Pagsabog ng kaligtasan sa Jabonga
(Pilipinas, Pebrero 2012)
Panimula
Noong Pebrero 2012 si Ingebrigt Hoset at ang kanyang
pangkat sa Simbahan ng Siloa ay pumunta sa Mindanao para sa isang
krusada na pinamagatang Jabonga Salvation Explosion. Ang Jabonga ay
isang distrito sa probinsiya ng Agusan del Norte, at ang layunin ng
krusada ay upang ang buong distrito ay maabot ng ebanghelyo ni
Jesu-Cristo. Ang pagtitipon ay ginanap sa walong barangay ng Jabonga,
na may tig-isang pagtitipon sa bawat barangay.
Ito ay isang pagbisita na hindi pa kailanman naranasan ng distrito ng Jabonga.
Upang makamit
ang pinakapambihirang tagumpay ay kinakailangan paghandaan ito ng
simbahan ng Siloa sa pamamagitan ng pagdadasal at pag-aayuno, at ito
nga ay kanilang nakamit.

Si
Camilla Warmøy mula sa Siloa ay nagdasal para sa isang babae.
Katabi niya ay isang tagapagsalin ng wika na si Christinalyn Cuatmora.

Si Nathalie Hoset mula sa Siloa ay nagdasal sa
isang lalaki na may sakit sa tiyan. Katabi niya ay isang tagapagsalin
ng wika na si Pastora Lilian Abanel.
Mula sa 1 patungo sa 19 na simbahan
Noong si Ingebrigt ay makaabot ng mga tao upang maligtas
pabalik kay Jesus, nasa pagtutulungan na ng mga lokal na simbahan at
responsibilidad na nila na alagaan ang mga bagong mananampalataya. Kung
saan walang mga lokal na simbahan ang unang layunin sa krusada upang
makapag-umpisa ng bagong simbahan.
Ang punong
pastor na si Bonifar Abanel sa simbahan ng Bridge of Hope ay nagsabi na
sa unang pagkakataon na binisita sila ni Ingebrigt Hoset noong 2005
mayroon lamang siyang isang simbahan. Sa panahon ng pagbisita siya ay
nabigyan ng propisiya at ipinagdasal. Ito ay naghango ng isang bagay,
at noong 2011/2012 siya ay nagkaroon ng 18 simbahan. Marami dito ay
naging resulta sa pag-abot ni Ingebrigt sa mga tao. Ang simbahan bilng
19 ay naumpisahan sa ilalim ng Jabonga Salvation Explosion.
Mayroong 780 ang tumanggap kay Jesus
Ang pinakadakilang karanasan na mararanasan ng isang tao
ay ang maipanganak muli. Sa walong mga pagtitipon mayroong 780 na mga
tao na tumawag kay Jesu-Cristo upang silay maligtas. At mayroong
makapangyaring tanawin na makikita sa isang bagong mananampalataya na
may pagbabago. Noon sila ay nasa kadiliman, ngayon sila ay nasa
kaharian na ng liwanag. At ang bawat isa ay makikita ang pagbabago sa
kanilang mga mata, dahil ang mga mata ay ang salamin ng iyong kaluluwa.
Sila ay nakatayo sa harap ng entablado at para silang mga liwanag na
nagningning mula sa madilim na daigdig.
Ang bagong
naligtas na lalaki ay nagsabi sa nagmamaneho namin na hindi niya kayang
ilarawan kung ano ang nangyari sa kanyang kalooban, nagkaroon siya ng
hindi mailarawan na kapayapaan at kasiyahan na hindi pa niya
nararanasan noon. Siya ay labis na nagalak na nagkaroon siya ng
pagkakataon na tumawag kay Jesus at mapatawad ang kanyang mga
kasalanan. Ang taong ito ay isang Adventist at isa sa mga lider sa
nayon.
Hindi na naiiba
ang kanyang pahayag. Lahat ng tinatanong namin ay nagsasabi na
pagkatapos nilang matanggap si Jesus ay nagkaroon ng labis na
kapayapaan at kasiyahan ang kanilang buhay na hindi pa nila naranasan
kailanman. Sila ay labis na naggalak sa kung ano ang nangyari sa
kanilang buhay. Ang pinakamatanda na nakausap ni Ingebrigt ay isang
babae na nagkakaedad ng 70. Siya ay mayroong napakahirap na pamumuhay
dahil sa kahirapan Pagkatapos ng krusada siya ay pumunta at tumabi ng
upo kay Ingebrigt at nagbigay ng pahayag kung gaano kaganda ang
nangyari sa kanya na maging isang anak ng Diyos.
Ang isa sa mga
pagtitipon na naganap ay para sa mga kabataan. Ito ay isang
napaka-espesyal na pagkikipagtagpo sa presensiya ng Diyos na hindi
kailanman mailalarawan. May 55 kabataan ang tumanggap kay Jesus sa
pagtitipon, marami ang may mga luha na pumapatak sa kanilang mga
mata.
Si Pastora
Lilian Abanel asawa ni Pastor Bonifar ay nagsabi na pagkatapos ng mga
pagtitipon ngayon at sa mga iba pang pagtitipon ay naranasan niya ang
kaluwalhatian ng Diyos. At kami ay ganun din. Ang mga tao ay naligtas
at napagaling.

Mula sa krusada sa barangay Libas, mayroong 180 katao ang tumawag kay Jesus sa pagtitipong ito..
Sagot sa mga dasal
Nang kami ay maglakbay na patungo sa ibat-ibang barangay
sa Jabonga upang magkaroon ng krusada, nagmaneho kami ng dalawang klase
ng sasakyan. Ang pangkat ng Siloa ay umupo sa isang jeep habang ang
pangkat ng Bridge of Hope ay nasa isang trak na may mga instrumentong
pangmusika, laud-ispiker, mga upuan, at iba pa.
Ang trak ay
ginamit na noon pa bago pa dumating ang pangkat ng Siloa. Ang aming
tagapagmaneho ay hindi alam ang daan patungo sa barangay ng Santo
Niño. Kung kaya mayroong isang kabataan na kasapi ng Bridge of
Hope na nakasakay sa amin at siya ay taga Santo Niño.
Sa daan pabalik
pagkatapos ng krusada na may mahigit 100 ang tumanggap kay Jesus. May
ngiti sa kanyang mga labi at sinabi niya na mahigit sampu sa kanyang
kapamilya at mga kamag-anak ang naligtas. At sila ay nadasalan din at
sa gabing ito ay dumating ang sagot sa kanyang mga dasal.
Diyos ng mga himala
Si Jesu-Cristo ay ganun pa rin noon, ngayon at
magpakailanman. At dahil siya ay tulad pa rin dati, ginagawa Niya pa
rin katulad dati. Ilang daan mga tao ang nakasaksi sa mga pagpapagaling
na naganap pagkatapos ng krusada.
Napakarami ang
pumunta sa harap na nagnanais gumaling na ang pangkat ng Siloa ay
tumayo sa ibat-ibang panig at nagdasal sa mga maysakit. Ang mga himala
ay nangyari din. Isa sa mga ito na nangyari ay sa isang bata na may
anim na taon at nagngangalang Mary Louise. Siya ay ipinanganak na
bingi, at sa ilang sandali naibalik sa kanyan ang kanyang pandinig. Ang
kanyang ama na siyang nagdala sa kanya sa pagtitipon ay kinabakasan ng
saya at galak sa kung ano ang ginawa ni Jesus para sa kanyang anak.
Naririto ang ilang mga patotoo sa mga tao na gumaling.

Anim na taong gulang na
si Mary Louise ay ipinanganak na bingi. At sa pagkakataong iyon ay
natanggap niyang muli ang kanyang pandinig. Siya ay napakasaya at sa
likod niya ay ang kanyang ama.

Si
Lizel Wood Ganadug ay agad napagaling mula sa sakit ng ulo, balikat at
likod. Ang kanyang anak na babae na si Richel Wood Gandug ay agad na
gumaling mula sa lagnat, at ang ubo na mayroon siya ay nawala din.
1,000 kilo ng bigas
Napakarami ang mga mahihirap at nangangailangan na mga tao
ang dumating sa pagtitipon na ginanap. Bago ang biyahe patungo sa
Pipilinas ay nakalikom kami ng pondo upang makabili ng bigas para sa
mga mahihirap. Pagkatapos ng pagtitipon ay nagpamahagi sa mga tao ng
bigas. Ang pagbabago sa maraming tao ay pambihira habang paparating na
ang gabi. Sila ay naligtas, napagaling at namahinga na may laman ang
mga sikmura.

Pamamahagi ng bigas sa Barangy
Maraiguing.
Panapos na Salita
Ang pagsabog ng kaligtasan sa Jabonga ay naging kung ano
ang nakalathala sa pangalan. Ito ay naging panahon ng pagbisita na
hindi pa nila nararanasan tulad noon. Dahil ang pangkat mula sa Siloa
ay nagbigay ng patikim para sa higit pa. Dahil hindi araw-araw na
makakakita ka ng 780 katao na tumanggap kay Jesus, marami ang
napagaling at panibagong simbahan ang naitayo.
Isang pinto ang binuksan para sa amin patungo sa Pilipinas at sa muli kami ay magbabalik doon.

Si Camilla ang kumuha
sa matagumpay na litratong ito, ang pangkat ng Bridge of Hope kasama si
Nathalie at Ingebrigt matapos ang pinakahuling krusada.
|