![]() |
|||||||||||
|
Mula sa kalangitan para sa kaluwalhatian.(Pilipinas, Hunyo/Hulyo 2008.)
Walang mas higit pa na pangalan kaysa sa pangalan ni Jesu-Cristo. Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sila'y mga inilagay niya sa hayag na kahihiyan, na nagtatagumpay siya sa kanila sa bagay na ito.(Colosas 2:15). Ang tagumpay ni Jesus ay panghabangbuhay na tagumpay at ang kanyang mga kalaban ay nagsialis ng sila ay hinarap sa pangalan ni Jesus. Ika-7 ng hulyo
ako ay bumalik sa aking pang-apat na biyahe sa Pilipinas. Ang aking
biyahe ay hindi magkaparis. Kung ano ang naglalarawan sa biyaheng ito
ay ang napakaraming pagpapagaling at malalakas na mga himala na
nangyari sa madla. Si Jesus ay nagpakilala na ang Kanyang pangalan ay
talagang pambihira.
251 ang naligtas Bilang tao ang pinakadakilang himala na mararanasan natin ay ang kaligtasan. Sa ika-anim na pagtitipon na nangyari, doon maraming naligtas. Mula sa 1 patungo sa 83 sumatotal nasa 251 katao ang tumanggap kay Jesus sa biyaheng ito. Napakamakapangyarihan na karanasan na makita sa mga tao ang pagbabago na nangyari kapag ang sila ay ipinanganak muli. May liwanag na nagningning sa kanilang mga mata at hindi iyon kakaiba. Ang mata ang bintana sa iyong kaluluwa, at ipinapakita nito ang espirituwal na kalagayan ng isang tao. Si Jesus ang liwanag sa mundo. Kapag siya ang Panginoon sa isang tao ito ay samakatuwid nakikita natin. Sapagkat ang Diyos na nagsabing, "Mula sa kadiliman ay sisilang ang liwanag," ay siya ring nagbigay liwanag sa aming isip upang makilala namin ang kaluwalhatian ng Diyos na nahahayag sa mukha ni Cristo. (2 Corinto 4:6) Nagtanong ako sa
mga bagong mananampalataya kung ano ang naramdaman nila, at sumagot
sila na nagkaroon sila ng kapayapaan.At natural lang na ganito ang
kanilang maramdaman pagkat sinaad ni Isaias: Walang kapayapaan ang mga makasalanan. (Isaias.48:22). 251 katao ang nagkaroon ng pagbabago sa kanila sa panghabangbuhay sa panahon ng mga pagtitipon na ginanap sa biyahe namin. Marami sa kanila ang lumapit sa akin pagkatapos ng pagtitipon upang ipahayag ang kanilang kagalakan sa pagpunta ko upang ipangaral sa kanila ang kaligtasan. Ang paggawa nito ang napakadakilang gawain na maaring gawin ng isang tao sa kanyang kapwa.
Pagpapagaling at mga himala.
Nang ipadala ni Jesus ang kanyang labing dalawang alagad sinabi Niya: Humayo kayo't ipangaral na malapit nang dumating ang kaharian ng langit. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin at linisin ninyo ang mga may ketong, at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad. (Mateo 10:7-8) Nang ipadala ni Jesus ang 12 alagad sinabi niya; Pagalingin ninyo ang mga maysakit at sabihin sa mga tagaroon, 'Malapit na kayong pagharian ng Diyos. (Lucas 10:9) Ang isang tao na ipinadala ni Jesus ay hindi lamang mangaral kundi magpagaling din sa mga maysakit. Ang kaharian ng Diyos ay hindi naglalaman ng salita kundi kapangyarihan. Sa pagtitipon sa pagbangong muli, ipinangaral namin ang kaharian ng langit. Pagkatapos magsisi ng mga tao, ay inanyayahan naman namin ang mga maysakit na pumunta sa harapan upang gumaling. Sinabi ni Jesus
sa kanyang mga alagad na ang pagpapagaling ay kasama na rin kapag
ipinangaral nila ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Hindi siya
pumunta upang magbigay ng mungkahi kung ano ang kailangan nilang gawin,
ngunit iyon ay isang atas kung ano ang gagawin. Ang atas na ito mula sa
haring Jesus ay ginagamit ngayon.
At ang mga maysakit ay pumunta at gumaling. Sa mga pagtitipon na
ginanap sa iba't-ibang lugar na sa 90 porsyento ang nakasaksi sa mga
pagpapagaling na nangyari doon. Sa tatlong pagtitpon na naganap lahat
ay naging saksi sa mga dinasalan at gumaling na mga tao. Kapag dumating
na ang kaharian sa kalangitan dala ang kapangyarihan, may 100 porsyento
na ang paggaling! - Lahat
ng mga taong may malabo ang paningin ay naibalik ang kanilang paningin
pagkatapos silang madasalan. Iba sa mga pagpapagaling na nangyari ay maihahanay bilang himala. Isa sa mga himalang ito ay nangyari kay Pantalion Escolotor mula sa nayon ng Patang sa distrito ng Sison,Surigao del Norte. Si Pantalion na 57 taong gulang ay ipinanganak na pipi at bingi. Hindi siya kailanman nakakarinig ng kahit na ano o kaya nakakapagsalita man lang. Biyernes, Hulyo 27,2008 ang kanyang buong buhay ay nagbago. Ang masamang espiritu na nagpabingi at nagpapipi kay Pantalion ay naalis at siya ay nakarinig at nakapagsalita sa unang pagkakataon! Ngayon siya ay nakakapagsalita at nakakarinig na, ipinangaral sa kanyan ang ebanghelyo at siya ay naligtas. Sa larawan sa ibaba makikita mo na si Pantalion Escoltor ay naging malaya na sa maruming espirito sa gitna ng madla. Nang makita ng madla kung ano ang nangyari sila ay napasinghap. Ibinuka ni
Pantalion ang kanyang mga bibig at nakapagsalita na tama. Siya na hindi
pa nakakarinig ni isang salita ay binigyan din ng wika mula kay Jesus.
Nakita mo na at narinig ang ilan sa mga patotoo sa kung ano ang ginawa ni Jesus sa biyaheng ito. 251 katao ang tumawag kay Jesus at naligtas, daan-daang katao ang napagaling. Mga tao na may masamang espiritu ang napalaya at nakatanggap ng kaligtasan. Napakaraming himala ang nangyari sa madla. Ang simbahan na kung saan ang dibisyon at pagkahati ang namayani ay nagbago ng tuluyan. Kinatagpo ni Jesus ang bawat isa sa kanila at ang pagsisisi at pagpapanumbalik ay naganap. Pumunta ako sa Pilipinas upang ipamahagi ang Kanyang dakilang pangalan sa mga Hentil. Sapagkat naglalakbay sila sa pangalan ni Cristo at hindi tumatanggap ng anumang tulong sa mga di sumasampalataya sa Diyos (3 Juan 1:7) May mga milyon katao ang naghihintay para isang tao na pumunta at ipangaral ang kaharian sa kalangitan para sa kanila. Kami ay hanadang pumunta. Ngunit upang magawa ito kinakailangan namin ang inyong supporta para sa biyahe at sa regular na paghahandog. magkasabay nating saksihan ang mga taong naligtas, gumaling at napalaya sa kung ano ang gumagapos sa kanila.
Pagpalain nawa kayo ng Panginoon!
|
||||||||||
Webmaster: Dan Hoset | Frihetens Ord, 6650 Surnadal, Norway |