Mga pangangaral

Tingnan ang kabuuan


Unang pahina

Magkaroon ng pananampalataya sa Diyos


Kinaumagahan pagdaan nila'y nakita nilang natuyo ang puno ng igos hanggang sa mga ugat nito. Naalala ni Pedro ang nangyari dito kaya't kanyang sinabi kay Jesus'' Guro, tingnan ninyo! Patay na ang puno ng igos na isinumpa ninyo.'' Sumagot si Jesus,'' Magkaroon kayo ng pananampalataya sa Diyos''. Tandaan ninyo ito; kung kayo'y nananampalataya sa nananampalataya Diyos at hindi kayo nag-aalinlangan maari ninyong sabihin sa bundok na ito, umalis ka riyan at tumalon ka sa dagat, at ito nga ay mangyayari. Kaya't sinasabi ko sa inyo anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, maniwala kayong natanggap na ninyo, at matatanggap nga ninyo. (Marcus 11:20-24)

Sa panahon ng ating buhay, lahat ng tao ay makakaranas ng mga kahirapan at mga kalagayan na parang tulad ng isang hindi malalampasang kabundukan. Mga bundok na napakalaki na tayo'y nagiging paralisado at naguguluhan hinggil sa kung paano sila mapagtatagumpayan.

Kapag tayo ay lumalaban sa sakit, kawalan ng hanapbuhay, o kapag hindi natugunan ang pangangailangan sa buhay, kung gayon nasa kalagayan tayo na kung saan mayroon hindi malalagpasang kabundukan na nakapalibot sa atin. Mga bundok na humahadlang sa pag-unlad, mga bundok na sinasangga ang liwanag sa palibot natin, mga bundok na bumubukod sa atin at inilalagay tayo sa kalungkutan.


Ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos ay ang pagkaroon panampalataya sa Salita ng Diyos. Kapag mayroon ka ng pananampalataya sa Diyos, ikaw ay magsisimula ng mangusap ng naiiba. Magsisismula ka ng mangusap ayon sa sinasabi sa Salita ng Diyos, kahit na ang iyong damdamin at iyong pangangatuwiran ay iba ang sinasabi. Mas higit na makapangyarihan ang mga salita na ating binibigkas, kapangyarihan na maaring alinman sa buhay o maging sa kamatayan sa atin. Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay, makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal. (Mga Kawikaan18:21)

Sa pagsasabing: Hindi na ako gagaling... Hindi na ako makakahanap ng trabaho.... Parati nalang talaga akong naghihirap sa kabuhayan, ating mararanasan kung ano ang ating sinasabi. Ang kabaligtaran ay ang katotohanan. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng Salita ng Diyos, makikita natin kung ano ang nais ng Diyos para sa atin: Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko sa inyo; mga planong hindi ninyo ikasasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa. (Jeremias 29:11)

Isa pang Salita ang nagsasabi: Ang ulan at niebe na bumabagsak mula sa langit ay hindi nagbabalik, kundi dinidilig nito ang lupa, kaya lumalago ang mga halaman at namumunga at nagbibigay ng butil na panghahasik, at tinapay upang maging pagkain. Gayundin naman ang mga salita na lumalabas sa aking bibig, ang mga ito'y hindi babalik sa akin ng walang katuturan. Tutuparin nito ang aking mga balak, at gagawin nito ang aking ninanais.” (Isaias 55:10-11)

Kung nakikita natin na nais ng Diyos na magkaroon tayo ng kinabukasan at pag-asa, kung gayon sa pananampalataya, ating bigkasin kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos. Kapag sinabi natin ang salita, magkakaroon ng pag-unlad.

Marahil ngayon mayroon kang mga katuwiran na hindi ka Diyos. Hindi ka nga Diyos ngunit nang nagsalita ang Diyos at nalikha lahat ng nakikita natin, maari rin tayong magsalita. Sinasabi ng kasulatan, Nagsalita ako sapagkat ako'y sumasampalataya''. Sa ganoon ding diwa ng pananampalataya nagsalita kami dahil kami'y sumasampalataya. (2 Mga taga-Corinto 4:13)

Kanino magkaparis ang ating Espiritu ng pananampalataya? Kaparis sa Diyos. Dahil ibinigay ng Diyos sa atin ang kanyang Espiritu, ang Espiritu Santo. Sinuman ang ipinanganak muli, sa ibang sabi ay mayroong Espiritu katulad ng sa Diyos, at samakatuwid ang tapat ay nagsasalita ayon sa Salita ng Diyos at inaasahan na ang kalalabasan.

Samakatuwid lumikha ka ng positibong kapaligiran sa pamamagitan ng pananampalataya na nagkakaloob na sabihin mo ang mga salita ng Diyos. Kung sinuma'y nagsasalita, ipangaral mo ang salita ng Diyos…” (1. Pedro 4:11a)

Kung alam na natin kung ano ang ibig ipahiwatig ng Diyos tungkol sa ating mga kabundukan, sila ay maglalaho habang ating sinasabi ang salita ng may pananampalataya laban sa kanila. Hindi pa tiyak yaon na sila'y maglalaho agad-agad kung kaya huwag matakot kung makakaramdam ka ng sakit sa iyong katawan, kung hindi ka na naman natanggap sa inaplayan mong trabaho, o kaya'y may mga listahan ng bayarin kang natanggap. Hindi baga ang aking salita ay parang apoy? Sabi ng Panginoon. At parang pamukpok na dumudurog ng malaking bato. (Jeremias 23:29) Ang pagdurog ng malaking bato para maging maliliit na piraso sa pamamagitan ng pamukpok ay hindi nagagawa sa isang araw lamang. Ito ay napakaingat na trabaho kung saan may inaasahang kalalabasan na siyang ginagawa ng matiyaga.

Magkaroon ng pananampalataya sa Diyos at sa kanyang mga pangako!

Ang Diyos ay hindi tao upang siya'y magsinungaling. Siya ay nakatalagang kumilos ayon sa kanyang salita kung tayo'y maniwala.

Kung ikaw ay kikilos alinsunod sa salita ng Diyos, matutuklasan mo na ito'y lumilikha ng pag-asa sa iyo. Ang pag-asa na aalisin ng Diyos ang lahat ng mga bundok ng kahirapan at mga problema. Kung tayo ay nangungusap ayon sa Salita ng Diyos, ipagkakaloob ng Diyos ang kanyang katapatan at pagiging totoo, sa gayon hindi hahayaang babalik ang Kanyang mga salita ng walang katuturan.

”…Ito ang salita ng Panginoon kay Zerubabel; ang tagumpay ay hindi nakukuha sa ng lakas ng hukbo o sariling kapangyarihan, kundi sa pamamagitan lamang ng aking Espiritu. Sinu ka, oh malaking bundok? Sa harap ni Zerubabel ay magiging kapatagan ka…” (Zacharias 4:6-7a)

Magkaroon ng panampalataya sa Diyos!


 


Webmaster: Dan Hoset Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway