Mga pangangaral

Tingnan ang kabuuan


Unang pahina

Sa presensya ng Diyos


Kahit isang araw lamang, mas gusto ko sa templo mo, kaysa isang libong araw na iba ang tahanan ko. Gusto ko pang maging bantay sa pinto ng iyong templo, kaysa ako'y tumira sa mga bahay ng palalo.” (Mga Awit 84:10)

Walang bagay na maikukumpara sa presensiya ng Diyos. Ang pagiging naroon ang siya'ng paanyaya ng isang tao at nararapat gawin, ngunit napakarami pa rin ang sumasagupa na maranasan ang Diyos sa kanilang buhay. Hindi iyan nasa sa Diyos dahil gusto ng Panginoon na ang mga tao ay nasa Kanyang presensiya, kung kaya't nilikha niya ang tao upang mamuhay para sa Kanya.

Ang katotohanan na ang mga tao ay napakalapit lang sa Diyos na mismo sa ating mga sarili ang siyang nais natin, sabi ni Santiago: Lumapit kayo sa Diyos at lalapit siya sa inyo. Linisin ninyo ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan! Linisin ninyo ang inyong puso, kayong pabagu-bago ang isip. (Santiago 4:8)

Kung pipiliin natin na maging malapit sa Diyos, Siya ay mananatiling malapit sa atin. Kung gaano kalapit ang ating relasyon at kaugnayan sa Diyos ay nasa sa atin na iyon. Kung mamumuhay tayo sa kasalanan at kawalan ng paniniwala, itoy nakakapaghadlang sa atin na tayo ay makapanahan sa piling ng Diyos. At kanino nagalit ang Diyos sa loob nga apatnapung taon? Hindi ba't sa mga nagkasala at namatay sa ilang?” (Hebreo 3:7)

Dahil sa kasalanan ang mga taong iyon ay hindi nakapasok sa Paraiso. Namatay sila sa disyerto, ang lugar kung saan nakaakibat ang kawalan ng bunga at tuyong dako. Ang buhay ng mga taong wala sa piling ng Diyos ay katulad nito.

Ang kawalan ng paniniwala ay nakakahadlang din na makapasok tayo sa piling ng Diyos. At sino ang tinutukoy niya nang kanyang sabihin, hinding-hindi sila makakapagpahinga sa piling ko? Hindi ba't ang mga taong ayaw sumunod? (Hebreo 3:18)

Suriin natin ang ating mga sarili kung nasa Piling ba tayo ng Panginoon o wala. Ang unang makakapa ng mga taong nasa presensiya ng Diyos ay may kapahingahan sila na inihanda ng Diyos para sa kanila. Ang mga unang nakarinig ng Magandang Balita ay hindi nakapasok at nakapagpahinga dahil hindi sila sumampalataya. Nggunit may mga inanyayahan pa ring magpahinga sa piling ng Diyos.” (Hebreo 4:6)

Samakatuwid ay gawin ninyong malinis ang inyong mga kamay, at linisin ninyo ang inyong mga puso sa pagdadalawang-isip at kawalan ng paniniwala upang maari kayong pumasok sa presensya ng Diyos at makapagpahinga. Dahil sa piling ng Panginoon ay kung saan nandoon ang Panginoon, at Siya ay nasa dalawang lugar lamang. Ang unang lugar ay sa langit, ang isang lugar ay nasa mga taong may takot sa Kanya at nakayukbo sa ilalim ng Kanyang Salita. Ang taong matuwid kapag namamatay, walang nakakaunawa at walang nakikialam; ngunit siya'y kinuha upang iligtas sa kapahamakan...Ako'y nalulugod sa mga taong nagpapakumbaba at nagsisipagsisi sa mga may takot at sa utos koy sumusunod.” (Isaias 57:1, 66:2b)

Kung sasabihin natin na iniibig natin ang Diyos, kung gayon dapat nating gawin kung ano ang sinasabi sa Salita ng Diyos. Nang sa gayon ay maibabagay natin ang ating mga buhay ayon sa Salita ng Diyos, at gawin ang nararapat upang nakapasok sa piling Niya...Ang umiibig sa akin ay tumutupad sa aking salita; iibigin siya ng aking Ama, at kami'y tatahanan at mananatili sa kanya.” (Juan 14:23)

Kung alam na natin ngayon na nasa sa atin ang pagpapasiya kung ano ang gagawin ,paano mas maging malapit sa Diyos, kung gayon gawin natin ang nararapat upang makapasok sa presensya ng Diyos.


 


Webmaster: Dan Hoset Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway