![]() |
|||||||||||
|
Isang biyahe, dalawang bansa![]() Ang aming unang misyong biyahe ngayong taon ay papuntang Kenya at Tanzania. Kapag kami ay nagbiyahe sa mga bansa, ang aming misyon ay ang makapag-abot ng sangkatauhan para kay Jesus, at patatagin ang Kanyang simbahan. Hindi kami turista, ngunit sa maraming pagkakataon nabibigyan kami ng Diyos ng pagkakataon na makakita ng mga atraksiyong pangturista na ginagastusan ng karamihan para mapuntahan at makita. Kami ay naimbitihan sa Tanzania ng isang simbahan na nasa Moshi, isang siyudad na malapit sa Kilimanjaro, ang pinakamataas na bundok sa Afrika. Mula sa aming hotel, sa deretsong tingin ay amin itong natatanaw, at ang marilag na bundok na nababalot ng snow na may taas na 5900 metro, ay napakagandang tanawin sa umaga habang umiinom ng mainit na kape. Ito ay kabutihan ng Panginoon para sa atin. Kami ay nagkaroon ng mapagpalang biyahe, at lubos kaming nagpapasalamat sa Maykapal sa kung ano Siya at sa lahat ng Kanyang ginawa. Kenya
Calvary Covenant Centre AAng aming punong-abala sa
Nairobi,Kenya ay ang Calvary Covenant Centre. Ang simbahang ito ay
sinimulan ni Jefferson Nyatuka na may iilan lang na miyembro. Ngayon
sila ay tumubo at nagkaroon na ng mahigit 60,000 na miyembro sa loob ng
150 na simbahan na nakalaganap sa buong bansa ng Kenya. Lahat ng
kanilang mga simbahan ay umuusbong, at ang kanilang tinututukan ay
makapag-abot ng tao tungo sa kaligtasan at gawing disipulo.
Ang aming punong-abala sa Nairobi,Kenya ay ang Calvary Covenant Centre. Ang simbahang ito ay sinimulan ni Jefferson Nyatuka na may iilan lang na miyembro. Ngayon sila ay tumubo at nagkaroon na ng mahigit 60,000 na miyembro sa loob ng 150 na simbahan na nakalaganap sa buong bansa ng Kenya. Lahat ng kanilang mga simbahan ay umuusbong, at ang kanilang tinututukan ay makapag-abot ng tao tungo sa kaligtasan at gawing disipulo. Misyon 500
![]() Pinamagatan ng simbahan ang
kanilang evangilikal na programang `` Mission 500. Ang kanilang layon
ay ang makapag-abot ng 500 katao o higit pa, bautismuhan sila, gawing
kabilang sa simbahan at maging disipulo para kay Jesus. Kasama sa isa
sa mga pastor, si Pastor John Alusiola, si Bjørg at Ingebrigt ay
binisita ang mga lugar na karamihan sa mga tao doon ay hindi nais
puntahan. Ang kahirapan ay napakalubha, marami ang walang trabaho at
naabusa ng bawal na gamot, at napakanegatibong kinahinatnan ay laganap
ng lubha. Ang mga kalsada ay puno ng mga nagkalat na basura, alikabok
at mga payat na asong kalye na palaboy at naghahanap ng susunod na
pagkain. Ang salita ni Jesus ay nagsabi sa atin na ipangaral ang
ebanghelyo sa mga mahihirap, at iyon ang aming ginawa. Ang mga tao ito
na isa sa pinakamababang turing sa lipunan, ay nabahagian ng
pinakamahalaga, ang Salita ng kaligtasan at pag-asa.
Ang aming mga pagtitipon ay naganap sa ibat-ibang lugar, tulad ng gilid ng kalsada, at marami pang- ibang bahagi. Inumpisahan ito ng mga papuri at pagsambang kanta at musika, at ang mga tao ay sumali sa pagsayaw at pagsaya sa kanilang sarili. Pagkatapos ng ilang sandali ang ebanghelyo ni Kristo ay ipinangaral ng mahigit 10-15 minuto, at pagkatapos ang imbitasyon sa pagtanggap ng kaligtasan ay ipinahayag. Marami ang lumapit, pati mga bata. Ako, si Ingebrigt sa ilang okasyon noon ay hindi alintana ang mga batang ito na seryoso kahalintulad sa mga matanda, kabataan at may-edad, ngunit ako ay pinaalalahanan sa salita ni Jesus, hayaan niyong lumapit sa Akin ang mga bata, at huwag niyo silang pagbawalan, sapagkat ang katulad nila ang mapapabilang sa Kaharian ng Diyos (Marcos 10:14). Ang pagbabago ay kita agad sa mga bata nang kanilang tinanggap si Jesus, sila ay nagningning at napuno ng kasiyahan! Sabi ni Pastor Alusiola sa amin na ang mga batang tunanggap ng kaligtasan sa ganitong mga pagkakataon ay pumupunta nah simbahan at nananatili. Nasa mahigit kumulang 130 katao ang tumanggap ng kaligtasan sa pangangaral sa kalsada sa Nairobi. Lahat sila ay naitala ang mga pangalan at nakuhanan ng mga numero para i kontak. Sa mga sumunod na araw, ang lahat ng tumanggap ng kaligtasan ay binisita ng mga miyembro ng simbahan, bilang bahagi ng pagsubaybay sa kanila. ![]() Ito ay kuha sa isa sa mga
pagtitipon sa kalsada, na kung saan ang mga tao ay agad na nagtipon ng
sila ay makarinig ng musika, at nagsimulang sumayaw. At sa likod
nandoon sina Bjorg, Ingebrigt kasalukuyang naghihintay.
![]() Maraming mga bata na kabilang sa napalubhang kahirapan ang tumanggap kay Jesus. At napakagandang pagmasdan ang pagbabago sa kanila. Makapangyarihan! Sunod na umaga nang kami ay
dumating na sa Nairobi, kami ay naimbitahan na sa isa sa mga simbahan
ang Calvary Covenant Centre, na pinamunuan ni Pastor Stanley. Linggo
ang araw ng kanilang selebrasyon, at isa sa mga simba ay madaling araw,
at sinundan ng pa ng isa pang simba pagkatapos ng una. Mahigit nasa
isang libo katao ang nagsimba sa bawat misa upang makinig sa panauhing
tagapagsalita mula sa Norway na siyang nagbigay ng pangaral sa Salita
ng Diyos. Si Ingebrigt ang nangaral sa dalawang simba, at tsaka sa isa
pang evangelikal na pagtitipon na naganap kinahapunan. Maliban sa
pag-evangelized at mga pagtitipon sa Mission 500, si Ingebrigt din ang
nangangaral sa punong simbahan araw-araw sa kanilang Tanghaliang Simba.
Makapangyarihan yan ang salitang binanggit ng karamihan sa paglarawan
ng mga mensahe sa simba. Nagkaraoon ng labis na kagalakan sa Panginoon.
![]() Marami ang pumunta sa harapan na nagsipagsisi sa kanilang kasalanan, nagsipagbalik-loob at intersisyon. Testimonya ni Pastor Stanley Kami ay lubus na nagpapasalamat sa Diyos para sa tatlong pagtitipon na naganap kasama si Ingebrigt sa aming simbahan. Napakamakapangyarihan ng mga mensahe at mga pahayag. Kami ay lubos na pinagpala, at marami ang dumulog sa aming simbahan pagkatapos ng krusada. Ang isang araw ng kanilang pagbisita ay nagbigay ng lubos na pagbabago sa amin. Lubos kong kinagagalak ang pagsasamahang ito, at ninanais ko na sila ay bumalik dito. Ang testimonya ni Senior Pastor Ben
Lubos akong nagpapasalamat sa
Diyos para sa banal na pagkakaisa at sa banal na pagbisita. Kami ay
lubos na pinagpala sa mga pangaral ng Salita ng Diyos. Maraming salamat
sa pagkikipagkaisa sa linggong ito sa aming taunang misyon. Kami ay
labis na nahimok at napukaw. Kami dito sa Calvary Covenant Centre ay
tinatanaw ka bilang bahagi ng aming pamilya at labis kaming nananabik
sa iyong pagbabalik muli dito. Kailangang bumalik ka dito muli, at
mangaral sa maraming simbahan dito sa buong rehiyon., nais nilang
mabisita mo rin. Kami ay taos-pusong pinagpala. Kinagagalak ko ang
Espiritung nasa inyo. Labis kong kinalulugod ang ating pakipagsalamuha.
![]() Tanzania Manna Tabernacle Bible Church Si Pastor Dickson, sa Manna
Tabernacle Bible Church ang aming punong-abala sa Tanzania. Katulad ng
simbahan na binisita namin sa Nairobi, ang simbahang ito ay marami ding
mga outreach na gawain, kalakip ng evangilikal, mga bahay ng mga ulila,
mga gawaing para sa manggagagawa, gawain para sa mga babaeng naging
bayaran, at ang pag-abot sa mga kabataan sa mga kolehiyo at unibersidad.
Ang simbahan nila ay may sariling estasyon ng radyo, at itoy naging tanyag. Nagpapatugtug sila ng mga musika na pangkristiyano at meron ring pangangaral sa radyo, at ito ay nakakapag-bot ng 1-2 milyong nakikinig, parehong sa radyo at online. Pagkatapos ng isang programa sa radyo, sila ay nakatanggap ng napakadaming tawag, at mahigit kumulang 300-700 na mensahe sa text ng mga taong naghahangad tumanggap ng kaligtasan at nais madasalan. Nakatanggap din sila ng mga email mula sa mga nakikinig sa ibat-ibang panig ng bansa, maging sa Afrika, Europa, at pati na rin sa hilagang Amerika. Kamangha-mangha karamihan sa mga nagrespondi ay mga muslim, na tumanggap kang Jesus bilang Panginoon sa harap ng kanilang mga kompyuter o radyo. Maraming muslim ang hindi pumupunta sa mga pagtitipon, datapuwat sila ay nagsipagtanggap ng kaligtasan sa kanilang mga tahanan. Si Bjørg at Ingebrigt ay naging partisipante sa isa sa mga programa sa radyo. Si Ingebrigt ay nangaral din sa mga seminar sa simbahan araw-araw, at lahat ng iyon ay ipinahayag din sa radyo. Isang babae ang nais na madasalan sa isa sa mga pagtitipon ay tumanggap kang Jesus nang nakaraang gabi lamang, habang siya ay nakikinig ng radyo. Ang kanyang testimonya ay hindi pangkaraniwan. Sa isa naman sa mga pagtitipon, may walong katao ang nanggaling pa sa malayong lugar at naglakbay papuntang Moshi sapagkat nais nilang tumanggap ng kaligtasan. Nakinig lang din lang sila sa radyo. Sa Tanzania at pati na rin sa Kenya ang salitang Makapangyarihan ay ginamit ng karamihan sa paglarawan sa naganap na pagtitipon. At tunay ngang makapangyarihan ang mga naging pagtitipon. Mga taong naligtas, napagaling at napalaya mula sa mga masamang espiritu. Pagkatapos ng mga pagtitipon ang mga nanampalataya ay lumapit at nagpapasalamat, sila ay napanumbalik at nakatanggap ng mga kasagutan sa ibat-ibang mga bagay na nakapagpabagabag sa kanila. Ang mga nag alyansa ay nagsipagbalik-loob kay Kristo. ![]() Ang mga taong ito ang nakatira sa labas at malayo mula sa Moshi, at nagbiyahe papunta sa pagtitipon upang tumanggap kang Jesus, matapos makarinig sa radyo. ![]() May labis na kagalakan matapos tanggapin si Kristo, kapwa sa mga bagong kabig at ang mga nasa simbahan. Testimonya ni Pastor Dickson Kami ay nagkaroon ng
makapangyarihang linggo. Bago kapa dumating, alam ko na ang pagbisitang
ito ay hindi lamang nagkataon, ngunit pag-uugnay ng Diyos. Kami ay
binago ng mga mensahe, at dinala sa panibagong antas ng pahayag. Ang
mga kasapi ng simbahan ay lubos na kinalulugod kung ano ang ginawa ng
Diyos. Iikinalulugod namin ang iyong pagbabalik muli dito sa Moshi, at
kung ninanais mong mangaral sa ibat-ibang panig ng tanzania, kami at
ang iba pa naming kasapi na mga simbahan ay maghahanda ng programa. Ang
buong bansa ay bukas sa iyong pagbabalik!
Kami ay nagkaroon ng pinagpala at matagumpay na biyahe sa Tanzania. Mahigit kumulang nasa 150 katao ang tumanggap ng kaligtasan at papatnubayan ng simbahan doon. Marami ang napagaling at napalaya mula sa masamang espiritu. Ang mga simbahan ay napanumbalik at nahimok. Nakadaupang-palad din namin ang mga dating kaibigan at nagkaroon din ng mga panibagong kaibigan, at kinalugod din namin ang napakagandang kalikasan at pati na rin ang santwaryo ng mga hayop sa Afrika. |
||||||||||
Webmaster: Dan Hoset | Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway |