![]() |
|||||||||||
|
Unawain
”Ang mga masama'y ito ang kagaya, di na kinukulang ay naghahanap pa. Samantalang ako, malinis ang palad, hindi nagkasala't lubos na nag-iingat at aking natamo'y kabiguang lahat. Diyos, pinagtiis mo ako ng hirap, sa tuwing umaga'y parusa ang gawad. Kung ang mga ito'y aking sasabihin, sa mga likod mo, ako'y magtataksil; kaya't sinikap kong ito'y saliksikin, mahirap-hirap mang ito'y unawain. Gayunman, sa templo'y doon ko natuklasan na ang masasama ay mapapahamak.” (Mga Awit 73:12-17) ”Ang masasamang tao ay hindi nakakaunawa ng katarungan, ngunit silang nagsisihanap sa Panginoon ay nakakaunwa sa lahat ng mga bagay.” (Kawikaan 28:5) Tayo ay nabubuhay sa daigdig na nagbabago sa maraming paraan. Ang mga bagay na imposible sa nakalipas na panahon, ay posible na ngayon. Ang mga nakakahiyang bagay noon ay tanggap na sa panahon ngayon. Bukod sa nakikita natin lahat ng mga kasalanan na nagkakaroon na ng maraming puwang, Kaya ang sangkatauhan ng Diyos ay hindi na bukod-tangi upang hindi makaranas at makasagupa ng mga kahirapan at problema habang nagbabago ang panahon. Samakatuwid napakaimportante ang magkaroon ng tiyak at walang hanggang katotohanan bilang pamantayan sa pamumuhay. Kung ang lahat ay dumating sa pag-iisa, ang Panginoon lamang at ang Kanyang Salita ang tanging maitatayo natin sa ating buhay. Anga Diyos ay hindi katulad ng isang tao. Ang Diyos ay kinamumuhian ang kasalanan, ngunit labis Niyang iniibig ang mga tao, kaya ibinigay Niya ang kanyang nag-iisang anak para sa ating mga kasalanan. Nais ng Diyos na hanapin natin siya ng buong puso. Kung tayo ay hindi buong pusong naghahanap, di natin Siya matatagpuan. Ngunit kung hahanapin natin ang Diyos ng buong puso tiyak matatagpuan natin Siya. Papakinggan Niya tayo at tutugon Siya sa atin ayon sa kangyang Salita. Ang sumunod sa katotohanan ay nagsasabi tungkol sa Diyos. Ang Diyos ay hindi maaring:
Si Asaf, na siyang nakasulat sa Mga Awit 73, siya ay naging bigo dahil sa mga kahirapan na kanyang nararanasan at kasabay ng kanyang mga nasaksihan sa mga lumalagong kasamaan at patuloy na lumalakas. Noong panahon na hinanap ni Asaf ang Diyos doon niya unang naintindihan kung paano ang kalakaran ng mga kasamaan. Gawin ang ginawa ni Asaf! Huwag pabayaan na gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga kasamaan, gayong nahihirapan kayo o makahadlang sa inyo na makapasok sa kaluwalhatian ng Diyos. Linisin ninyo ang inyong mga puso sa lahat ng pagdadalawang-isip at kawalang tiwala, at hayaang kumausap ang Diyos sa inyong mga puso. Nang sa gayon kayo ay makakatanggap ng kaalaman at mga pahayag, at inyong maiintindihan na ang Panginoon ay makapangyarihang Diyos, na hindi kailaman mailalagay sa kahihiyan ang mga nagsipaghanap sa kanya. ”At iyong makikilala na ako ang Panginoon, at sinumang naghihintay sa akin ay hindi mapapahiya.” (Isaias 49:23b)
|
||||||||||
Webmaster: Dan Hoset | Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway |