Ang komperensiya na naging makasaysayan
(Nigeria, Pebrero 2007)
Noong ika-12
hanggang 18 ng Pebrero, 2007 si Ingebrigt Hoset ay ang pangunahing
ispeker sa ika-20 annibersaryo ng International Convention sa Shekinah
Ministries International (SMI) sa Badagry, Lagos State Nigeria.
Ang Shekinah
Ministries International ay itinatag ni Apostle JM Williams dalampung
taon na ang nakalilipas. Ang pangitain na kanyang natanggap ay ang
maabot ang buong Africa ng ebanghelyo ni Jesus. Mula sa umpisa ang
Shekinah Ministries International ay nakapag-abot na ng mahigit
kumulang isang milyon katao para kay Jesus sa siyam na Kanlurang bahagi
ng bansang Africa.
Hindi ito isang
pagkakataon na ang malakas na gawaing ito ay umabot sa Badagry. Sa mga
panahong ito ang lugar na ito ang pinaka-ulo sa pagpapadala ng mga
alipin sa America at Caribbean. Mula sa isang bayan na dati nagpapadala
ng mga alipin, ngayon ang Diyos ay nagpadala ng apostolic na grupo sa
mga bansa sa Africa upang mapalaya ang mga nabilanggo sa pamamagitan ng
ebanghelyo ni Jesu-Cristo.
Samakatuwid napakalaking karangalan ang maimbitahan upang maging pangunahing tagapagsalita sa annibersayo sa taong ito.
Ang tema sa komperensiyang ito ay Ang Shekinah ng Diyos ( kaluwalhatian ng Diyos)
At ito ay
napakamakapangyarihang linggo kung saan tinagpo ng Diyos ang kanyang
sangkatauhan. Sa panapos na pagtitipon sa huling araw, ang alagad na
may katungkulan sa gawain sa bansa na si Benin ay nagsabi:
Ang sinuman ang narito sa linggong ito at nagsabi na hindi nangusap ang
Panginoon sa kanya o kaya naman hindi siya tinagpo ng Diyos, isa siyang
singungaling! Sapagkat lahat ay nakarinig mula sa Diyos at kinatagpo ng
Panginoon sa linggong ito.
At sa gayon ding
pagkakataon nagsabi si Apostle Williams na ito ang pinakapambihirang
komperensiya na nagkaroon sila. Kaluwalhatian para sa Diyos.
Sa panahon ng
komperensiya, ang mga tao ay tinagpo upang mapanumbalik muli,
kaligtasan, paggaling at deliverance. Isa sa mga pagtitipon na ginanap,
ang bawat isa ay nagpunta sa upuan ng kanilang kapatiran sa simbahan
upang humingi ng kapatawaran at makipagkasundo. Ito ay
napakamakapangyarihang tanawin.
Sa isa pang
pagtitipon may labing lima katao ang nagsisi sa kanilang kasalanan sa
pagiging malamig. Ito ay kasapi sa simbahan, kumakanta sila at
nakikinig sa pangangaral. Ngunit para lang silang katulad sa limang
hangal na mga birhen sa Mateo 25:1-13. hindi nila kilala si Jesus,
samakatuwid kinkailangan nilang magsisi sa kasalanan upang makatanggap
ng panibagong langis para sa kanilang lampara. Ito din ay
napakamakapangyarihang tanawin.
Maliban dito may pito pa ang nagsisi sa kanilang kasalanan.
Tatlong linggo
matapos ang komperensiya na kung saan si Ingebrigt ang nangaral, ay
nakausap niya ang Senior Pastor Emmanuel Oheve sa Shekinah, Badagry na
nagsabi na patuloy pa rin ang mga patotoo sa kung ano ang ginawa ng
Diyos doon.
Mga Larawan
Mga naghangad ng kaligtasan.
Ang pinakamatagal na pagtitipon ay umabot ng pitong oras at ito ay sobra na para sa mga bata...
|