka makaapekto ito na siya'y matigil sa pagbibigay. Ito ay pandadaya sa Panginoon!
Nang magkagayo'y sinabi ko, Kawawa ako ! sapagka't ako'y napahamak; sapagka't ako'y lalaking may maruming mga labi, at ako'y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi: sapagka't nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon na Makapangyarihan sa lahat!" At sinabi niya, "Humayo ka at sabihin mo sa mga tao: Makinig man kayo nang makinig ay hindi kayo makakaunawa;tumingin man kayo nang tumingin ay hindi kayo makakakita.' Papurulin mo ang kanilang kaisipan, kanilang pandinig iyo ring takpan,bulagin mo sila upang hindi makakita,upang sila'y hindi makarinig, hindi makakita, at hindi makaunawa.Kundi'y baka magbalik-loob sila at sila'y pagalingin ko pa." (Isaias 6:5, 9-10) Ang pangalawang dahilan kung bakit ang sangkatauhan ng Diyos ay bulag sa pang espirituwal ay ang maruming labi. Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo'y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig.At huwag na ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo ng Diyos, sapagkat siya ang tatak ng Diyos sa inyo, ang katibayan na kayo'y tutubusin pagdating ng takdang araw...Huwag din kayong gagamit ng anumang malaswa o walang kabuluhang pananalita at pagbibirong di nararapat. Sa halip, magpasalamat kayo sa Diyos. Huwag kayong padaya kaninuman sa pamamagitan ng mga pangangatuwirang walang kabuluhan, sapagkat dahil nga sa mga ito, ang Diyos ay napopoot sa mga suwail. (Mga taga-Efeso 4:29-30, 5:4,6) Sa panahon ni Isaias, ang maruming labi (manirang-puri sa kapwa, tsismis, malaswang usapan) ay napaka karaniwan sa Israel na kahit ang isang propeta ay isa sa kanila na hindi malinis magsalita. Kung kailan nakita ni Isaias ang Panginoon saka niya nakita ang kanyang pagkamarumi. Isang karumihan na nasabi niya sa kanyang sarili: Kawawa ako ! sapagka't ako'y napahamak; sapagka't ako'y lalaking may maruming mga labi.. Ang maruming labi sa Israel ay nagpapabatid na hindi sila nakakakita sa kanilang mga mata upang ang kanilang mga puso ay mapagaling. Ang pagkabulag ay darating kapag hinahayaan ng sangkatauhan ng Diyos na mailabas sa kanilang mga bibig ang masasamang salita, dahil ito'y nagbibigay hinagpis sa Espiritu Santo. Ang Espiritu Santo ang nagbibigay ng pahayag, liwanag, at gabay sa pamamagitan ng salita ng Diyos. Kapag ito ay bumitiw, ito ay nakakapaghantong sa espirituwal na pagkabulag at kadiliman. Huwag natin itong balewalain lamang pagka't ayon sa nakasulat: Huwag kayong padaya kaninuman sa pamamagitan ng mga pangangatuwirang walang kabuluhan, sapagkat dahil nga sa mga ito, ang Diyos ay napopoot sa mga suwail.
Ang salita rin ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, "Ezekiel, anak ng tao, nasa gitna ka ng isang mapaghimagsik na bayan. May mga mata sila ngunit hindi nakakakita; may mga tainga ngunit hindi naman nakakarinig sapagkat sila'y mapaghimagsik. (Ezekiel 12:1-2) Sapagka't ang panghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng pangkukulam , at ang katigasan ng ulo ay gaya ng pagsamba sa mga diosdiosan at sa mga terap. Sapagka't dahil sa iyong itinakuwil ang salita ng Panginoon, ay kaniya namang itinakuwil ka upang huwag ka nang maging hari. (1 Samuel 15:23) Ang pangatlong dahilan na nakakapaghantong sa atin sa espirituwal na pagkabulag ay ang paghihimagsik. Sa dalawang mga salaysay sa itaas makikita natin na ang paghihimagsik ay pagtakwil sa sallita ng Panginoon, at ito ay maihahalintulad sa kasalanan ng isang magkukulam. Ang Panginoon ay nagsabi kay Ezekiel na nakatira siya kasama ng mga mapanghimagsik na mga tao, na may mga mata ngunit hindi nakakakita. Ang mapanghimagsik ay nakakapagpabulag sa isang tao sa pang espirituwal.. Si Haring Saul ay nakatanggap ng salita mula sa Panginoon na kanyang gawin ito'' ...Paparusahan mo ang Amalek tulad ng ginawa niya sa Israel nang ito'y inilalabas ko sa Egipto. Lusubin mo ang Amalek at lipulin silang lahat. Wasakin mo ang lahat nilang ari-arian at huwag magtitira kahit isa. Patayin mo silang lahat, babae't lalaki, mula sa pinakamatanda hanggang sa sanggol. Patayin mo rin ang kanilang mga baka, tupa, kamelyo at asno." (1 Samuel 15:2-3) Si Saul ay sumugod upang gawin ang sinabi ng Panginoon. Pinatay niya ang lahat ng mga tao at walang itinira maliban kay Agag ang hari ng mga Amelik. Nilipol niya ang mga taong-bayan ngunit binihag nang buhay si Haring Agag. Hindi rin pinatay nina Saul ang magagandang baka, tupa at lahat ng matatabang hayop doon; ang pinatay lang nila ay lahat ng hindi na papakinabangan. (1 Samuel 15:8-9) Kalahati ay nagawa at kalahati ay hindi! Nang harapin ni Samuel si Saul at sinabihan bakit niya tinira sa Agag at ang mga matatabang hayop, si Saul ay nagdahilan sa kanyang sarili na ang mga hayop ay pwedeng maging handog sa Panginoon. (1 Samuel 15:21) Kapag tinakpan natin ang ating kilos ng kasakiman sa pamamagitan ng paghandog dito, dapat nating malaman na hindi nalulugod ang Panginoon sa ginagawa natin. Sa mga mata ng Makapangyarihang Diyos ito ay paghihimagsik, at ito ay nagpapahantong sa esperitual na pagkabulag! Dahil sa kilos na ginawa ni Saul, nawala sa kanya ang gantimpala. Sa Pahayag 3:11 sabi dito: Darating ako sa lalong madaling panahon. Kaya't ingatan mo ang mga tagubilin ko sa iyo upang hindi maagaw ninuman ang iyong gantimpala. Alam natin na nakikipag-usap sa atin ang Panginoon sa pamamagitan ng kanyang mga salita, isang paghihimagsik kung hindi natin gagawin ang Kanyang sinasabi. Sa ating mga nakita, ito ay nagpapahantong sa espirituwal na pagkabulag at kung hindi tayo magsisi sa ating kasalanan mawawala sa atin ang gantimpala sa buhay!
Bakit mo pinapansin ang puwing sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang trosong nasa iyong mata? Paano mong masasabi sa iyong kapatid, 'Halika't aalisin ko ang puwing mo,' gayong troso ang nasa mata mo? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang trosong nasa iyong mata at sa gayon, makakakita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid. (Mateo 7:3-5) Ang pang-apat na dahilan na nagpapabulag sa atin pang-espirituwal ay ang mapagkunwari. Walang kahit isang tao na hindi nakakagawa ng pagkakamali o kasalanan. Dahil lamang sa pagpapala ng Diyos kung kaya't tayo ay naligtas at napangalagaan. Kapag tayo ay nagkasala, makakalapit tayo sa Diyos, humingi ng kapatawaran at magpatuloy sa paglalakad kasama si Jesus. Ang katotohanang ito ay sapat na upang maging mapagkumbaba ang bawat isa at atupagin ang kanilang sariling buhay. Ito ay hindi nangyari sa taong nakakita sa puwing na nasa mata ng kanyang kapatid, gayong may troso sa kanyang sariling mga mata. Ang pagturo sa puwing sa mga mata ng kanyang kapatid ay isang paglalahad ng mga kamalian at kasalanan na nagawa ng kanyang kapatid! Alam natin na kapag ang isang tao ay may troso sa kanyang mga mata ay imposibleng ito'y makakita. Sinabi ni Jesus kung anong klaseng tao ang gumagawa nito, isang mapagkunwari. At sa trosong mayroon sa kanyang mga mata, masasabi natin na ang mapagkunwari ay humahantong sa espirituwal na pagkabulag. Si Jesus ay pumunta dito sa mundo upang magligtas sa mga nawawala. Dumating Siya upang magpanumbalik. (= magpagaling) ang mga lugmok na sangkatauhan pabalik sa Diyos. Kapag hinayaan natin na ang parehong pag-iisip ni Cristo ay nasa atin, hindi natin ilalahad ang mga kasalanan at kamalian na ginawa ng ating kapatid, bagkus hahanapin natin siya upang pabalikin at manumbalik sa Diyos. Ito ang tinatawag na ministeryo ng muling pagkakasundo. (2 Mga taga-Corinto 5:19) Ang ating kapatid ay hindi kinakailangang makita ang puwing sa kanyang mga mata dahil ito ay nakikita mula sa labas. Kapag dahan-dahan natin itong tinanggal sa kanyang mga mata, makakakita na siya ng maayos, at napanumbalik na natin ang ating kapatid. Samantala kung ang ating ''paglilingkod'', ay ang ituro at ilantad lang ang puwing sa mata ng ating kapatid sa gayong pagkakataon, gayong mayroon din namang troso sa ating sariling mga mata, ibig sabihin mayroon tayong esprituwal na pagkabulag. At kung sinuman ang merun nito ay hindi alam kung ano ang kanyang nakikita
Hindi sila sumasampalataya sapagkat ang kanilang isip ay binulag ng diyos ng kasamaan sa daigdig na ito, upang hindi nila makita ang liwanag ng Magandang Balita tungkol sa kaluwalhatian ni Cristo na siyang larawan ng Diyos. (2 Mga taga-Corinto 4:4) Ang panglimang dahilan na nagpapabulag sa pangespirituwal ay ang kawalan ng pananampalataya. Kung hindi tayo sumasampalataya sa Diyos, hindi natin siya mabibigyang kaluguran, sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos na nagbibigay ng gantimpala sa mga nananalig sa kanya. (Mga Hebreo 11:6) Ang mga unang nakarinig ng Magandang Balita ay hindi nakapasok at nakapagpahinga dahil hindi sila sumampalataya. Ngunit may mga inaanyayahan pa ring magpahinga sa piling ng Diyos.(Mga Hebreo 4:6) Kapag narinig natin na ang Salita ng Diyos ay ipinangaral, inaasahan na ang pagtugon mula sa atin. Ang dahilan nito ay may sinabi sa Isaias tungkol sa salita ng Diyos:…Gayundin naman ang mga salita na lumalabas sa aking bibig,ang mga ito'y hindi babalik sa akin na walang katuturan.Tutuparin nito ang aking mga balak, at gagawin nito ang aking ninanais. (Isaias 55:11 Kapag tayo ay hindi masunurin sa salita ng Diyos na ating narinig, kung gayon hindi natin nakukuha ang kapahingahan na nilaan ng Diyos para sa atin. Ang kawalan ng pananampalataya ay isa din sa humahadlang sa atin upang makita ang liwanag sa banal na kasulatan ni Cristo. Ang Diyos ay di nalulugod sa mga hindi sumasampalataya, at kung sinuman ang meron nito ay huwag ng umasang makakatanggap ng kahit na ano mula sa Diyos. Kapag walang pagsisisi, ang kawalan ng pananampalataya ay napakalaking hadlang upang makuha ng isang tao ang panghuling kapahingahan; Ang Langit.
Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito. (Mga Hebreo 12:14) Alam na ninyong walang bahagi sa kaharian ni Cristo at ng Diyos ang taong nakikiapid, mahalay, o sakim sapagkat ang kasakiman ay isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan.(Mga taga-Efeso 5:5) Ang ikaanim na nagpapahantong sa espirituwal na pagkabulag ay ang karumihan. Ang Diyos ay banal at sabi Niya na dapat din tayong magpakabanal: Dahil ang Diyos na pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa, sapagkat nasusulat, "Magpakabanal kayo, sapagkat ako'y banal.” (1. Pedro 1:15-16). Kapag ang sangkatauhan ng Diyos ay namumuhay sa pagiging imoral at iba pang karumihan; ito ay nagpapahantong sa isang tao na hindi makita ang Diyos. Ang pagiging imoral at ang maruming pamumuhay ay nakakapagdulot ng pagkabulag sa pangespirituwal at humahantong sa kadiliman.
Sinasabi mo, 'Ako'y mayaman, sagana sa lahat ng bagay at wala nang kailangan pa,' ngunit hindi mo nalalamang ikaw ay kawawa, kahabag-habag, mahirap, bulag at hubad. Kaya nga, ipinapayo kong bumili ka sa akin ng purong ginto upang ikaw ay maging tunay na mayaman. Bumili ka rin sa akin ng puting damit upang matakpan ang nakakahiya mong kahubaran, at ng gamot na ipapahid sa iyong mata upang ikaw ay makakita. (Pahayag 3:17-18) Ang ikapitong dahilan na nagpapabulag sa pangespirituwal ng isang tao ay ang pagmamataas o pagmamayabang. Ang sanhi dito ay ..."Ang Diyos ay laban sa mga mapagmataas ngunit nalulugod sa mga mapagpakumbaba." (Santiago 4:6b) Ang mga bersikulo na ating sinimulan ay nakasulat para sa Laodicea, ang panghuling simbahan. Ang ibig sabihin ng Laodicea ay ang pamahalaan sa pamamagitan ng sangkatauhan, at iyon ang naglalarawan nito. Ang simbahang ito ay may pagsamba na kung saan nangangaral at kumakanta sila tungkol sa kanilang panginoon, bagama't ang Panginoon ng simbahan ay wala sa kanila. Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako sa kanyang tahanan at kakain kaming magkasalo.(Pahayag 3:20) Ang pangpito na nakakapagpabulag ng pang-espituwal sa isang tao ay ang pagmamataas o pagmamayabang. Ang Laodicea ay nagmayabang sa kanilang kasaganahan at kayamanan, ngunit ang katotohanan sila ay kawawa, kahabag- habag at mahirap. Sa pagmamataas na kanilang ginawa, hindi lamang nila ipinantay ang kanilang salita sa mga salita ng Diyos, kundi ginawa pa nilang walang halaga ang mga Salita ng Diyos. Ang pamahalaan ang siyang namuno, hindi si Jesus at ang Salita Niya. Sa kanilang pagiging bulag, ipinagpatuloy nila ang ''paglilingkod sa diyos '' ng hindi man lang napapansin na wala ang Kanyang presensiya sa kanilang mga sarili. Ang Laodicea ay ang panghuling simbahan na itatayo dito sa mundo. Ang isa sa mga palatandaan na makikita sa pagbabalik ni Jesus ay nakapaloob sa ministeryo ng propeta na kumakatok sa mga pintuan sa sinuman na nakapaloob sa tuntuning ito., ito ay makakapagbukas sa kanilang mga mata. Sinuman ang pumunta kay Jesus ay mabubuksan ang kanilang mga mata sa pamamagitan ng pamahid ng Panginoon para sa mga mata. Yung mga taong hindi pupunta sa kanya ay mahihiwalay habang buhay mula kay Jesus. Ngunit dahil sa ikaw ay maligamgam, hindi mainit ni malamig, isusuka kita! (Pahayag 3:16)
Anong mangyayari sa mga taong nakakakita? Bago sagutin ang katanungang ito, bumalik muna tayo sa banal na kasulatan na sinimulan natin, at basahin ang karugtong na sinabi ng Panginoon kay Jeremias: Tinanong ako ni Yahweh, "Jeremias, ano ang nakikita mo?" "Sanga po ng almendra," sagot ko. "Tama ka," ang sabi ni Yahweh, "sapagkat ako'y magbabantay upang matiyak na matutupad nga ang aking mga sinasabi." (Jeremias 1:11-12 Ang Diyos ay nagbabantay sa Kanyang Salita at ito ay Kanyang tutuparin sa mga taong tama ang nakikita. May dalawang bagay na nangyayari sa mga taong nakakakita:
At ngayong naalis na ang talukbong, nagniningning sa ating mga mukha ang kaluwalhatian ng Panginoon. At ang kaluwalhatiang iyan na nagmumula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang siyang magbabago sa atin mula sa isang antas ng kaluwalhatian hanggang tayo'y maging kalarawan niya. (2 Mga taga-Corinto 3:18) )
Pagkatapos kong masaksihan ang mga bagay na ito, nakita ko sa langit ang isang bukas na pinto. At muli kong narinig ang tinig na parang tunog ng isang trumpeta, na ang sabi sa akin, "Umakyat ka rito, at ipapakita ko sa iyo kung ano pang mga mangyayari pagkatapos nito." (Pahayag 4:1) Si Jesus ay namatay para sa atin upang tayo ay maaring maging anak ng Diyos. Ibig sabihin ang Diyos ay mayroong higit sa karaniwang buhay para sa atin, isang buhay na mamumuhay tayo sa pananampalataya. Kung tayo ay mamumuhay sa buhay na kaloob ang Diyos para sa atin, dapat magawa nating makita sa ating mga matang may pananampalataya kung ano ang nakita ni Juan. Si Maria magdalena at si Pedro ay mga alagad sin, ngunit namuhay sila ayon sa tradisyon at palagay. Ngunit hindi iyon nakakapagpalugod sa Diyos. Nais Niya tayong makakita! Upang ipagkaloob sa inyo ng Dios ng ating Panginoong Jesucristo, ng Ama ng kaluwalhatian, ang espiritu ng karunungan at ng pahayag sa pagkakilala sa kaniya; Yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso, upang maalaman ninyo kung ano ang pagasa sa kaniyang pagtawag, kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng kaniyang pamana sa mga banal, At kung ano ang dakilang kalakhan ng kaniyang kapangyarihan sa ating nagsisisampalataya, ayon sa gawa ng kapangyarihan ng kaniyang lakas. (Mga taga-Efeso 1:17-19)
Ano ang nakikita mo?
|
||||||||||
Webmaster: Dan Hoset | Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway |