Mga pangangaral

Tingnan ang kabuuan


Unang pahina

Jairo


Si Jesus ay sumakay sa bangka at bumalik sa kabilang ibayo. Nasa baybayin pa lamang siya ng lawa ay dinumog na siya ng napakaraming tao.

Naroon ang isang tagapamahala ng sinagoga na ang pangalan ay Jairo. Pagkakita kay Jesus, siya'y lumuhod sa paanan nito.

At nagmamakaawa, ''Nag-aagaw buhay po ang anak kong dalagita. Maawa po kayo, sumama po kayo sa akin at ipatong ninyo sa kanya ang inyong kamay upang siya ay gumaling at mabuhay!''

Sumama naman si Jesus.

abang nagsasalita pa si Jesus, may ilang taong dumating mula sa bahay ni Jairo. ''Patay na po ang inyong anak, Bakit mo pa aabalahin ang Guro?'', sabi nila.

Ngunit nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya kay Jairo, ''Huwag kang matakot; manampalataya ka lamang''.

Walang isinama si Jesus noon maliban kina Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan.

Nang dumating sila sa bahay ni Jairo, nakita ni Jesus na nagkakagulo ang mga tao, may mga nag-iiyakan at nanaghoy.

Pagpasok Niya ay Kanyang sinabi, ''Bakit kayo nagkakagulo at nag-iiyakan? Hindi patay ang bata. Siya'y natutulog lamang.

Dahil sa sinabi Niya, pinagtawanan siya ng mga tao. Subalit pinalabas niya ang lahat maliban sa tatlong alagad at sa mga magulang ng bata, at pumasok sila sa kinaroroonan ng bata.

Hinawakan ni Jesus ang kamay ng bata at sinabi '' Talitha koum'' na ang ibig sabihin ay ''ineng, bumangon ka!''

Noon di'y bumangon ang bata at lumakad at labis na namangha ang lahat. Ang batang ito'y labindalwang taong gulang na.

Mahigpit na ipinagbilin ni Jesus na huwag nilang sasabihin kaninuman ang nangyari. Pagkatapos, iniutos Niyang bigyan ng pagkain ang bata. (Marcus 5:21-24, 35-43)

Si Jairo ay isang tagapamahala sa sinagoga, isang taong itinuturing na mabuti sa kanilang komunidad kung saan siya nakatira. Sa kanya pumupunta ang mga magulang dala ang kanilang malilit na anak upang kanyang pagpalain. Sa kanya pumupunta ang mga taong may mga kahirapan o nangangailangan ng pagpatnubay.

Siya ay isang tao na alam ang Tora, at nagtuturo sa mga tao kung ano ang nakasulat sa alituntunin ng mga propeta. Si Jairo ay naglilingkod sa Diyos ng Israel.

Ngunit isang araw, isang karamdaman ang dumapo sa maliit na pamilya ni Jairo. Ang kanyang nag-iisang anak na babae ay may sakit. Kapag ang isang bata ay nagkasakit, kadalasan ay inaasahan ng mga magulang na ito ay lilipas lamang sa tulong ng pag-aalaga at pagbibigay oras. Ito ay kadalasang nangyayari ngunit hindi sa babaeng anak ni Jairo. Ang kanyang kalagayan ay hindi bumuti, siya ay mas lalo pang lumala sa kanyang sakit sa kalaunan.

Sa ganitong sitwasyon mas madali lang para kay Jairo ang mag-isip kung bakit ito nangyayari sa kanyang buhay. - May kasalanan ba siyang nagawa? - hindi ba sapat ang kanyang pananampalataya?

Sa halip na mamalagi lang siya sa loob at mag-alaga sa kanyang maysakit na anak, lumabas si Jairo at balisang naglakad sa palibot. Pagkatapos nakakita siya ng madla. Sa madla nakita niya si Jesus: Pagkakita kay Jesus, siya'y lumuhod sa paanan nito at nagmamakaawa,''Nag-aagaw buhay po ang anak kong dalagita. Maawa po kayo, sumama kayo sa akin at ipatong ninyo sa kanya ang Inyong kamay upang siya ay gumaling ay mabuhay"

Ang mga taong nakapalibot kay Jesus ay mga kababayan ni Jairo. Mga taong kanyang pinatnubayan at tinulungan sa iba't-ibang paraan. Ngayon siya naman ang nangangailangan ng tulong at wala siyang paki-alam kung ano ang iisipin nila. Siya ay lumuhod sa harapan ni Jesus at buong pusong nagmakaawa.

Sinabi niya: ''Nag-aagaw buhay po ang anak kong dalagita''. Kung ating mababasa kung ano ang nakasulat sa aklat ng Mateo tungkol dito, mababasa natin: ''Kamamatay po lamang ng aking anak na babae. Sumama po kayo sa akin at ipatong ninyo ang inyong kamay sa kanya, at siya'y mabubuhay.” (Mate 9:18)

Kapag ang ating mga kapwa ay nagtanong sa atin kung kumusta na ang kalagayan ng ating mga anak, babae man o lalaki, tayo ay nag-aatubiling ibahagi sa kanila ang katotohanan, lalo na kung ang ating kalagayan ay hindi masyadong mabuti. Ngunit sa harap ni Jesus, hindi tayo makapagkubli ng kahit ano, dahil alam Niya lahat.

Ang sinasabi ni Jairo ay: ''Ang aking dalagitang anak ay hindi lamang nag-aagaw buhay kundi siya'y kamamatay lamang. Ngunit sumama po kayo sa akin at ipatong ninyo ang inyong mga kamay sa kanya. Dahil kung ipapatong mo ang iyong mga kamay sa kanya, siya ay mabubuhay!"

Sumama naman si Jesus sa kanya

Anong saya ang naramdaman ni Jairo sa sitwasyong ito. Si Jesus ay pupunta sa kanyang bahay at bubuhayin ang patay sa kanyang pamilya. Nakita niya ng maglaho ang buhay ng kanyang anak sa buong magdamag. At ngayon magkakaroon na ng pagbabago.

Napakaganda ang makatanggap ng Salita galing sa Panginoon!

Habang-daan patungo sa bahay ni Jairo, si Jesus ay naantala dahil sa isang babaeng may karamdaman sa kanyang regla na humawak sa kanya. Si Jairo ay nagpatiuna na, at si Jesus ,dahil sa kanyang pagkaantala ay nauna ng dumating si Jairo sa kanyang bahay. Nang dumating na siya sa bahay: ''Patay na po ang inyong anak'', sabi nila. '' Bakit mo pa aabalahin ang Guro?''

Ang mga nakipag-usap kay Jairo ay ang mga taong unang nakaalam ng pahapyaw na impormasyon tungkol sa kalagayan sa kanyang pamamahay. At binigay nila ang impormasyong iyon kay Jairo. Nang marinig niya ang mga salitang ito, ang kawalan ng pag-asa at ang takot ay nanumbalik. Ngayon ay wala na talagang pag-asa, ngunit walang bago sa kung ano ang sinabi ng mga taong iyon. Alam ni Jairo na patay na ang kanyang anak, kaya niya inanyayahan si Jesus na pumunta sa kanyang bahay.

Sa pagkarinig at pagtanggap sa mga salita ng mga taong nasa bahay, si Jairo ay nakatanggap ng espiritu ng pagkatakot. Ngunit nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya kay Jairo, ''Huwag kang matakot; manampalataya ka lamang''.

Ang mga taong nasa loob at nakapalibot sa kanyang bahay ay tumawa nang sinabi ni Jesus na ang kanyang anak ay natutulog lamang. Sinabihan ni Jesus ang lahat ng tao na lumabas at ang kanyang alagad lamang at magulang ng bata ang maiiwan kasama Niya. Hinawakan Niya ang anak ni Jairo sa kamay at sinabi Niyang: ''Talitha koum'' na ang ibig sabihin ay ''Ineng, bumangon ka!'' Noon di'y bumangon ang bata.

Ang himala ay dumating sa bahay ni Jairo. Ang anak niyang babae na namatay ay nabuhay muli.

Si Jairo ay naglingkod sa Diyos ng Israel, ngunit hindi niya alam ang kapangyarihan at autoridad ni Jesus. Pagka't si Jesus ang muling pagkabuhay at ang buhay. At kapag pumunta siya sa isang pamilya, ang patay na mga anak ,babae man o lalaki at asawa ay magkakaroon ng bagong buhay!

Samakatuwid wala kayong dapat itago kay Jesus, datapwat ibuhos ninyo ang inyong buong puso sa Kanya, at anyayahan ninyo siya na sumama sa inyong mga tahanan. Kapag Siya ay naantala sa daan, huwag kayong mawalan ng pag-asa.

Huwag mong hayaang yung mga taong nakakaalam ng pahapyaw na impormasyon tungkol sa iyo at sa iyong tahanan ay makapagbigay sa iyo ng takot at kawalan ng pag-asa.

Kahit na ang iyong suliranin ay walang katapusan, ay ganoon din si Jesus katulad pa rin Siya kahapon at ngayon.. Ang sinuman na magtiwala sa kanya ay hinding-hindi malalagay sa kahihiyan. Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa'y pararangalan. (Mga Awit 91:15)



 


Webmaster: Dan Hoset Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway