Si Jesus noon at ngayon ay ganoon pa rin
(Pilipinas, Mayo/Hunyo 2007)
Komperansiya ng mga pastor sa gintong bayan sa Gaudea
Noong May/Hunyo 2007, ay ang pangatlong
biyahe ni Ingebrigt Hoset sa Pilipinas. Ang bansang ito ay mayroong 100
milyon na mamamayan, 7.107 isla at may sukat na 300,000 km2 ay isang
napakagandang bansa na may magiliw na mamamayan. Na may 18 oras na
biyahe sa bus papunta sa hilagang bahagi ng isla ng Mindanao, isa ding
pagkakataon upang masilayan ang bansa.
Ang programa sa biyaheng ito ay inumpisahan
sa isnag komperensiya para sa mga pastor sa bundok ng nayong Gaudea,
Agusan del Sur. Ang Gaudea ay nabuhay sapagkat may natagpuan na ginto
sa lugar. Ang ginto ay isang magandang bagay na magkaroon, ngunit ang
halaga nito ay hindi maikokompara sa salita ng Diyos... Ang mga hatol ni Yahweh ay tunay na makatarungan,
patas at walang kinikilingan.Mas kanaisnais pa ito kaysa gintong lantay. (Mga Awit 19:9b-10a)
At ang kautusan ng Diyos ay naipangaral sa
mga pastor at ang iba pang mga dumalo sa komperensiya. Sa gabi ay
nagkaroon ng revival na pagtitipon kung saan nasa 30 katao ang bumalik
sa pananampalataya kay Jesus.

Maligayang pagdating sa Festival of the Great, True and Living God..

Naghahanap ng ginto

Ang ginto na kanilang natagpuan. Sa larawang ito, sa sinag ng araw, nakakita kami ng ginto.
At angf pag-asa ng mga Hentil, sa kanya ay ilalagak. (Mateo 12:21)
Pagkatapos ng komperensiya ng mga pastor sa
Gaudea, ay nagkaroon ng dalawang revival na pagtitipon sa distrito ng
kapital ang Badangy. Kung ano ang nangyari sa pagtitipon na ito ay
nagkaroon nga tatak sa lungsod na may 30,000 na mamamayan. Nasa 130
katao ang naghangad ng kaligtasan kay Jesus sa loob ng dalawang gabi.
Maraming mga makapangyarihang paggaling, at ang deliverance ay nangyari
din.
Isang 13 taong gulang na babae ang pumunta
sa harap para madasalan dahil hindi niya maigalaw ang kanyang paa dahil
nagkarron ng pinsala dito. Habang ang iba ay nakatayo, siya ay nakaupo
lamang sa isang plastik na upuan, dalawa sa kanyang mga kaibigan ang
tumaya sa kanyang gilid, at isa sa kanila ang umalalay sa kanya.
Pagkatapos madasalan ay bumalik agad ang pakiramdam sa kanyang mga paa.
Siya ay tumayo, at sinubukan ang kanyang mga paa, kinuha ang upuan at
pumunta sa ilalim nito na may malaking kagalakan!

Mga naghahangad ng kaligtasan: At ang pag-asa ng mga Hentil, sa kanya ay ilalagak. (Mateo 12:21)

Pagdadasal sa mga maysakit.

Si Erning Oprayla ay may kapansanan sa mga mata noon, ibinigay ni Jesus kanyang normal na paningin.

Si Shella
Mae Bello ay bingi sa kanyang kaliwang tainga noon. At agad ay ibinigay
ni Jesus ang kanyang normal na pandinig. Siya ay lubhang namangha ng
makarinig na siya sa dalawang tainga niya.
Ang deliverance
Maliban sa maraming naligtas at paggaling na
nangyari, nagkaroon ng espesyal na himala na nagpakita na ang kaharian
ng Diyos ay dumating sa Badangy. Ito ay ang deliverance sa 16 na tong
gulang na batang babae na sinapian ng masasamang espiritu. Siya ay
sinapian ilang buwan pa lamang ang nakakaraan ngunit ang sapi ay
nagkaroon ng tatak sa kanyang buhay, siya ay ganap na nagbago. Sapagkat
ang diyablo ay sumira talaga sa kanyang buhay, na hindi na siya
nakakapunta sa eskwelahan. Ito ay kumalat sa buong lungsod ang nangyari
sa kanya. Ang kanyang pamilya ay lubos na nababahala ngunit walang
makatulong sa kanila. Nang marinig ng kanyang ina na magkakaroon ng
revival na pagtitipon sa sentro ng lungsod, ay pumunta siya dala ang
kanyang anak na babae.
Nang makita ng batang babae si Ingebrigt sa
malayo pa lang siya ay ''ganap na nagwala'' at kinakailangan ng tatlong
malalakas na tao ang humawak sa kanya. Hinarap ni Ingebrigt ang demonyo
dala ang tagumpay na pinanalo ni Jesus sa krus, at inutusan ang
masasamang espiritu na lumabas sa katawan ng batang babae. Ngunit
iniling niya lamang ang kanyang ulo bilang tugon. At muli. At muling
sinabihan ni Ingebrigt ang demonyo na bawat tuhod ay yuyukbo kay Jesus
kung kaya't kinakailangan nilang lumisan. Ang demonyo ang sumagot sa
pamamagitan ng batang babae at sumagot siya ng ''hindi'' sa wikang Norwegian!
Sa lokal na wikang Cebuano ang hindi ay ''dili'',
ngunit ang demonyo ay sumagot sa wikang Norwegian kahit na ang ginamit
na wika ay English. Pagkatapos ng ilan pang pagpapalayas ay sa wakas
lumayas din ang masamang espiritu na sumigaw ng malakas. Ang ang batang
babae ay napalaya, at nagpahayag na si Jesus ay Panginoon. Ito ay
napakaimpostante sapagkat....At hindi
rin masasabi ninuman, "Si Jesus ay Panginoon," kung siya'y hindi
pinapatnubayan ng Espiritu Santo. (1 Mga taga-Corinto 12:3b)
Ang pagpapalayang ito ay nangyari sa madla
kung saan maraming mga tao ang nakasaksi. Nang maging malaya na ang
babae, ay itinaas ng mga tao ang kanilang mga kamay at nagbigay papuri
sa Panginoong Jesus sa kung ano ang Kanyang ginawa.
Ang deliverance sa mga demonyo ay isang senyales na ang kaharian ng Diyos ay dumating. Sinabi ni Jesus:
Ngunit kung ako'y nagpapalayas ng mga demonyo sa kapangyarihan ng
Espiritu ng Diyos, nangangahulugang dumating na sa inyo ang kaharian ng
Diyos. (Mateo 12:28)
At iyon ang ganap na nangyari sa Bdangy; ang kaharian ng diyos ay dumating sa lungsod.
Dipolog
Pagkatapos ng pagtitipon sa Badangy, pumunta
naman kami sa lungsod ng Dipolog kung saan may 110,000 na mamamayan.
Ang biyahe papunta doon ay 15 oras sa bus. Dito ay magkakaroon ng
pagtitipon sa mga pastor. Ito ay pinanabikan ni Ingebrigt sapagkat ang
Diyos ay nagbigay ng espesyal ng mensahe sa kanyang puso para sa
lungsod na ito at sa buong probinsiya. At ang Diyos ang nagbukas ng
pinto upang ang kanyang mga salita ay magtagumpay. Sa unang pagtitipon
ay andoon din ang counselor ng lungsod. Binati niya si Ingebrit at
malugod na tinanggap sa lungsod, sa ngalan ng mayor. Sa hapong iyon
kami ay naimbitihan upang mangape kasama ang mayor. Doon si Ingebrigt
ay nakapagbahagi ng salita ng Diyos at nagdasal para sa mayor.

Si Ingebrigt Hoset at ang Mayor sa lungsod ng Dipolog, si Robertu Yu Uy.
Sa panahon ng pananatili namin sa Dipolog ay
nagkaroon din kami ng pagtitipon sa bundok kung saan ang aming host na
pastor na si Vicente Barbarona Jr. Ay nakabuo ng dalawang simbahan. Sa
pagtitipon dito ang mga tao ay patakbong dumating mula sa kanilang
maliliit na tahanan sa gilid ng bundok upang marinig ang salita ng
Diyos. Hindi ito ang pinakamalaking madla na dumating ngunit walang
ibang dapat sabihin: sinabi ni Jesus: "Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian. (Lucas 12:32)
At napakamakapangyarihan ng presensiya ng Diyos sa pagtitipon na ito.
Ang sangkatauhan ng Diyos ay napalakas at nabuo. Malalakas na paggaling
ay nangyari din.

Mensahe ng pagbati sa isa sa mga simbahan.
Ang pangalang Ingebrigt Hoset ay hindi karaniwan sa Pilipinas kung
kaya't may mga maling ispeling sa pagsulat.

Worship lider sa
isa sa simbahan. Ang babaeng ito ay nagkakaedad ng 13. nang ibuka niya
ang kanyang bibig at magsimulang kumanta ng papuri at pagsamba kay
Jesus, ang kalangitan ay bumaba.

Si
Lindelyn Ferrer ay pumunta sa harapan upang madasalan at agad din siya
ay pinagaling ni Jesus sa kanyang kapansanan sa mata, at sakit mula ulo
batok hanggang likod.

Si Ingebrigt at ang simbahan sa Matam, Upper Disakan, Zamboanga del Norte.
Ang hulign pagtitipon
Sa panahon ng pagbisita namin sa Dipolog,
kinausap ng Diyos si Pastor Barbarona, na ang aming pagbisita ay isang
espesyal na pagbisita na ipinadala ng Diyos. Kung kaya't nagkaroon ng
pangalawang pagtitipon para sa mga pastor sa lungsod at sa distrito. At
espesyal na inimbitahan ang mayor at mga konsehal.
At ito ay isang pagtitipon na kung saan
tinagpo ng Diyos ang mga dumalo sa makapangyarihang paraan. Ang
pagtitipon ay nagtapos sa panalangin, na kung saan unang dinasalan ni
Ingebrigt ang mga politikal na lider sa lungsod at pagkatapos ang mga
pastor. Ang Espiritu ng Diyos ay malakas na naroon, na ang mayor sa
intercession na naganap ay hindi makatayo sa kanyang mga paa, ngunit
yumukbo sa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos. Ganoon din ang nangyari sa
karamihan sa mga pastor.
Isa sa pastor ay nagsabi kay Ingebrigt
pagkatapos ng pagtitipon na ang pagbisita lalong lalo na ang panghuling
pagtitipon ay isang malaking breakthrough para sa kaharian ng Diyos sa
lungsod. Oo, hindi lamang breakthrough, kundi isang Big Bang na
makapagbabago sa lungsod sa hinaharap.

Si Ingebrigt kasama ang mga political na lider at mga espirituwal na lider sa Dipolog City.
Bukas na Pinto
Sa ulat na ito mababasa ninyo ilan sa mga
ginawa ni Jesus.kapag ginawa namin ang nais ipagawa ni Jesus sa amin,
kami ay pupunta at tapusin ang mga gawain.
Sa biyaheng ito ay 160 katao ang naghangad
ng kaligtasan lahat ng mga tumanggap ng kaligtasan ay pinangalagaan ng
mabuti. Ang kanilang pangalan at tirahan ay nakasulat ang ang lokal na
pastor ay pinapatnubayan ang bawat indibidwal.
Para sa mga taong naligtas ang aming biyahe
ay nagkaroon ng kabuluhan. Dalawang linggo matapos ang pagtitipon sa
Agusan del Sur, kami ay nakatanggap ng email mula sa aming kontak na
Pastor na ang mga tao sa lugar na iyon ay bukas na para marinig ang
salita ng Diyos. Ang dahilan nito dahil marami ang napagaling ant
napalaya mula sa mga sakit at karamdaman.
Maraming pastor at lider ang nakatanggap ng
bagong pahayag at pananaw sa biyaheng ito. Nagpatungo ito na ang mga
tao ay nabuo at napalakas sa kanilang pananampalataya.
Ang Diyos ay nagbukas ng pinto upang ang
buong lungsod ay ay maging bukas para sa salita ng Diyos. Sa hinaharap
ang lugar na aming binisita ay maka-ani ng bunga sa pagbisita. At
marami pang ginawa si Jesus na kung isusulat lahat, inaakala kong hindi
magkakasya kahit sa buong daigdig ang mga aklat na maisusulat tungkol
dito. (Juan 21:25).
Papuri sa Panginoon.