![]() |
|||||||||||
|
Ang pagbabago sa mga taong taga-bundok
(Uganda at Rwanda, 2007)
Noong Setyembre 2007, ang bagong
pintuan ay naging bukas para sa isang gawain na nais ng Diyos na gawin
namin. Sa panahon na ito pumunta kami sa Uganda at Rwanda. Ang aming
naranasan sa mga lugar na ito ay kakaiba sa aming inaasahan sa simula.
Ang biyahe ay nagtapos ng tatlong linggo at ito ay sinimulan sa bayan
ng Kabale sa Uganda.
Ang kanyang lokasyon na nasa pagitan ng Congo at Rwanda, ang lungsod ay appektado sa makapal na trapik at di mabilang na tuluyan. Sa Espirituwal na bahagi ang lungsod ay may impluwensiya din. Noong 1935 ay nag-umpisa ang East African revival dito. Ang pagbangong muli ay lumaganap hindi lamang sa Kanluran at Sentrong bahagi ng Africa, kundi patungo rin sa Europa. Ang aming host sa Kabale ay si Pastor Victor Tukakira. Siya ay nag-umpisa ng sampung simbahan sa bahaging ito ng Uganda. Ang pinakapangunahing simbahan ay ang Mwanjari Soul Winner Church na naghost din ng Annual International Conference kung saan 3-5000 mula sa iba't-ibang lungsod ng Africa ang dumalo. Ang aming programa ay ang mangaral sa komperensiya na gaganapin sa pangunahing simbahan sa Kabale, at sa isang komperensiya sa isa sa mga unang simbahan na nasimulan sa nayon ng Nkumbura. Sa umpisa dapat mayroon kaming revival na pagtitipon, ngunit dahil s malakas na pag-ulan ito ay kinansela. Sa pagtitipon na naganap, kami ay nakaranas ng malakas na pagtatagpo na parehong nagkaroon ng kaligtasan at pagpapagaling. Sa kabuuan may mga 40 na naghangad ng kaligtasan.
![]() Ang host na simbahan sa Kabale; Mwanjari Soulwinner Curch. ![]() Ang simbahan sa Nkumbura.
Pagkatapos ng isang linggo sa
Uganda ay pumunta kami sa Rwanda. Dito ay magkakaroon kami ng krusada
sa tatlong lugar. Ang unang lugar ng pagtitipon ay sa bayan ng Byumba.
Ang Rwanda sa kabuuang anyo ay isang bansa na may maraming bundok at
talampas. Ang Byumba na may 20,000 na mamamayan ay nasa pinakamataas na
talampas sa Rwanda at ang lungsod ang pinakasentro ng sumasamba sa mga
diyos-diyos sa buong lungsod.
Ang aming host sa Rwanda at sa iba pang mga lugar na aming binisita ay si Pastora Oliver Kyunda.
Pastora Oliver Kyunda.
Si
Pastora Oliver Kyunda (35 taong gulang) ay isang babaeng may vision. Sa
kabuuan siya ay nakapag-umpisa ng tatlong simbahan at may puso na
mag-abot ng mga tao sa ebanghelyo ni Jesu-Cristo. Noong 1994, sa edad
na 22 taong gulang, si Oliver ay naging balo na may dalawang anak. Sa
panahon ng pagpatay ng lahi sa Rwanda noong 1994, na may mahigit isang
milyon ang pinatay sa loob ng 100 na araw, isa na doon ang kanyang
asawa at ang 3 buwang anak niyang babae. At ang salarin ay hindi pa
nagbabayad sa kaniyang nagawa. At di pa din nahanap. Nang tinanon siya
kung siya ay may hinanakit dito, ang sagot niiya ay wala. Si Jesus ay
pinatawad siy at sa tulong ni Diyos napatawad niya na rin ang mga taong
pumatay sa kanyang pamilya. Hindi niya lamang sila pinatawad kundi
pinagdadasal niya rin na sila ay magbago at maligtas.
![]() Si Pastora Oliver Kyunda.
Ang pagtitipon na meron kami sa
Rwanda ay may 140 katao ang naghangad ng kaligtasan. Isa sa mga lugar
na ginanap ang aming pagtitipon ay sa bundok ng nayon ng Zoko. Dahil sa
kaunting nangyari sa sasakyan kami ay di agad nakarating sa pagtitipon.
At sa wakas ay nasa daan na kami, nakatagpo namin sa daan ang mga tao
na pumunta sa pagtitipon, nang makita nila kami, sila ay tumakbo
pabalik at sumunod sa aming sasakyan. May sadyang kauhawan na marinig
ang ebanghelyo ni Jesu-Cristo. Ang isa sa mga pagtitipon na nangyari sa
Zoko ay may 100 katao ang tinanggap si Jesus bilang tagapagligtas at
Panginoon sa kanilang buhay. Isang sinapian ang napalaya at marami ang
napagaling.
![]() Mga taong naghangad ng kaligtasan sa Zoko. Sa Byumba nasa 30 katao ang
nagsisi at tumawag kay Jesus upang maligtas. Napagaling din ang mga tao
sa Byumba. Isang babae na may napakalubhang sakit sa mga kalamnan sa
kanyang dalawang kamay na hindi niya halos maiangat ang kanyang
dalawang mga braso. Pagkatapos ng pagdadasal, siya ay malaya ng
naigagalaw ang mga ito ng walang sakit na nararamdaman. Isa pang babae
na may tumor sa tiyan. Pagkatapos ng pagdadasal ay hindi niya na ito
matagpuan, ito ay nawala na!
At may nagawa din na malalakas na himala sa Byumba. Mababasa niyo ito sa ilalim ng: Ang mga Himala sa Rwanda. Ang pangatlong lugar na nagkaroon kami ng pagtitipon ay sa Kigali ang kapital na bansa. Dito kami ay nakaranas ng malakas na kapit sa espiritual na mundo, ngunit binigyan kami ng Diyos ng katagumpayan. Nasa labinglima katao ang naghangad ng kaligtasan sa pagtitipon. Maraming pagpapagaling ang naganap din. ![]() Ang mga taong naghangad ng kaligtasan sa Byumba. Mga himala sa Rwanda May kakaibahan sa pagitan ng pagpapagaling at himala. Sa biyaheng ito kami ay nakaranas ng dalawang himala. Ang unang himala ay nangyari sa batang lalaki na si Isac (10 taong gulang). Nang isilang si Isac siya ay lumabas na may deperensiya sa utak at ang kanyang bungo ay hindi maayos. Ang ibig sabihin nito ay hindi na siya maaring makapagsalita ng marami mula sa isang salita at ang mga salitang mama, papa ang nasasabi niya. Ang doctor na sumuri sa kanya ay nagsabi na hindi na siya gagaling pa. Sa huling araw ng pagtitipon ay dumating ang kanyang mga magulang at bitbit siya upang siya ay madasalan namin. Ito ay isang pagtitipon na nagpabago sa buhay ng buong pamilya. Nang isagawa na ang pagdadasal ang bata ay natakot at nagtago sa likod ng kanyang ama habang bumubulong ng Muzungu,musungu (puting tao). Ang kanyang mga mata ay punung-puno ng takot. Ito ang mga mata ng masamang espiritu na alam niya na ang kanyang oras ay matatapos na. Pagkatapos ng matinding usapan sa kanyang mga magulang, si Isac ay pumayag din sa wakas na madasalan ko. Ang sumunod na nangyari ay nakakamangha. Sa panahon ng pagdadasal ang hindi maayos na bungo ay bumalik sa porma! Isang malikhaing himala ang nangyari. Pagkatapos ng pagtitipon si Isac ay binati ako ng may bukas na mga braso. Niyakap niya ako at nagsalita ng buong pangungusap sa unang pagkakataon sa kanyang buong buhay. Ang kanyang mga magulang ay lubusan ang katuwaan.
Ang pangalawang himala
Noong nakaraang taong 2006 si Chartine ay nabuntis at ang saya at galak
ay bumabalot sa kanya at sa kanyang asawa. Nang mag-umpisang sumipa ang
bata sa kanyang sinapupunan, may nangyari na nagpabaligtad sa galak
patungo sa paghihinagpis. Isang kapitbahay na babae ang naghahangad na
mabuntis ngunit nabigo, ay pumunta sa sa isang mangkukulam na nagkulam
kay Chartine.
Ang kulam na ito ay nagpahantong ng pagtigil ng bata na gumalaw at mabuo sa sinapupunan. Nagkaroon ng katahimikan sa kanyang sinapupunan. Nang siya ay dumating sa huling pagtitipon na ginanap namin sa Byumba siya ay 12 linggong buntis na walang anumang senyales ng buhay sa kanynag sinapupunan. Pagkatapos ng pagdadasal ang buong mukha ni Chartine ay nagbago. Naramdaman niyang sumipa ang kanyang anak. Si Jesus ay nagbigay ng buhay kung saan wala ng buhay! ![]()
|
||||||||||
Webmaster: Dan Hoset | Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway |