![]() |
|||||||||||
|
Dagdagan ang ating pananampalataya!
Sinabi ng mga alagad ng Panginoon, ''Dagdagan po ninyo ang aming pananampalataya! Tumugon ang Panginoon, kung ang inyong pananampalataya ay maging sinlaki ng butil ng mustasa, masasabi niyo sa punong ito ng sikamoro,' Mabunot ka at matanim sa dagat! At susundin kayo nito. Sino sa inyo ang magsasabi sa kanyang aliping kagagaling sa pag-aararo o pagpapastol ng mga tupa sa bukid, 'Halika at kumain kana'? Hindi ba't sasabihin niyo ay 'Ipaghanda mo ako ng hapunan, magbihis ka at pagsilbihan mo ako habang ako'y kumakain. Pagkakain ko saka ka kumain Pinasasalamatan ba ng amo ang kanyang alipin dahil sinunod siya nito? Ganoon din naman kayo, kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniuutos sa inyo, sasabihin ninyo, 'Kami'y mga aliping walang kabuluhan, tumutupad lamang kami sa aming mga tungkulin. (Lucas 17:5-10) Ang mga ito ang tanging taludtod sa bibliya na nagbibigay sa atin ng ''paraan'' kung paano madadagdagan ang pananampalataya. Makikita natin dito na ang karagdagan ng pananampalataya ay may karampatang dagdag ng responsibilidad at panibagong tungkulin.
Ang unang tungkulin na nakatalaga sa tagalingkod ay ang mag-araro at magpastol. Napakarami ang nangangarap na magbahagi tungkol sa Panginoon sa isang entablado, o sa ibang paraan ay mailantad ang kanilang paglilingkod sa pansin ng madla. Ang naglilingkod dito ay nakatalaga na gawin ang kanyang mga tungkulin na walang nanonood sa kanya. Ang mag-araro o magpastol ay isang bagay na ginagawa sa bukid, kung saan walang nakakakita. Ito ang unang tungkulin na itinalaga sa kanya at kailangan niyang matapos. Kapag natapos na niya ang itinalagang tungkulin, babalik siya sa bahay, gutom. Ngunit sa halip na kumuha ng pagkain ay binigyan siya ulit ng panibagong tungkulin.
Ang pangalawang tungkulin ay maghanda ng hapunan para sa kanyang Panginoon. Walang sinuman ang makakapagkaila na ang isang tao na nagtatrabaho bilang isang magpapastol o isang nag-aararo sa bukid ay hindi bihasa sa pagluluto. Samakatuwid ating makikita dito na kapag itinalaga tayo ng Panginoon sa panibagong tungkulin, iyon na yun, panibagong tungkulin. Kapag ang ating pananampalataya ay nadagdagan, kailangan din nating matuto ng mga panibagong bagay. At natututo tayo sa pagsubok at sa ating mga pagkakamali. Samakatuwid napakahalaga na hindi tayo marunong sumuko kapag alam natin na itinalaga tayo sa panibagong tungkulin ng Panginoon.
Ang pangatlong tungkulin na itinalaga sa tagapaglingkod ay ang magsilbi sa kanyang Panginoon. Ito ay parang napakadali, ngunit kinakailangan din itong matutunan. Sa isang mahusay at mamahaling restawran, ang isang tagasilbi ay dapat nasa kanang bahagi, at lahat ng mga nagamit ng mga plato, baso at mga kagamitang pilak ay dapat kuhanin sa kaliwang bahagi. Ang isang tagasilbi ay hindi dapat tumayo ng masyadong malapit ng sa gayon ay hindi siya maging nakapukaw pansin sa panauhin. At hindi din siya dapat masyadong malayo, na hindi niya na nakikita ang pangangailangan ng panauhin. Ang pagsisilbi ay kinakailangan ding matutunani.
Lahat ng tatlong tungkulin ay may nagawa din sa
naglilingkod. Ang una nasa labas siya ng bahay, nasa bukid siya. Pagkatapos
dumating siya sa bahay upang magsilbi sa kusina. At ang huli nagsilbi siya sa
presensiya ng Panginoon. Sa pamamagitan nito ating makikita na ang karagdagang
pananampalataya ay nakakapagpalapit sa atin sa Panginoon. Sa pamamagitan nito dapat nating malaman na alam ng ating Panginooon ang ating mga personal na pangangailangan, ito ay maging ang kahirapan sa buhay o ibang mga hindi kinakayang pangangailangan. Habang nag-iisip tayo kung paano natin matatakpan ang ating mga pangangailangan, darating ang Panginoon at ilalagay tayo sa panibagong tungkulin. Sa pamamagitan nito dapat nating matutuhan na hindi lamang ito tungkol sa atin, ang matugunan lahat ng pangangailangan natin, kungdi itoy para matugunan ang kailangan ni Jesus! Kapag ang isang naglilingkod ay sinunod ang inuutos ng kanyang Panginoon at pumunta sa kusina upang magluto ng hapunan, natugunan din ang lahat ng kanyang pangangailangan. Kapag naging masunurin tayo kay Jesus, gagabayan Niya tayo upang matugunan ang lahat ng ating pangangailangang personal.
Ang Katapatan ang susi upang madagdagan ang pananampalataya. Alam natin na tinawag tayo upang makipag-isa kay Jesus. Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang makipag-isa sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon” (1 Mga taga-Corinto 1:9) Alam natin na ang pananampalataya ay mula sa pagdinig. Kaya't ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng pangangaral tungkol kay Cristo” (Taga-Roma.10:17) At alam natin na. "Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay” (Lucas 16:10) At alam din natin na ang tapat sa kaunti ay inilalagay sa mas mataas at malalaking bagay.''...Magaling! Tapat at mabuting lingkod! Naging tapat ka sa kaunting bagay, kaya't pamamahalain kita sa malaking bagay. Makihati ka sa aking kagalakan!” (Mato 25:23) Mula sa mga Banal na kasulatang ito ating makikita na ang pananampalataya ay nadadagdagan sa pamamagitan ng pakiki-isa natin kay Jesu-Cristo. Nakikinig sa akin ang aking mga tupa, nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa Akin.” (Juan 10:27) Kapag dinala natin ng tapat ang mga tungkuling ito nagiging mas malapit tayo kay Jesus. Tayo din ay mas maraming nalalaman, at nang sa gayon ay nakakagawa na tayo ng ibat-ibang tungkulin. Sa talinghaga ang naglingkod sa kalaunan ay nag-aararo,namamastol,nagluluto at nagsisilbi. Ang kanyang pansariling pangangailangan ay batay sa pangangailangan ng kanyang Panginoon. Nagsakripisyo siya upang ang kanyang Panginoon ay makakain. Tungkol dito ang sabi ni Pablo: '' Naranasan ko na ang maghikahos, naranasan ko na rin ang kasaganahan, natutunan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang masagana o ang maghirap. Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.” (Mga taga-Filipos 4:12-13) Sinimulan ni David ang pangangaral na ito sa bukirin, bilang isang tagalingkod. Siya ay tapat na nagpapastol sa mga tupa ng kanyang ama. Sa mga sumunod na hakbang siya ay itinalaga sa mas malalaking mga bagay at sa kalaunan naging hari sa buong Israel. Samakatuwid huwag mong tingnan na madali ang mga tungkulin na na itinalaga ni Jesus sa iyo, dahil kahit walang madla na pumapalakpak sa iyo, ang Diyos ay nakatingin sa'yo mula sa langit.
|
||||||||||
Webmaster: Dan Hoset | Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway |