Mga pangangaral

Tingnan ang kabuuan


Unang pahina

Si Jesus ang aming tiwala


Dahil sa ating pakikipag-isa at pananalig sa kanya, makakalapit tayo sa Diyos nang may pagtitiwala at panatag ang loob.” (Mga taga-Efeso 3:12)

Sa bersikulong ito, sinabi ni Pablo na ang ating tiwala ay na kay Jesus, at sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya, tiwala tayong mayroon tayong daan tungo sa kanya. Napakahusay nito! Ang ating pananampalataya kay Jesus, ibig sabihin ay ang Makapangyarihang Diyos ay mayroong tiwala sa atin na pwede tayong tumuloy sa Kanyang kaharian!

Ating titingnan ngayon kung ano ang pundasyon paano tayo magkakaroon ng ganoong tiwala at pananampalataya.

Kapag ang mga tao ay darating na sa puntong malapit ng matapos ang kanilang buhay, napakarami ang sumusulat ng huling habilin o testamento tungkol sa kung ano ang mga mangyayari sa kanilang mga ari-arian.

Kahit na ang laman ng testamento ay halos alam na ng mga tagapagmana nito, ngunit wala pa rin itong bisa hanggat ang nagsulat sa testamentong ito ay hindi pa patay. Ang Salita ng Diyos ay may sinabi tungkol sa isang testamento. Kapag may testamento, kailangang mapatunayang patay na ang gumawa niyon, sapagkat ang testamento ay walang bisa habang buhay pa ang gumagawa, magkakabisa lamang iyon kapag siya'y namatay na.(Mga Hebreo 9:16-17)

Sapagkat kinasanayan itong gawin ng mga tao, ginawa din ito ni Jesus: ”…Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao.At nang si Cristo'y maging tao.” (Mga taga-Filipos 2:7b)

Ang tanging dahilan kaya nagpunta si Jesus dito sa mundo ay upang sundin ang habilin ng kanyang Ama. Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin. Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban.” (Mga Hebreo 10:7)

Ang ibig sabihin ng salitang ito ay lahat ng ginagawa at sinabi ni Jesus ay upang maipahayag na iyon ay kaloob ng Diyos.

Sa panahong ito si Jesus ay dumating dala ang napakaraming pangako. At hindi lamang iyon. Lahat ng mga pangako sa Salita ng Diyos ay nasa Kanya. Sapagkat kay Cristo, ang lahat ng pangako ng Diyos ay palaging "Oo". Dahil sa kanya, nakakasagot tayo ng "Amen" para sa ikaluluwalhati ng Diyos. (2.Mga taga-Corinto 1:20)

Ngunit wala isa man sa mga pangakong ito ang magiging mabisa hanggat nabubuhay si Jesus. Si Jesus ay kailangang mamatay bago magbunga ang kaloob at upang ang mga pangako ay maging mabisa para sa mga tao.

Tayong mga tao ay tinatanggap ng may kaluguran ang mga pamana na nakuha natin galing sa ating pamilya o kamag-anak. Ang mga pamana ay isang bagay na ating tinatamasa o ikinasisiya habang tayo ay nabubuhay dito sa mundo. Hindi ito ang pamana na ibinigay ni Jesus para sa atin. Ang Kanyang pamana ay tinutugon ang lahat ng aspeto sa ating buhay dito sa mundo pati na rin sa panghabang buhay! Siya ay namatay upang tayo ay maging bahagi ng napakalaking pamana na ito: Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan. (Mga Hebreo 4:16)

Dahil ang dugo ni Jesus ay ipinadanak para sa ating mga kasalanan, tiwala ba tayong makakapunta sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga dasal.

Kung tayo ay matapang na humawak sa Diyos, na ang ating pagpunta sa kanya ay magiging ganap sa pamamagitan ng kalooban ni Jesus, sa gayon walang ibang magagawa ang Diyos kundi ang gawing ganap ang Kanyang mga pangako sa Ngalan ni Jesus. Kaya nga, mga kapatid, tayo'y malaya nang makakapasok sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa dugo ni Jesus. Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buhay na daang naglalagos hanggang sa kabila ng tabing, at ang tabing na ito'y ang kanyang katawan. (Mga Hebreo 10:19-20)

Si Jesus ay namatay sa simula para maging kabayaran sa ating mga kasalanan. Ngunit namatay din Siya upang ang lahat ng mga pangako ng Diyos na ibinigay na ilang mga siglo na ang nakakalipas, ay maging ganap para sa atin na nagtitiwala sa Kanya.

Huwag nga ninyong itakwil ang inyong pagtitiwala, sapagkat dakila ang naghihintay na gantimpala para sa inyo.” (Mga Hebreo 10:35)



 


Webmaster: Dan Hoset Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway