![]() |
|||||||||||
|
Ang tamang patotooAng pananampalataya ay pagtitiwala na mangyayari ang ating mga inaasahan, at katiyakan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita. Sapagka't sa pamamagitan nito ang mga matanda ay sinaksihan. (Mga Hebreo 11:1-2) Kung iisipin natin ang pariralang ''ang tamang patotoo'', mababakas natin ito sa mga tao na mapagkakatiwalan. Ang isang taong parehong ang salita at gawa ay buo. Isang tao na nakakatingin ng deretso sa mata ng ibang tao na hindi kakitaan ng kahihiyan. Ang mga taong mayroong tamang patotoo, samakatuwid ay mga taong ating tinitingala. Sa Banal na Kasulatan mababasa natin na ang mga matatanda ay nakatanggap ng magandang patotoo dahil sa kanilang pananampalataya. Habang pinagpapatuloy natin ang ating pagbabasa sa aklat ng Hebreo 11 makikita natin na ang mga taong ito kaakibat ng kanilang pananampalataya ay nakatupad ng malaking gawain. Dahil sa pananampalataya nila sa Diyos, nagwagi sila laban sa mga kaharian, namuhay sila nang matuwid, at nagkamit ng mga ipinangako ng Diyos. Napaamo nila ang mga leon, napatay ang naglalagablab na apoy, at nakaligtas sila sa tiyak na kamatayan. Sila'y mahihina ngunit binigyan ng lakas upang maging magiting sa digmaan, kaya't natalo ang hukbo ng mga dayuhan. (Mga Hebreo 11:33-34) Dahil sa kanilang pananampalataya ay halos nararamdaman ng bawat isa, na para na silang pangalawang uri ng mga mananampalataya. Ngunit hindi natin dapat itong gawin dahil wala tayong kaparis na pananampalataya at naging bunga upang maging batayan katulad ng sa kanila. Dahil si Jesus, siya ang tunay na pasimulan at tagatapos ng pananampalataya. Siya ang nagbigay sa kanila ng pananampalataya upang maumpisahan nila ang kanilang mga gawain, at Siya din ang bumuo ng kanilang mga gawain. Sila ay nakatanggap ng tamang salita, dahil sa kanilang pananampalataya ay natupad nila kung ano ang inuutos sa kanila ng Panginoon. At dahil sa kanilang katapatan sa Panginoon sila ay mayroong ''isang tamang patotoo''. At sa huling bahagi ng kabanata labing isa sa Hebreo, mababasa natin ang ibang mga bayani sa pananampalataya. At dahil sa kanilang pananampalataya sa Diyos, nag-iwan sila ng isang kasaysayang hindi makakalimutan kailanman. Bagama't sila'y pinarangalan sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi nila natanggap ang ipinangako. (Mga Hebreo 11:39) Kinakailangan ng pananampalataya upang magampanan ng mahusay ang gawain at pakikipagsapalaran. Ngunit kinakailangan din na ito'y pananampalataya na makakapagtiis ng sakit, pagtanggi, pang-uuyam, at wala pa ring makitang kaganapan sa pangako. Nabibilang ka ba sa mga taong iyon na nagdusa para kay Jesus, kung gayon dapat mong iangat ang iyong ulo at malaman mo na si Jesus ay nagbigay ng magandang patotoo para sa iyong pananampalataya. Dapat mo ring malaman na kung ang lahat ay nasabi at nagawa na, ang Kanyang patotoo ang mahalaga. Huwag kang sumuko, datapwat sabihin mo kay Jesus na dapat Niyang buuin kung ano ang inumpisahan niya sa buhay mo. Kung ikaw ay mananatiling tapat sa iyong Panginoon, isang araw sasabihin Niya sa iyo..."Sinabi sa kanya ng Panginoon, 'Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Naging tapat ka sa kaunting bagay, kaya gagawin kitang tagapamahala sa maraming bagay' Halika, makihati ka sa Aking kagalakan.'' (Mateo 25:21) Iyon ay isang Tamang Patotoo!
|
||||||||||
Webmaster: Dan Hoset | Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway |