![]() |
|||||||||||
|
Mga makapangyarihang gawain sa Mindanao. Ang paglalakbay na ito patungo sa
Pilipinas ay ang ika-70 biyahe sa mga bansa. Sa paglalakbay na ito
marami ang nakitang nakatanggap ng kaligtasan. Marami din kaming nakita
na napagaling. Ngunit hindi ko pa naranasan na ang kapangyarihan ng
Diyos ay napakalakas sa buong pagtitipon na kagaya dito.
Napakaraming mga himalang nangyari na sadyang napakalaki; Si Jesu-Cristo ay hindi magbabago kailanman; siya ay kahapon, ngayon, at bukas.(Hebreo 13:8). Kapag siya ay hindi nagbabago, ginagawa niya pa rin tulad ng dati. At alam natin na hindi siya tao para magsinungaling. Siya pa rin ang dakilang doktor na nagpapagaling. Upang patotohanan ang ginawa ni Jesus, ipapahayag namin na 5 hanggang 10 bulag ang nakakitang muli. May iilan ding mga malabo ang mga mata ang nakakita ng malinaw. May tatlong bingi ang nakarinig muli. Basahin ninyo ang ilan sa mga patotoo ng mga taong napagaling ni Jesus at magalak kasama nila. Mga Larawan: ![]() Si Placida Rojo
ay kinakailangang alalayan habang pumupunta siya sa harapan upang
madasalan. Sabi niya dahil sa pagtatrabaho ng sobra kung kaya ang
kanyang katawan ay nanghina at halos hindi na siya makalakad, at
kinakailangang may tungkod siya upang siya ay makatayo. Binigyan siya
ni Jesus ng panibagong lakas at siya ay nakalakad ng walang patpat. Sa
sobra niyang tuwa siya ay nagbigay ng patotoo sa mga tao bago niya
itinapon ang kanyang tungkod at naglakad pauwi.
Si Francisco Borja ay mayroong malubhang sakit sa rayuma sa loob ng 4 na taon. Agad-agad siya ay gumaling.
Si Silverio Calibung
ay parang anino nalang ang kanyang nakikita. Inilahad ko ang aking mga
kamay sa kanyang harapan at tinanong ko siya kung ilang daliri ang
nakikita niya. Sabi niya na hindi niya alam, tanging ang kamay lamang
niya na parang anino ang nakikita niya. Pagkatapos ko siyang dasalan,
inilahad ko muli ang aking kamay sa kanya at ipinakita ang tatlong
daliri at tinanong ko siya kung ilan ang nakikita niya at siya ay
sumagot,'' nakakakita na ako, iyan ay tatlong daliri!
![]() Si Jafring Baldo
ay paralisado ang dalawang kamay kung kayat di nya maiangat ang
dalawang kamay niya. Si Jesus ay pinagaling siya kung kayat naitaas
niya na ang kanyang kamay patungo sa kanyang ulo. Si Jafring ay
nakatanggap ng makapangyarihang tagpo kay Jesus sa gabing ito. Una siya
ay naligtas pagkatapos siya ay gumaling.. ![]() Si Pesing Beltran
ay may malubhang sakit sa balat na halos matanggal na ang kanyang
balat. Pagkatapos ng pagdadasal ang sakit ay nawala at naramdaman niya
ang ''kilabot'' sa parte kung saan nababaklat na ang kanyang balat. ![]() Si Charing ay masakit ang kanyang buong katawan maliban pa na siya ay bingi . Agad-agad ay naibalik ang kanyang pandinig a ang pananakit sa kanyang buong katawan ay nawala. Si Linda Catubog
ay nagdurusa sa sakit sa bato. Ang kanyang doktor ay nagsabi na na
hindi na siya kayang tulungan pa. Sa loob ng mga panahong ito siya ay
nasa matinding paghihirap. Si Jesus, ang dakilang doktor ang
nagpagaling sa kanya at kinuha lahat ang kanyang mga sakit pagkatapos
niyang maligtas.
|
||||||||||
Webmaster: Dan Hoset | Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway |