![]() |
|||||||||||
|
At ang mga pulo ay maghihintay sa Kanyang kautusanAng pamagat sa artikulong ito ay
makikita natin sa Isaias 42:4. Noong Oktobre\Nobyembre 2015 ay ang
ikalabing dalawang biyahe ni Ing ebrigt Hoset sa Pilipinas. Ang
programa ay binubuo ng krusada at komperensiya sa isla ng Bohol. Kapag
tiningnan ang lokasyon ng Bohol at ito ay iniugnay sa Norway ito ay
maihahatulad sa kung ano ang isinilat ni Isaias tungkol sa naghihintay
na mga pulo. At ang mga kapuluang ito ay naghihintay na may may ipadala
ang Panginoon sa kanila dala ang Kanyang mga Salita. Kung kaya't ito ay
isang malaking sagot sa mga taong nananampalataya kay Jesus. Sapagkat
tayo ay naniniwala sa Kanya kinakailangan din nating gawin alinman sa
paglabas dala ang ebanghelyo o kaya nama'y ang maghandog upang may isa
na lumabas dala ang magandang balita.
Ang krusada sa biyaheng ito ay binubuo ng limang pagtitipon sa iba't-ibang maliliit na lugar. Kasama ang organisasyon ng March of Faith sa Tagbilaran, Bohol na siyang may responsibilidad sa pag-organisa ng pagtitipon, naging matagumpay na biyahe. 239 katao ang tumanggap kay Jesus bilang kanilang tagapagligtas at Panginoon. At ang resulta sa maraming bagong mananampalataya ay ang pagtayo ng panibagong simbahan. Ang Pilipinas na may 108 milyon populasyon at kabilang dito ay mga kabataan na karaniwan nasa edad 23.5 taong gulang. Kung gayon karamihan sa mga tumanggap kay Jesus ay yung mga mas matatanda pa sa kanila. Pagkatapos ng isa sa mga pagtitipon, isang dalagang may edad 16 na taong gulang ang lumapit kay Ingebrigt at nasaysay na sa araw na iyon ay kanyang kaarawan at sa araw din iyong siya ay isinilang muli. May luha ng kasiyahan na dumadaloy sa mga mata nagpapasalamat siya ng labis sa pagpunta ni Ingebrigt sa kanya at ipangaral kung ano ang ginawa ni Jesus para sa kanya, upang siya ay maligtas. Nita Ang makadaong palad ang mga taong
masyado ng matanda ay hindi pangkaraniwan sa Pilipinas sapagkat ang
pangkaraniwang edad ng mga matatanda doon ay nasa 72.5 taong gulang
nalang inaabot na buhay. Ngunit isa sa mga krusada ay nakadaong palad
namin ang isang matandang babae. Siya ay 82 taong gulang na si Nita.
May nag imbita sa kanya na pumunta sa krusada na ginawa namin. Si Nita
ay nakinig sa ebanghelyo at pumunta sa harapan upang tanggapin si Jesus
nang ipahayag na ang imbitasyon. Pagkatapos niyang tumanggap sa
tagapagligtas, siya ay nagpahayag ng kakaibang saya, at kasiguraduhang
siya ay bahagi na ng Diyos. 82 taong gulang at bagong mananampalataya
ay hindi pangkaraniwang karanasan, ngunit iyon ay kanyang panahon ng
bisitasyon. Alam ng Diyos ang puso ng lahat ng tao. Alam niya kung ano
tayo at kung ano ang nananais natin. Kilala ng Diyos si Nita at
hinayaan niyang mabuhay pa ng matagal sa kung ano ang pangkaraniwan
sapagkat nais ng Diyos na marinig ni Nita ang ebanghelyo at lumapit sa
pananampalataya kay Jesus. Ang katotohanan na ang mga pulong
naghihintay sa Salita ng Diyos.
![]() Si Nita, 82 tong gulang bagong ligtas kasama si Ingebrigt.
Mga pagpapagaling
Si Jesu-Kristus ay ganoon pa rin
noon at ngayon, at pareho pa rin ang kanyang ginagawa. Siya ay
lumigtas, magpagaling, at nagpalaya ng mga tao mula sa mga karamdaman
at masasamang espiritu. Ang pinakamahalagang bagay sa isang krusada ay
maipangaral ang ibanghelyo upang ang mga tao ay mailapit sa
pananampalataya. Pagkatapos nito ay saka kami magdadasal para sa may
sakit. At ang Panginoon ay pinatunayan ang Kanyang salita sa
pamamagitan ng pagpapagaling. Narito ang ilan sa mga patotoo mula sa
mga taong nakaranas na si Jesus ay katulad pa rin ngayon at noong
nandito pa siya at naglalakbay sa mundo. Ang dalawang patotoo na ito ay
isang maliit na bahagi lamang sa kung ano ang ginawa ni Jesus para sa
mga tao.
Si Loreta Betonio ay hindi masyadong nakakakita kung kaya't halos siya ay bulag na. Siya lumapit upang madasalan nang unang gabi ng krusada, iyon ay lunes. Pagkatapos siyang madasalan, tinanong namin kung may pagkakaiba ba. Walang nangyari kung kaya't siya ay dinasalan sa pangalawang pagkakataon, ngunit wala pa ring nangyari. Sinabihan namin si Loreta na siya ay amin ng nadasalan, kung kaya't mananampalataya lamang siya na si Jesus ay patotohanan ang mga Salita. At siya ay nanalig. Dumaan ang Martes at Miyerkules wala pa ring nangyari. Ngunit ng imulat niya ang kanyang mga mata ng Huwebes ay naging normal na ang kanyang paningin. Sa kanyang labis na kagalakan ay tinawagan niya ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan at sinabi niya kung ano ang ginawa ni Jesus sa buhay niya! ![]() Loreta Betenio ay may malubhang kapansanan sa paningin.
Si Lordever Furog, 29 na taong
gulang ay may congenital isang sakit sa puso. Ito ay dahilan kung
kaya't ang kanyang pagkatao ay kilala bilang mahina pati na ang kanyang
katawan. Lahat ng kanyang gawin ay kinakailangan ng matinding
pagpupursige at ito ay malaking dagok sa kanyang sitwasyon sa buhay. Si
Lordever ay isang mananampalataya at siya ay lumapit upang madasalan sa
kanyang karamdaman. Pagkatapos madasalan siya ay tinanong kung may
nangyari at ora mismo siya ay gumaling. Alam niya na ang kapangyarihan
ng Panginoon ay dumaloy sa kanyang buong katawan, itinaas niya ang
kanyang mga kamay at buong pasasamalat kang Jesus sa malakas na boses
para sa kagalingan. At may nangganap na kailanman ay di pa niya
nagagawa kailanman sa buhay niya, siya ay nag-umpisang lumukso-lukso,
at tumakbo ng mabilis sa palibot. Siya ay hindi ganoon noon, ngayon ito
ay isang malaking pagbabagong naganap at labis ang kanilang pasasalamat
sa Panginoon, ang mga tao ay pumalakpak at sumisigaw sa galak
samantalang ang binata ay tumatakbo sa galak.
![]() Si Lordever Furog ay may congenital na sakit sa puso. Si Jesus ay pinagaling siya ora mismo.
![]() Ang masaya at bagong si Lordever at binati ng kanyang kaibigan. Komperensiya Ang March of Faith ay may 400
kongregasyon at mayroong dalawang taunang komperensiya, ang isa ay sa
Abril at ang pangalawa ay sa Oktobre/ Nobyembre. At sa taong ito sa
taglagas na komperensiya si Ingebrigt ang nangaral. Ang pangangaral ay
ipinalabas din sa mga radyo kung saan libu-libo katao sa ibat-ibang
panig ng Luzon, Bohol, Negros at Mindanao ang makakarinig. Sinabi nila
na parehong mananampalataya at di mananampalataya ang nakikinig sa
nasabing programa sa radyo. Isang babae na nakarinig sa programa sa
radyo ay nagsabi na, naramdaman niya ang napakalakas na annointing sa
ilalim ng pagpapahayag, kung kayat kinakailangan niyang pumunta
komperensiya para matamasa ang Espirito Santo sa kapaligiran. Hindi nga
siya nadismaya! Tinagpo ng Panginoon ang mga lider at mga delegante sa
lahat ng maraming simbahan sa makapangyarihang paraan at ang patotoo
nila ay umuwi sila sa kanilang mga tahanan na nag-aalab na apoy sa
kanilang mga puso at panibagong pananampalataya (faith).
Dr. Rufina H. Trigo, ang lider sa March of Faith kasama si Ingebrigt.![]() Tulad ng sinabi namin sa simula na
ito ang ikalabing dalawang biyahe ni Ingebrigt sa Pilipinas. Sa kanyang
mga biyahe ay marami at libu-libong katao ang tumanggap kay Jesus
bilang tagapagligtas at Panginoon sa kanilang mga buhay. 24 na mga
simbahan na ang napatayo. Ang mga namumuno ay nagkaroon ng mga
panibagong pananampalataya (faith) at naitayo muli. Kami ay nagagalak
at sa muli kami ay magpapatuloy pa.
|
||||||||||
Webmaster: Dan Hoset | Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway |