Nakakita ang bulag, nakarinig ang bingi at ang ebanghelyo ay naipangaral sa mahirap
(Pilipinas, Pebrero 2011)
Panimula

Ang pangkat na maligayang sumalubong sa aming pagdating sa siyudad ng Dipolog airport.
Noong Pebrero 2011, si Ingebrigt
Hoset at ang kanyang pangkat sa simbahan ng Siloa sa Surnadal ay
nagbiyahe patungo sa Pilipinas upang magkaroon ng krusada na
makakapagpabago sa mga buhay ng maraming tao.
Ang unang bahagi ng krusada ay ginanap sa Siyudad ng Dipolog sa isla ng
Mindanao. Dito si Ingebrigt ay mangangaral sa isang taunang pagtitipon.
Pagkatapos ng pagtitipon ay magkakaroon ng isang pagtitipon naman sa
mga lider at pastor sa Dipolog, mga nasa 400 ang dumalo upang marinig
ang Salita ng Diyos.
Ang mensahe para sa dalawang pagtitipon ay umangkop sa mga dumalo. Ang
mga tao ay kinatagpo ang Panginoon at nanumbalik muli. Lalo na ang
mensahe para sa mga lider ay sadyang malinaw para sa kanila. At marami
sa kanila ang nagsabi pagkatapos ng pagtitipon na para sa kanila nga
ang mensahe.
Ang seremonyas ng watawat
Sa Pilipinas, nakapanata na, na ang watawat ng Pilipinas ay itinataas
sa isang seremonyas tuwing Lunes ng umaga. Sa loob ng seremonyas, ang
lahat ng empleyado ay naroon sa city hall kung saan ang watawat ay
itinataas habang pinapatugtog ang pambansang awit. Pagkatapos
pinatugtog din ang panglungsod na awit ng Dipolog at ang buong
seremonyas ay nagtapos sa pangangaral ng Salita ng Diyos at sa isang
dasal.
Si Ingebrigt ay hiningan na maging tagapagsalita sa seremonyas na iyon,
na kanyang tinugot. At ang mensahe ay ganap na natanggap.
Ang seremonyas ng watawat sa City-Hall ng siyudad ng Dipolog.
Ang Mayor
Para kay
Ingebrigt, ito na ang kanyang pangatlong pagpunta sa Dipolog at sa
kanyang mga nakaraang pagpunta, siya ay naging kilala na sa iilang mga
tao, isa sa kanila ay ang Mayor ng lungsod. Pagkatapos ng seremonyas ng
watawat, ang buong pangkat galing sa Norway ay inimbitahan sa opisina
ng Mayor. Dito sila ay hinainan ng kape at meryenda. Ang usapin ay
patungkol sa mga pagsubok na mayroon ang lungsod. Ang pagbisita ay
nagtapos sa pagdarasal na nais ng Mayor at kanya itong natanggap. Ang
lungsod at ang lahat ng mga namumuno dito ay itinaas sa Panginoon sa
pagdarasal para sa kaalaman, lakas at ang kaloob ng Diyos ang siyang
maghari sa Dipolog.
Si Ingebrigt Hoset at ang Mayor sa lungsod ng Dipolog na si, Evelyn Tang Uy.
Ang Krusada
Ang pinakaprograma sa isla ng
Mindanao ay ang krusada sa nayon ng Lingasad na na may 30 minuto ang
biyahe mula sa Dipolog.
Ang programa dito ay sadyang pinaghandaan at inanunsiyo, upang ang mga
tao sa Lingasad ay makapunta upang makakarinig at makakita. Ipinangaral
nila ang Ebanghelyo ni Jesu-Cristo na siyang tagapagligtas sa mundo.
Nang maibigay na ang imbitasyon upang tumanggap ng kaligtasan, marami
sa mga tao ang pumusta sa harapan at tinawag si Jesus. At ang krusada
sa Lingasad ay 167 katao ang tumanggap ng kaligtasan.
At ang bunga sa krusadang ito ay isang simbahan ang naumpisahan.
Pagkatapos ng krusada, ang mag-asawang pastor ay itinalaga na magdasal
para sa mga tao. Ito ay isang pag-uumpisa na napakamakapangyarihan
dahil sa presensiya ng Panginoon.

167 katao ang tumanggap ng kaligtasan sa krusada.
Karamihan sa pumunta sa krusada ay
mga taong may ibat-ibang klase ng karamdaman at sakit. Ipinamalita na
bago pa mag-umpisa na ang mga tao ay dapat pumunta at maranasan ang mga
himala na kailangan nila sa kanilang buhay, yaong mga taong pumunta sa
harapan upang madasalan.
Si Jesus ay katulad noon, ngayon at magpakailanman at ganoon pa rin ang
ginagawa Niya. Kapag siya ay ipinangaral, pinapatotohanan Niya ang
kanyang mga salita sa pamamagitan ng mga himala at pagpapagaling.

Si Trifon Aninon, 68 taong gulang, ay bulag ang mga mata. ibinalik agad ni Jesus ang kanyang paningin.

Si Daniel
Celesinu ay bingi ang kanyang dalawang tainga at bulag din sa kaliwang
mata. Si Jesus ay binigay sa kanya ang parehong pandinig at paningin.
Ito ay naging sadyang malaking kasiyahan para sa mga taong nakakita
kung Ano ang ginawa ni Jesus para kay Daniel.
Maliban sa dalawang ito, marami pa ang mga patotoo kung ano ang ginawa ni Jesus.:
- Ang bulag ay nakakita, ang bingi ay nakarinig, ang paralisadong kamay at paa ay gumaling.
- Isang babaeng
may tumor sa gitna ng balikat at dibdib. Bago ang pagdarasal ay
naramdaman pa niya iyon, ngunit pagkatapos madasalan ay kinapa niya ito
ngunit hindi niya na ito makapa. Ito ay ''nawala'' na.
- Ang mga tao na may masamang espiritu ay nagkaroon ng kalayaan dito.
Isa dito ay isang babaeng napakabagabag dahil sa takot na nagpapawalan
sa kanya ng malay. Pagkatapos ng dasal, naramdaman niya na siya ay
malaya na dito!!
Ang krusada sa
Lingasad ay tuwing gabi, at nagtatapos parati na ang mga tao ay
nakabangon at pumapalakpak para kay Jesus, habang pinapasalamatan nila
si Jesus sa kaligtasan at paggaling. Si Jesus ay dumating sa Lingasad
at ang mga tao sa nayon ay nagbago sa Kanyang pagbisita.
Bohol
Pagkatapos ng krusada sa Mindanao
ang buong pangkat ay nagbiyahe ng 5 oras sa pamamagitan ng barko
patungo sa Bohol. Ang magandang isla na ito ay kilala sa kanilang
Chocolate Hills na may 1.160 na mga tuktok na parang isang tsokolate.
Sa Bohol ay may tarsier din na ang katawan ay may haba ng 9 cm, at ito
ang pinakamaliit na unggoy sa buong mundo.
Ang programa sa Bohol ay naglalaman ng pagtitipon sa simbahan kung saan
nanggaling ang pastor na si Vicente Barbarona Jr. At ito ay sa nayon ng
Cabayugan. Ang lugar na ito ay maliit pa kesa isang nayon, at binubuo
ng mga malalayong bahay sa mga bundok. Isang oras na biyahe mula sa
tinutuluyan namin. Ang mga tao ay maligaya sa aming pagbisita at
nakadamit ng maganda para sa pagtitipon. At tinagpo ng Panginoon ang
simbahan na mapanumbalik at mapagaling.
Ang pangunahing pagtitipon sa Bohol ay sa lungsod ng Tagbilaran na may
200,000 na naninirahan. Ang pagtitipon dito ay isang malaking
paghihikayat para sa mga Kristiyano at sila ay nanumbalik sa kanilang
pananampalataya kay Jesus. Isa sa mga pagtatagpo ay ginawa din sa
pamamagitan ng radyo sa buong panig na Bohol at Mindanao. Marami at
libo-libong mga tao sa pamamagitan ng palatuntunan sa radyo ay naabot
ng ebanghelyo ni Jesus.
200 og 201
Sa pagtitipon,
mayroong 199 katao na tumanggap ng kaligtasan, bago kami nagbiyahe mula
sa Dipolog kami ay naimbitahan sa bahay ng Mayor kung saan doon kami
nag-agahan bago ang biyahe patungo sa Bohol. Ang Mayor at ang kanyang
asawa ay mayamang tao kung kaya sila ay may maraming bantay. Pagkatapos
ng almusal ay nagdasal kami para sa isang bantay patungo sa kaligtasan.
Pagkatapos niyang matanggap si Cristo ay nagkaroon siya ng kapayapaan
na kailanman ay hindi pa niya nararanasan. Ang bantay na ito ay ang ika
200 na tumanggap ng kaligtasan.
Sa Bohol mayroon
din kaming araw ng pahinga (day-off). Sa araw na ito ay pumunta kami sa
iba't-ibang magagandang lugar. Sa daan patungo sa Chocolate Hills
huminto kami sa isang kainan kung saan kami ay nananghalian. Habang
naghihintay kami sa aming pagkain, isang pinoy na nasa60's na ang edad
ay dumating at umupo sa bakanteng upuan ng aming mesa. Sadyang
napakamaaliwalas na pag-uusap ang naganap na nagtapos ng kaligtasan,
inakay ni Ingebrigt ang taong ito patungo sa kaligtasan. Si Carlos na
siyang pangalan niya ang ika 201 na naipagdasal tungo sa kaligtasan.
Panapos na salita
Ang pangkat ng Siloa ay nalulugod
sa biyahe. 201 katao ang tumanggap kay Jesus. At ang bunga ng krusada
ay isang panibagong simbahan at ito ay naging umpisa ng mga himala at
makapangyarihang paggaling. Mga lokal na mananampalataya at pastor ay
nagsisi sa kanilang pagkakompromiso at kasalanan at binigyan ng
panibagong pagtatagpo kay Jesus. Sa pagpapala ng Panginoon at ang
kagandahang-loob ng mga tao ay nagkaroon kami ng kakayahang
makapag-ipon ng pera upang makabili ng isang toneladang bigas na
ipinamahagi sa mga tao sa pook ng Lingasad.
Habang kami ay nagbibiyahe sa lugar patungo sa ibang lugar, ay may
isang tao na nakagabay sa amin mula sa simbahan sa Dipolog. Isa sa
kanila ay isang babaeng nagkakaedad ng 63 taong gulang. Sa huling gabi
siya ay nagbigay ng patotoo na ang pangangaral na kanyang narinig ay
nagbigay sa kanya ng panibagong buhay. Kami ay nalulugod ng marinig
ito. Kung kaya't sa susunod na taon ay magbabalik kami sa Pilipinas.
|