Mga pangangaral

Tingnan ang kabuuan


Unang pahina

Limang Bundok


Sa mga darating na mga araw ang bundok na kinatatayuan ng Templo ni Yaweh ang magiging pinakamataas sa lahat ng bundok, at mamumukod sa lahat ng burol, daragsa sa kanya ang lahat ng mga bansa. (Isaias 2:2)

Sa Bibliya ang mga bundok ay naglalarawan ng dalawang bagay: Ang unang nilalarawan ay ang mga problema at kahirapan na haharapin ng mga mananampalataya sa kanilang buhay. Isang halimbawa nito ay makikita natin sa Zacharias 4:7 Sino ka, Oh malaking bundok? Sa harap ni Zerubabel ay magiging kapatagan ka!...”

Tinalakay ni Jesus ang tungkol sa mga bundok na hadlang para sa mga mananampalataya: Sumagot si Jesus, Tandaan ninyo: kung kayo'y mananalig sa Diyos at hindi mag-alinlangan, magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos na ito. Hindi lamang iyan, kung sasabihin ninyo sa bundok na ito, umalis ka riyan at tumalon ka sa dagat, mangyayari ang iyong sinasabi. (Mato 21:21)

Ang pangalawang inilalarawan ng bundok ay ang kasalungat ng mga problema at kahirapan, na siyang mga liwanag sa isang mananampalataya habang siya'y nabubuhay.

Iyon ay sa isang bundok sa lupain ng Moria kung saan iaalay dapat ni Abraham si Isaac. Doon inilantad ng Panginoon ang kanyang sarili para kay Abraham at natanggap ni Abraham ang pinakadakilang pangako ng Diyos. (Genesis 22:1-18)

Sa bundok ng Sinai natanggap ni Moises ang Sampung Utos ng Diyos. (Exodo 19:20-25, 20:1-17)

Sa bundok ng Carmel sinagot ng Diyos si Elias sa pamamagitan ng apoy noong nakikipagtuos siya sa mga taong sumasamba sa idolo. (1. Mga Hari 18:17-40)

Samantala bundok ang pinakatanglaw sa Lumang Tipan, ang Espiritual na bundok ang pinakatanglaw naman sa mga mananampalataya sa Bagong Tipan.

Kung ating pag-aaralan ang buhay Niya na siyang pinaka mainam na halimbawa, Si Jesu-Cristo, mababatid natin na Siya ay nagpunta sa limang bundok habang nabubuhay siya dito sa lupa. Kung ano ang kumakatawan sa mga bundok na ito ay kailangan isa-puso natin, dahil ang mananampalataya na sumunod kay Jesus ay pupunta roon sa panahon ng kanyang buhay.

Matatagpuan natin ang limang iyon sa aklat ng Mateo.


Ang Unang Bundok.

Muli, dinala naman siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian sa daigdig at ang kapangyarihan ng mga ito.” (4:8)

Si Jesus ay gutom, dahil sa pag-aayuno ng apatnapung araw, ang diyablo ay dumating at siya'y tinukso kung ano ang kanyang makukuha sa mga bagay sa mundo, kung gagawin niya ano ang sasabihin ng diyablo.

Ang temptasyong ito ay ay itinalaga upang tayo ay subukin tungkol sa kung sino ang ating paglilingkuran. Sa bundok na ito pipili tayo kung ang Diyos o si satanas. Gagawin ni satanas ang lahat ng kanyang makakaya, upang ipakita ang mga ''pakinabang'' na makukuha ng tao sa pagsunod ng kanilang mga kagustuhan at sunsundin ang sinasabi ni satanas. Pumunta siya kay Jesus nung si Jesus ay gutom, at darating din siya sa ating buhay kung kailan may mga pangangailangan tayo na di natin kayang tustusan.

Pinili ni Jesus na sumuko sa Panginoon. Ikaw, sino ang pipiliin mo upang isuko ang iyong sarili?


Ang pangalawang bundok.

Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok. Pagkaupo niya lumapit ang kanyang mga alagad at sila'y tinuruan niya:” (5:1-2)

Ang sumunod na tanglaw na pupuntahan natin pagkatapos nating piliin ang sumuko sa Panginoon ay ang bundok kung saan tuturuan tayo ni Jesus.

Upang makuha ang katayuang ito, kailangan nating magkaroon ng pagsisikap na lumakad pataas patungo sa Kanya. Ang pag-akyat paitaas ng bundok ay hindi nakakalugod, ngunit ito'y kinakailangan upang makarating sa itaas ng bundok. Upang makaupo at malaan ang oras kasama si Jesus, at hayaan nating kausapin Niya tayo sa pamamagitan ng kanyang Salita. Habang si Jesus ay nandito sa daigdig, madalas nating mabasa na mayroong maraming tao na nakapalibot sa Kanya. Ngunit ang kanyang mga alagad lamang ang nagpursegi na umakyat upang makatagpo Siya. Pagkatapos nilang makatagpo Siya, umupo sila at si Jesus ay nag-umpisang magturo sa kanila at sinabi Niya

Ito ang mga pagpapakilala sa mga taong nanggaling na sa unang bundok. Pinili nilang maglaan ng oras at pumunta kung saan matatagpuan si Jesus. Doon makakarinig sila kay Jesus, at ang panahong ito ay magiging tanglaw sa kanilang buhay.


Ang pangatlong Bundok.

Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus si Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan, at sila'y umakyat sa mataas na bundok.

Habang sila'y naroroon nakita nilang nagbagong-anyo si Jesus, nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha at nagningning sa kaputian ang Kanyang damit.” (17:1-2)

Sa bundok na ito ang lugar na kung saan mababatid mo ang paglalantad ng mga panibagong aspeto kay Jesus. Ang mga umakyat sa bundok na ito ay nanggaling na sa una at pangalawang bundok. Naranasan na nila kung ano ang inilarawan ni David: Oh inyong tikman at tingnan na ang Panginoon ay mabuti, mapalad ang tao nananganganlong sa Kanya. (Mga Awit 34:8)

Ang pananabik ng higit pa kang Jesus, hindi ang mas marami pang turo, kundi ang matuto at ang makilala pa Siya ng lubos ay lakas na nag-uudyok sa mga taong nakarating sa pangatlong bundok. Alam ng mg alagad na ito kung gaano nakakapagod ang lumakad paakyat sa bundok. Alam nila na mag-uukol sila ng mataas na halaga upang makarating sa ganito kataas. At samakatuwid ating makikita na tatlong alagad lamang ang sumunod kay Jesus patungo sa mataas na bundok na ito. Ngunit ng dumating na sila doon, may nakita silang bagay na walang sinuman ang nakakita.

Si Jesus ay nagpalit-anyo sa harap nila at nakita nila ang Kanyang kaluwalhatian!

Kung ang ating nais ay makabatid ng mas higit pa kang Jesus, ilalantad ito ng Diyos sa atin, kung nakahanda tayong umakyat sa mataas na bundok kung saan makakapag-isa tayo kasama Niya.

Nasa atin na, kung gaano kalapit ang nais natin kay Jesus. Lumapit kayo sa Diyos at Siya'y lalapit sa inyo…” (Santiago 4:8a)


Ang pang-apat na bundok.

Dumating sila sa bundok ng Golgota na ang kahulugan ay ''pook ng bungo''. Binigyan nila si Jesus ng alak na hinaluan ng apdo, ngunit ng matikman niya iyon ay hindi niya ininom.” (27:33-34)

Ang Golgota ay isang bundok na ang hugis ay bungo.

Kung pupunta ka sa lugar na iyon, malalaman mo kung ano ang paraan upang makarating doon.

Si Jesus ay ipinako sa Krus at namatay sa bundok na ito. Alam Niya na kung ano ang naghihintay sa Kanya, ngunit pumunta pa rin Siya doon. Ito ang kabuohan o lubusang pagsuko sa nais ng Panginoon.

Si Pablo ay pumunta sa bundok na ito, sabi niya: Ako'y napako sa krus kasama ni Cristo. Hindi na ako nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako'y nabubuhay pa sa katawang lupa mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umiibig sa akin at naghandog ng kanyang buhay para sa akin. (Galacia 2:20)

Ang kasabikan kay Jesus sa pagkamit ng kaluwalhatian sa buhay ang lakas na naghahatid sa sinuman upang pumunta sa bundok na ito. Sabi ni Pablo: ''Sapagkat para sa kin, ang mabuhay ay si Cristo at ang mamatay ay pakinabang.” (Filipos 1:21)


Ang ikalimang bundok.

”Pumunta ang labing-isang alagad sa Galilea, sa bundok na sinabi sa kanila ni Jesus.” (28:16)

Sa ikalima at huling bundok, ang kanyang mga alagad ay kinatagpo ang nabuhay muli na si Jesu-Cristo. Pagkatapos matunghayan ang kanyang kariktan at kapangyarihan, natanggap ng kanyang mga alagad ang pinakamahalagang tungkulin na iniutos na humayo sa buong mundo at gawing alagad Niya ang mga tao. Siya na nag-atas sa kanila ang siya lamang makapagbigay sa kanila ng pinakamahalagang tungkulin na ito para sa kanila sapagkat Siya ang may kapangyarihan sa lahat sa langit at maging sa lupa.

Kahanga-hangang bundok yaon. Dito nakita nila si Jesus pagkatapos Niyang matamo ang kabuuhang tagumpay laban sa diyablo. Ang nagpapatuloy sa pagkakasala ay kampon ng diyablo, sapagka't sa simula pa'y gumagawa na ng kasalanan ang diyablo. Kaya't naparito ang Anak ng Diyos upang wasakin ang mga gawa ng diyablo. (1.Juan 3:8)

Noong ang mga alagad ay bumaba galing sa bundok na ito, pagkatapos, ito ay isang kaalaman na Siya na nasa kanila ay mas higit pa kesa sa sinuman dito sa mundo. Sa pagtalima nila, sila ay pupunta sa nawawalang mundo dala ang mensahe ni Jesu-Cristo. At ang Diyos ay kasama nila, at nagpatotoo sa mundo sa pamamagitan ng mga palatandaan at kababalaghan.

Ang limang bundok kung saan nakatayo si Jesus ngayon, naghihintay sa mga taong sumusunod sa yapak ni Jesus. At sa huli magagawa na nilang tumalikod at ibaling ang kanilang tanaw sa mga tanglaw sa kanilang buhay.



 


Webmaster: Dan Hoset Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway