![]() |
|||||||||||||||
|
Kaligtasan
Walang sinuman ang maliligtas kung hindi maipanganak muli. Si Jesus ay nagsabi: ”Huwag kang magtaka sa sinasabi ko sa iyo, kayong lahat ay kailangang ipanganak muli. Umiihip ang hangin kung saan nito nais at naririnig mo ang ugong nito, ngunit hindi mo alam kung saan ito nanggagaling at kung saan pupunta. Ganun din ang bawat ipinanganak ayon sa Espiritu" (Juan 3:7-8). Ang pagiging ipanganak muli ay isang proseso:
”Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang
nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.” (Mga Taga Roma 3:23) ”Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa ating ang katotohanan." (1.Juan 1:8)
”Hindi! Ngunit sinasabi ko
sa inyo, malibang magsisi kayo't talikuran ang inyong mga kasalanan,
mapapahamak din kayong lahat.” (Lucas 13:3) ”Kaya nga, magsisi kayo at
magbalik-loob sa Diyos upang patawarin kayo sa inyong mga kasalanan.”
”Subalit kung ipinapahayag
natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maasahan nating patatawarin tayo ng
Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating mga kasalanan, sapagkat
siya'y tapat at matuwid.” (1.Juan 1:9) ”Sapagkat sumasampalataya
ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay pinapawalang-sala ng
Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan ng kanyang labi at sa gayon ay
naliligtas.”
”Dapat
ng talikuran ang mga gawain ng taong masama, at dapat magbago ng pag-iisip ang
taong liko. Sila'y dapat manumbalik at lumapit sa Panginoon upang kahabagan ;
at mula sa Diyos makakamit nila ang kapatawaran.” (Isaias 55:7)
”Sapagkat
gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang
kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi
mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
(Juan 3:16)
”Subalit
ang lahat ng tumanggap at sumasampalataya sa Kanya ay binigyan Niya ng
karapatang maging mga anak ng Diyos.” (Juan 1:12)
”Kung ipahahayag ng iyong mga labi na si Jesus ay
Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya'y muling binuhay ng Diyos,
maliligtas ka.”
(Mga Taga Roma 10:9) ”Sapagkat, ang lahat na tumatawag sa pangalan ng
Panginoon ay maliligtas. .”
(Mga Taga Roma 10:13) Ang Salita ng Kaligtasan: ”Pakatandaan ninyo: ang sumasampalataya sa Akin ay may
buhay na walang hanggan.”
(Juan.6:47) ”Sumagot si Jesus, Ako ang daan, ang katotohanan, at
ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” (Juan.14:6) "Sumagot naman sila, Sumampalataya ka sa Panginoong
Jesus at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambayanan. At ang salita ng
Panginoon ay ipinahayag nila sa kanya at sa lahat ng nasa kanyang bahay”
(Mga Gawa 16:31-32) ”Ngunit ipinadama ng Diyos ang pag-ibig sa atin noong
tayo'y makasalanan pa.” (Mga Taga Roma 5:8) ”Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit
ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni
Cristo Jesus na ating Panginoon. .” (Mga Taga Roma 6:23) ”Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay
naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya at ang kaligtasang ito'y kaloob ng
Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong mga sarili. Hindi sa pamamagitan ng
inyong mga gawa, upang ang sinuma'y hindi makapagmalaki.”
(Mga Taga Efeso 2:8-9) ”Ngunit kung namumuhay tayo ayon sa liwanag, gaya ng
pananatili niya sa liwanag ,tayo'y nagkakaisa at ang lahat ng ating kasalanan
ay nililinis ng dugo ni Jesus na kanyang Anak.”
(1.Juan 1:7) ”Nakatayo ako at kumakatok
sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto,
papasok ako sa kanyang tahanan at kakain kaming magkasalo.” (Pahayag 3:20) Dasal tungo sa kaligtasan: Amang
nasa langit, ako ay dumudulog sa iyo sa ngalan ni Jesus. Inaamin kong ako'y
makasalanan. Ako'y nagsisisi sa aking pagkakasala, at humihingi ako ng
kapatawaran at linisin mo ako sa pamamagitan ng dugo ni Jesus. Ang sabi mo sa
iyong mga salita sa Roma 10:9 kung ipapahayag ng aming labi na si Jesus ay
Panginoon at buong puso kaming sumasampalataya sa Siya'y muling binuhay ng
Diyos, kami ay maliligtas. Kaya ngayon aking ipinapahayag na si Jesu-Cristo ay
Panginoon sa aking buhay! Buong
puso akong sumasampalataya na Siya'y muling binuhay ng Diyos sa mga patay. Kaya
ngayon, tinatanggap ko si Jesu-Cristo bilang personal kong tagapagligtas, at
ayon sa iyong salita ako ay ligtas na. Maraming
salamat Jesus dahil namatay Ka para sa akin, at binigyan mo ako ng buhay na
walang hanggan. Amen. Maligayang pagdating sa
Kaharian ng Diyos: Ngayon,
ikaw ay bagong nilalang. ”Kaya't
kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang. Wala na ang dating
pagkatao, sa halip ito'y napalitan na ng bago.” (2. Mga Taga-Corinto 5:17) Pagpalain nawa kayo ng Panginoon!
|
||||||||||||||
Webmaster: Dan Hoset | Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway - Kontak: |