Mga pangangaral

Tignan ang kabuuan


Unang pahina

Isang matag na paninindigan


Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang may matatag na paninindigan at sa iyo'y nagtitiwala, magtiwala kayo sa Diyos magpakailanman sapagkat ang Diyos ang walang hanggang kublihan.” (Isaias 26:3-4)

Ang salita ng Diyos ay nagsasabi sa atin na ang sinumang may matatag na paninindigan, ay parating mayroong kapayapaan.

Ang kapayapaang ito ay darating lamang kung ipagkaloob natin sa Panginoon lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng pagdadasal, at manalig tayo sa Kanya na tutugunin Niya tayo ayon sa Kanyang Salita. Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong mga puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. (Mga taga-Filipos 4:6-7)

Upang mapanatili ang ating kapayapaan, kinakailangan magtiwala tayo salita ng Diyos, at huwag makinig sa mga nakakabalisang ideya na siyang gustong pangasiwaan ang ating isipan. Dahil ang mga nakakabalisang ideya ay hindi galing sa Panginoon. Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo sabi ng Panginoon,mga pag-iisip tungkol sa kapayapaan at hindi tungkol sa kasamaan, magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.(Jeremias 29:11)

Ating mababatid na ang isang tao na may matatag na paninindigan, ay taong nagdadasal sa Panginoon, binibigay ang buong tiwala sa Kanya at umaasam na siya ay makakatanggap ng tugon sa kanyang mga dasal ayon sa salita ng Diyos.

May mga taong humihiyaw sa Panginoon kung kailan sila ay nasa matinding pangangailangan, ngunit sa sandaling sila ay ligtas na sa kanilang mga pagsubok, nakakalimutan na nila ang ginawa ng Panginoon.

Hindi katulad nito ang isang taong may matatag na paninindigan. Dahil parati niyang inilalagay ang kanyang tiwala sa Panginoon. Ang pagkakaroon ng matatag na paninindigan ay samakatuwid; ipagkakaloob mo sa Diyos ang lahat ng mga pasya na iyong tatahakin.

Ang mga taong may matatag na paninindigan ay hindi makakaiwas sa mga pagsubok, ngunit hindi sila kailanman maglalakad mag-isa. Sa gitna ng unos may tiwala silang magkakaroon ng tagumpay. Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita; tumawid ka man sa mga ilog, hindi ka malulunod; dumaan ka man sa apoy hindi ka masusunog, hindi ka matutupok.” (Isaias 43;3)

Ibigay mo ang iyong buong pananampalataya sa Panginoon sa lahat ng panahon, sa anumang kalagayan. At iyong mararanasan na ang Diyos ang bato na hindi ka kailanman ilalagay sa kahihiyan.



 


Webmaster: Dan Hoset Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway