Mga pangangaral

Tingnan ang kabuuan


Unang pahina

Espiritu Ng Pagsuko

Ang nais namin ay patuloy na magsumikap hanggang wakas ang bawat isa sa inyo upang makamtan ninyo ang inyong inaasahan.Kaya't huwag kayong maging tamad. Tularan ninyo ang mga taong dahil sa kanilang pagtitiis at pananampalataya sa Diyos ay nagmamana ng mga ipinangako Niya." (Mga Hebreo 6:11-12)

Sa Bibliya napakaraming ibinigay na mga pangako ang Diyos. Lahat ng mga pangakong ito ay para sa ikabubuti ng sangkatauhan, ang Diyos ay panatag na may magandang ninanais para sa Kanyang nilikha.

Sa bersikulong ating binasa, ating makikita na iyong mga taong mayroong pagtitiis at pananampalataya ang nagmamana ng mga pangakong Kanyang ibinigay.

Upang mahadlangan ang mga sangkatauhan ng Diyos na mabahagian kung ano ang ibinigay ng Diyos sa kanila ay umaataki ang kaaway sa pamamagitan ng kabaliktaran ng pagtitiis at pananampalataya. Ito ay ang espiritu ng hindi paniniwala (2 Mga Taga-Corinto 4:4) at ang espiritu ng takot (2.Timoteo 1:7). ang isa pang espiritu na hindi pa masyadong natatalakay o napag-uusapan ay ang espirito ng pagsuko.

Sa buong kasaysayan ang espiritu ng pagsuko ay nanatiling nakatago at ito ay bumabalik at kumikilos sa isang natatanging kalagayan.

Titingnan natin ngayon ang ilan sa mga halimbawa kung paano ang espiritu ng pagsuko ay dumating at manira sa mga tao ng Diyos.

Unang halimbawa: "Sara"

Nang si Abraham ay pitumput-limang taon na, siya ay nakatanggap ng pangako sa Panginoon na siya ay magiging malaking bansa. (Genesis 12:2) sa panahong iyon, siya at si Sara ay wala pa ring anak kaya ang pangako ay ay isang kaganapan sa kanilang pinapangarap.

Makalipas ang sampung taon, ang pangako ay hindi pa rin binigyan ng kaganapan ng Panginoon, at sinabi ni Abraham sa Panginoon:

Oh Panginoong Dios, anong ibibigay mo sa akin, kung ako'y nabubuhay na walang anak…” (Genesis 15:2a).

"At siya'y inilabas at sinabi, Tumingala ka ngayon sa langit, at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo: at sa kaniya'y sinabi, Magiging ganiyan ang iyong binhi. Si Abraham ay sumampalataya sa Panginoon, at dahil dito, siya'y itinuring ng Panginoon bilang isang taong matuwid.” (Genesis 15:5-6)

Pagkatapos ng ilang panahong lumipas, makikita natin kung papaano dumating kay Sara ang espiritu ng pagsuko. Si Sara nga na asawa ni Abram ay hindi nagkaanak sa kaniyaAt sinabi ni Sara kay Abram, Narito, ngayon, ako'y hinadlangan ng Panginoon na ako'y magkaanak; ipinamamanhik ko sa iyong sumiping ka sa aking alilang babae; marahil ay magkakaanak ako sa pamamagitan niya. At dininig ni Abram ang sabi ni Sara.” (Genesis 16:1a,2)


Dito makikita natin sa unang pagkakataon kung paano mangasiwa ang espiritu ng pagsuko.

  1. Siya ay nananatili sa paligid hanggang ang pagtitiis ay masubukan.

  2. Siya ay kaagad nagbigay ng kasinungalingan kay Sara na mananatili itong hindi magkakaanak.

  3. Sinabi ni Sara ang kasinungalingang ito. Ako'y hinadlangan ng Panginoon na ako'y magkaanakAlam ng ating kaaway na kung sasabihin natin ang kasinungalingan, ay mapupunta tayo sa panganib. Kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila; at ang nagsisiibig sa kaniya ay magsisikain ng kaniyang bunga. (Mga Kawikaan 18:20)

  4. Hinayaan ni Sara na ang pagsuko ay mangasiwa at sinabihan niya si Abraham na pumunta sa kanyang aliping babae na si Agar ng sa gayon ay sakaling magkaroon siya ng anak sa pamamagitan nito.

Ang bunga: Si Sara ay isinuko ang pangako na kanyang natanggap mula sa Panginoon, at sa halip kumuha ng kapalit sa pamamagitan ng laman (Ismael).

Ang isa pang bunga nito ay hinayaan niyang sakupin ang kanyang sarili ng espiritu ng pagsuko at dahil dito siya at si Abraham ay lumabas sa ninanais ng Diyos sa loob ng labing tatlong taon. Si Abraham ay walumpu't anim na taon nang ipinanganak ni Agar si Ismael. (Genesis 16:16).

Nang siyamnapu't siyam na taon na si Abram, nagpakita sa kanya ang Panginoon at sinabi, "Ako ang Makapangyarihang Diyos. Sumunod ka sa akin at ingatan mong walang dungis ang iyong sarili habang ikaw ay nabubuhay.” (Genesis 17:1)

Ikwalang halimbawa: "Esau"

Ang pangalawang halimbawa na ating titingnan ay si Esau, ang unang anak ni Isaac at ang siyang tagapagmana. Si Esau ay isang mahusay na mangangaso na nakatira sa kaparangan.

Minsan, si Jacob ay nagluluto ng sinabawang pulang patani; siya namang pagdating ni Esau mula sa pangangaso. Sinabi niya, "Gutom na gutom na ako, bigyan mo naman ako niyang mapulang niluluto mo." At dahil dito'y tinawag siyang Edom.

Sumagot si Jacob, "Ibigay mo muna sa akin ang iyong karapatan bilang panganay".

"Payag na ako", sabi ni Esau, Narito, ako'y mamamatay na sa  ako sa gutom: at saan ko mapapakinabangan ang pagkapanganay?

"Kung gayon," sabi ni Jacob, "sumumpa ka muna." Sumumpa nga si Esau, at ibinigay kay Jacob ang karapatan ng pagiging panganay.Ibinigay naman ni Jacob kay Esau ang niluto niyang gulay at binigyan pa ito ng tinapay. Matapos kumai't uminom, umalis na agad si Esau. Iyon lamang ang halaga sa kanya ng kanyang karapatan bilang panganay. (Genesis 25:29-34)

Sa itaas na mga bersikulo ang makikita natin kung paano dumating ang espiritu ng pagsuko at manipulahin si Esau na sadyang may malaking personal na pangangailangan.

  1. Katulad ni Sara tinanggap ang pagsuko ay ganon din si Esau at hindi na pinagtuonan-pansin ang mga pangyayari.

  2. At tinanggap ni Esau ang isang kasinungalingan na siya ay mamamatay na.

  3. At sinabi niya ang kasinungalingan: Narito, ako'y mamamatay na!

  4. Hinayaan ni Esau na mangasiwa ang pagsuko sa kanyang buhay at binenta niya ang kanyang pagkapanganay sa isang pagkain lamang.

Ang bunga: si Esau ay sinuko ang kanyang karapatan bilang tagapagmana. Siya ay napangakuan ng napakalaking pamana ngunit kinulang siya sa pananampalataya at pagtitiis, na siyang kailangan upang mamana ang mga pangako.

Alam ninyo ang nangyari pagkatapos. Hiningi niya sa kanyang ama na igawad sa kanya ang pagpapalang nauukol sa panganay, ngunit ito'y itinanggi sa kanya sapagkat hindi na niya mababago ang kanyang ginawa, anuman ang gawin niyang pakiusap at pagluha.” (Mga Hebreo 12:17).


Ikatlong Halimbawa: "Elias"

1Sinabi ni Haring Ahab sa kanyang asawang si Jezebel ang lahat ng ginawa ni Elias at kung paano pinatay ni Elias ang lahat ng mga propeta ni Baal.

2BaalKaya't nagpadala si Jezebel ng isang sugo upang sabihin kay Elias, "Patayin sana ako ng mga diyos kung hindi ko gagawin sa iyo sa ganito ring oras ang ginawa mo sa mga propeta.

3Natakot si Elias na mamatay, kaya't umalis siya at nagpunta sa Beer-seba, sa lupain ng Juda, kasama ang kanyang utusan.Iniwan niya roon ang kanyang utusan.

4At mag-isang pumunta sa ilang. Pagkatapos ng maghapong paglalakad ay naupo siya sa lilim ng isang puno at siya'y humiling na siya'y mamatay sana, at nagsabi, Ako po'y hirap na hirap na ngayon, Oh Panginoon kunin mo ang aking buhay; sapagka't hindi ako mabuti kay sa aking mga magulang.

5Pagkatapos, nahiga siya at nakatulog. Ngunit dumating ang isang anghel, kinalabit siya nito at ang sabi, "gumising ka at kumain!! (1 Mga Hari 19:1-5)

Si Elias ay nakaranas kamakailan lamang ng pagningning bilang isang propeta ng Diyos..

Ang mga tao na kinagawian ang pananampalataya sa mga diyos-diyos ay nagsisi sa kanilang kasalanan at ang kaaway ay nawasak.

Apat na raan at limampung propeta ni Baal at apat na raang propeta ni Asera ang napatay sa labanan na naganap sa bundok ng Carmel. (1 Mga Hari 18:19,40)

Nang marinig ni Jezebel kung ano ang nangyari, ay nagpadala siya ng sugo patungo kay Elias na may mensahe na siya ay papatayin. Sa takot, si Elias ay umalis at pumunta sa ilang upang iligtas ang kanyang sarili.

Sa ilalim ng isang punong kahoy hinayaan niya na lamunin ang kanyang sarili ng espiritu ng pagsuko na nangasiwa sa mga sumusunod na paraan sa kanyang buhay:

  1. Si Elias ay nakinig at dinamdam ang mga banta na sinabi ni Jezebel.

  2. Habang siya ay nakaupo sa lilim ng isang puno ang pagsuko ay dumating sa kanyang buhay at nais na ni Elias na mamatay na.

  3. Ang sumunod na nangyari ay sinabi ni Elias ang kasinungalingan at ang kasamaan na nasa isip: Ako po'y hirap na hirap na ngayon, Oh Panginoon kunin mo ang aking buhay; sapagka't hindi ako mabuti kay sa aking mga magulang. .  

    Hindi sinabi ng Diyos na ang paglilingkod ni Elias at ang kanyang buhay ay tapos na.

  1. Pagkatapos, siya ay humiga at natulog sa halip na paglabanan ang espiritu ng pagsuko na nangingibabaw laban sa kanyang buhay.


Ang bunga: Si Elias ay napunta sa maagang pagreretiro.

Sinabi sa kanya ni Yahweh, "Bumalik ka sa ilang na malapit sa Damasco. Pagkatapos, pumasok ka sa lunsod at buhusan mo ng langis si Hazael bilang hari ng Siria; at si Jehu na anak ni Nimsi bilang hari naman ng Israel. Buhusan mo rin ng langis si Eliseo na anak ni Safat na taga-Abel-mehola bilang propeta na hahalili sa iyo. (1 Mga Hari 19:15-16)



Pang-apat na halimbawa: "Demas"

Sikapin mong makapunta dito sa lalong madaling panahon. Sapagka't ako'y pinabayaan ni Demas, palibhasa'y iniibig niya ang sanglibutang ito, at napasa Tesalonica…” (2 Timoteo 4:9-10)

Ang ating pang-apat na halimbawa ay si Demas. Siya ay nabibilang sa mga kasapi ni Pablo, ibig sabihin isa siyang tao na nakaranas na ng mga himala. Siya din ay isang tao na nakarinig na ng malalim na katotohanan sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Sa iba pang mga bagay narinig niya din na ang isang tao ay makakapasok lamang sa kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng napakaraming pighati. (Mga Gawa 14:22).

Alam niya din na ang sinumang iniibig ang sanglibutan ay wala sa kanya ang Ama. (1 Juan 2:15-17)

Gayunpaman pinili pa rin ni Demas na isuko ang pagmamahal niya sa Diyos at inibig niya ang sanlibutan.

Si Demas na nabilanggo kasama ni Paul ay sumuko ng maging malala na ang sitwayon. Nakatanggap siya ng espiritu ng pagsuko kung kaya’t iniwan niya ang pangangaral kapalit ng mga makamundong bagay.

Ang bunga: Si Demas ay naging isang backslider.



Buod:

Nakikita natin na ang espiritu ng pagsuko ay kumikilos upang ang mga sangkatauhan ng Diyos ay sumuko:

  1. Ang mga pangako na natanggap nila galing sa Diyos. (Sara)

  2. Ang karapatan bilang tagapagmana. (Esau)

  3. Ang paglilingkod. (Elias)

  4. Ang buhay na walang hanggan kasama ang Panginoon. (Demas)

Papaano natin matatalo ang espiritu ng pagsuko?

  1. Nais ng kaaway na sabihin natin ang kasamaang nasa isip at ang kasinungalingan. Dapat tayong magsalita alisunod sa Salita ng Diyos. (Mga Kawikaan 18:20-21)

  2. Ipahayag sa pamamagitan ng ating labi ang kaligtasan. (Mga Taga-Roma 10:10)

  3. Ang Salita ng Diyos ang siyang pagkain natin na nagbibigay sa atin ng pag-asa at pagtitiis. (Mga Taga-Roma 15:4)

  4. Magdasal sa Diyos. Siya ang katatagan, at ang pinagkukunan ng ating pagtitiis. (Mga Taga-Roma 15:5)

  5. Sa pagpapasailalim natin sa pagdisiplina ng Diyos. (Mga Hebreo.12:10)

  6. Tumingin kay Jesus! (Mga Hebreo 12:1-2)

Sapagka't kayo'y nangangailangan ng pagtitiis, upang kung inyong magawa ang kalooban ng Dios, ay magstianggap kayo ng pangako.

Nguni't ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya: At kung siya ay umurong, ay hindi kalugudan ng aking kaluluwa. (Mga Hebreo 10:36,38)

 

 

 



Webmaster: Dan Hoset Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway