Ang bagong yugto sa Kikuu
(Kenya 2011)
Noong Nobyembre
2011 si Ingebrigt Hoset ay naimbitahan sa Kenya upang mangaral sa isang
krusada, sa nayon ng Kikuu sa distrito ng Kitumi. Kasama sa paglalakbay
ay si Sigbjoern Renning, na siyang nangaral at nagdokumentaryo sa buong
biyahe sa pamamagitan ng pagkuha mga larawan at video recording.
May mga araw na
sadyang makapangyarihan na lubhang nagpabago sa Kikuu. Sa panahon ng
paghahanda para sa biyahe, sa bahay sa Norway, si Ingebrigt ay
nakatanggap ng salita sa Bibliya at ito ay: Datapuwa't ang ganito'y hindi lumalabas kundi sa pamamagitan ng panalangin at ayuno. (Mateo 17:21) Ang salitang ito ay naggabay patungo sa walong araw na pag-aayuno sa paghahanda para sa magaganap sa Kikuu.
Distrito ng Kitumi
Ang Kikuu ay
matatagpuan sa silangang bahagi ng Kenya, ang nayon at ang distritong
ito ay tinaguriang pinakamalaking bahagi na kuta ni satanas na mayroon
ang Kenya. Ang mga mangkukulam at manggagaway ay nagkakalat at bansag
na ang kanilang mga gawain sa lugar na ito. Ang mga tao sa mga
malalayong lugar ay pumupunta dito upang makakuha ng ''tulong'' dito.
Dito makakabili ka ng kagalingan sa iyong sarili, o kaya makakabili ka
din ng gayuma upang makawala sa asawa mo, o kaya sa mga kamag-anak na
kaaway mo. Ang kahirapan ay malubha at ang edukasyon sa populasyon ay
sadyang kulang. Noon lang nakarang 2007 nakapagsimula ang mga mga
kabataan na pumasok sa eskwelahan. Ito ay napagdesisyonan sa gobyerno
ng Nairobi. Mula noon, ang mga kalalakihan ay sinanay na magpastol at
iba pang mga gawaing panlalaki at ang mga kababaihan naman ay tinuruan
ng mga gawaing pangbahay. Ang mga elektrisidad at tubig sa gripo ay di
pa umiiral at ang daan ay di mo mawari. Dahil walang lugar kung saan
pwede kaming magpalipas, kung kaya't sa bayan ng Zomba kami pumisan
kung saan may 25 minuto ang biyahe mula sa Kikuu. Mayroong
napakatinding kadiliman na bumabalot sa Kikuu, at ang bahaging ito ng
distrito ng Kitumi ay ganoon na mula pa noong siglo na ang nakalipas.
Sa bayan na ito ay magkakaroon kami ng krusada!
Ang daan patungo sa Kikuu...
Ang kasaysayan
Sa puntong iyon
si Ingebrigt at si Sigbjoern ay dumating sa isang nayon, ito ay
napakamakasaysayan! Ang rason nito, dahil sila ang pinakaunang puting
dayuhan na nakapunta sa Kikuu at si Ingebrigt ang pinakaunang puting
dayuhan na nangaral sa ebanghelyo ni Jesu-Cristo sa kanila. Ang mga
tao, bata man o matanda ay napapalingon at tumitingin sa mga puting
dayuhan na pumunta sa kanila.
Ang mga bata
noong una ay medyo nahihiya pa sa puting dayuhan na ito ngunit kalaunan
sila ay naging ''matalik na magkaibigan'' na. Si Ingebrigt Hoset at ang
mga bata sa simbahan ng Kikuu.
Ang simbahan sa Kikuu
Ang simbahan sa
Kikuu ay sinimulan noong 2003. ang rason kung kaya't naipatayo ang
simbahan na ito ay dahil isang tao na galing sa bayan na ito ay lumipat
at nanirahan sa Nairobi. Doon siya ay naging kristiyano at nag-umpisang
dumalo sa simbahan. Pagkalipas ng ilang panahon, sinabi niya sa kanyang
pastor ang tungkol sa kanilang nayon kung saan siya nanggaling at kung
posible bang magkaroon ng krusada doon upang maabot ang mga tao. Ito ay
nangyari nga at ang simbahan sa Kikuu ay naipatayo pagkatapos makabuo
ng mga mananampalataya. Ang pastor sa Nairobi ay ang kakilala ni
Ingebrigt sa Kenya. Siya ay si Pastor Shadrach. Ngayon nais nilang
magkaroon ng malaking katagumpayan, at si Ingebrigt ay naanyayahan
upang makasama bilang isang mangangaral. Ang simbahan sa Kikuu ay
mayroong 70 kasapi kung saan karamihan dito ay mga biyuda o biyudo. Ang
rason kung bakit marami sa kanila ay ganito ay dahil sa kasamaan na
lumalaganap dito, at ang pagkainggit na mayroon sa mga naninirahan
dito. Ang mga asawa ng mga nabiyuda ay matagal na panahon ng pumanaw
hindi pa man sila matanda; sila ay sinumpa ng mga mangkukulam hanggang
sila ay mamatay. Ang mga kristiyano ay itinakwil ng kanilang mga
pamilya, at hindi makakaasa ng kahit anong tulong mula sa kanila. Kung
kaya't ang simbahan ang kanilang panibagong pamilya. At kung kaya't ang
simbahan ay may lupain kung saan nagtatanim sila ng mga gulay at mga
pananim at ito'y kanilang pinaghahati-hatian at binabahagi sa kanilang
mga sarili at sa iba pa. Kung nais mong maging kristiyano sa Kikuu,
kailangan ikaw ay 100% na sigurado kung hindi ikaw ay mamamatay!
Bata man o matanda ay parehong nagagalak sa Panginoon habang nagpupuri.
Ang mga pagtatagpo
Ang krusada sa
Kikuu ay ginanap sa isang pamilihan o palengke pagkatapos ay nagkaroon
ng pagtatagpo sa simbahan. Ang mga Kenyans ay kinahiligan ang musika at
ang pagsasayaw at halos karamihan sa kanila ay ganito kung kaya't
marami ang pumunta upang tumingin at makinig. Sa pagtitipon sa simbahan
ay napakaraming mga tao at punung puno na ang simbahan kung kaya't
marami sa kanila ay tumayo na lamang sa labas ng gusali. Sa kalaunan
mas marami pa ang tao sa labas kesa sa loob. Ito ay isang pabor upang
maipangaral ang ebanghelyo ni Jesus, at isa pa gagawin ito sa isang
lugar kung saan nababalot ng kadiliman katulad ng Kikuu. At ang salita
ng Diyos ay nagtagumpay, tinanggap ng mga tao si Jesus sa kanilang
buhay at ang kanilang buhay ay habangbuhay ng magbabago. Sa kabuuan ay
may 111 katao ang nadasalan namin tungo sa kaligtasan sa panahon ng
limang araw na krusada. Sa simbahan ang sangkatauhan ng Diyos ay
nanumbalik muli sa kanilang pananampalataya sa Panginoon. Dito
nagkaroon ng makapangyaring mga krusada kung saan ang pagpapalaya at
marami ang napagaling ay naganap.
Si Ingebrigt Hoset ay nagdasal sa mga maysakit.
Si
Sigbjoern roening ang nangaral. Sadyang napakarami ng tao kung kaya't
ang mga bata ay kinakailangang umupo sa likuran ng entablado.
Ang pambihirang lagumpay
Ang pambihirang
tagumpay ay nakamit sa ikatlong araw ng krusada. Nang ang paanyaya ay
inihain upang tanggapin si Jesus bilang tagapagligtas at Panginoon sa
kanilang buhay, ay may isang tao na itinaas ang kanyang kamay at
pumunta sa unahan. Nang siya ay dumating, bilang tumahimik ang mga tao
at binigyan siya ng daan. Dahil siya ay isang makapangyarihang
manggagaway o salamangkero, kung saan matagal na panahon na marami
siyang binihag sa kanyang maitim na kapangyarihan at sinumpa. Ang
ganitong pagsisisi ng kasalanan ay napakahalaga dahil ipinakita dito sa
mga tao na si Jesus ay mas makapangyarihan at malakas kesa sa mga
mangkukulam at manggagaway. Ang pagkaligtas sa isang manggagaway ay
naghatid ng isang malaking pag-asa ng pagbabago ng buhay at kaunlaran
sa buong rehiyon dahil ang ''mga malakas'' ay bumagsak. Bago kami
umalis sa Kikuu ang ex-manggagaway ay hinayan niyang sunugin ng pastor
ang kanyang mga kagamitan na ginagamit niya sa paggawa ng maitim na
kapangyarihan. Ang ex-manggagaway ay naging kasapi na ng simbahan
Si Ingebrigt Hoset at si Pastor Shadrach ay nagdasal para sa mga tao doon sa pamilihan o palengke.
Panapos na Salita
Nagkaroon ng di
maipaliwanag na kasiyahan sa simbahan sa Kikuu nang kami ay umalis na.
Kung ano ang kanilang ipinagdasal ay nasagot na. Sabi ni Pastor Samuel
sa amin na mayroon na silang plano na gumawa ng mas malaking simbahan
dahil ang kanilang simbahan ay naging napakaliit na sa dami ng tao.
Nag-umpisa na rin silang mag-abot sa mga iba't-ibang nayon sa
pamamagitan ng ebanghelyo ni Jesus. Pagkatapos ng ilang siglo ng
kadiliman, ito ngayon ay naging bukas na, isang pintuan para sa malaki
at mabungang pag-ani sa Distrito ng Kitumi. Lahat ng papuri ay kay
Jesus!!
Nagkaroon ng sa Kadakilang kagalakan sa Kikuu dahil sa ginawa ni Jesus sa kanila.
|